CHAPTER 2

1 1 0
                                    

Chapter 2 : Their beautiful mansion

"You can start now, para makilala mo din sila at hindi ako ang pagsisilbihan mo, kundi ang apo ko at mga kaibigan niya." Paulit ulit nag rereplay sa akin iyon. Hanu daw?

"A-ano ho ulet iyon?" Tanong no ko na hindi pa din nag sisink in yung sinabi niya sa akin.

"Ang sabi ko ay hindi ka sa akin magtatrabaho kundi sa apo ko at mga kaibigan niya." Paglilinaw niya sa akin.

Oh shit! Parang gusto ko nang umatras ah. Wag ko nalang kaya tanggapin yung offer? Talagang sa apo niya ako mag tatrabaho? Hindi lang yon pati sa kaibigan niya! No way! Gagawin ko na ang lahat wag ko lang maging amo yung mokong niyang apo at pati na rin yung gunggong na kaibigan nun! Charot! Baka kung ano-ano pa ang ipagawa sa akin.

"Huwag kang mag-alala Ayana mababait naman ang apo ko pati narin ang mga kaibigan niya." Sabi nito na pinapagawa ang loob ko. Naku Don Ruben hindi niyo mapapagaan ang loob ko sa sinabi niyo, mas lalong bumigat eh!

"Malaki laki din naman ang sasahudin mo." Dagdag pa nito. Sabi ko nga tatanggapin ko na yung offer. "Mga magkano po ba yung kikitain ko?" Gumana nanaman ang pagiging makapal na muka ko.

"Mga 50k lang naman a month." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What?! 50K a month?!Ang laki naman syempre hindi na ako tatanggi. Pagtitiisan ko nalang makasama sa iisang bubong ang mga gunggong na iyon. On the other hand tatanggapin ko nalang pala.

"Sige po ok na ok na po sa akin iyon." May malaking ngiti sa labi ko habang sinasabi ko iyon. Money is life mamen.

"Halika na para maipakilala kita sa kanila." Sabi niya na nag simula nang maglakad papunta sa sasakyan niya. Bumingad sa amin ang isa high tinted na SUV. Binuksan ni kuyang blue eyes yung pintuan ng SUV. Kung magara na ang itsura sa labas mas dumoble naman sa loob.

Halatang ito yung bagong version ng SUV na nilabas nila dahil bukod sa high tinted mukhang bulletproof din yung salamin at convertible din itong SUV. Overall maganda at luxury itong SUV sa loob at labas.

Sa pagkakaalam ko ay 10 pa lang ang nailalabas na Version katulad nito sa buong mundo kaya hindi narin ako nagulat na may ganitong sasakyan si Don Ruben.

Don Ruben Castillo own the largest car manufacturing company in the world. Sila ang pinagkukunan ng mga  iba't ibang uri ng sasakyan all over the world.

Hindi na ako muling nagsalita pa at binaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana. Habang nasa daan ay napansin kong lumagpas kami sa Sli University. "Gaano po ba lalayo yung University sa bahay nila?"

"Mga isa't kalahating oras kapag nilakad. Isang oras naman kapag nag commute ka dahil wala masyadong dumadaan na jeep doon, kailangan mo pang maglakad papuntang terminal at 30 minutes naman kapag may sumabay ka sa kanila pag pasok." Sabi ni Kuya blue eyes. Ay mali ka Kuya never akong sasabay sa kanila. Nevah!

Mukhang magagamit ko na ulit yung baby ko kung ganoon. Hindi naman masyadong malayo yung University sa inuupahan ko noon, mga 10 minutes lang naman ang layo kaya nilalakad ko nalang para makatipid at exercise na rin.

After 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay este mansion nila. Nagulat ako kung gaano kalaki ang mansion kahit nasa gate palang kami. Automatic na bumukas ang gate at mukhang hindi ka basta basta makakapasok dito sa taas ng seguridad.

Nang makarating sa garahe ay may nakita ako apat na iba't ibang uri ng sports car at may tatlo pang iba't ibang uri ng sasakyan na nalapararada rin dito. Malawak ang garahe siguro mga bente o higit pang pasasakyan ang ka kasya dito.

"Looks like they're here." Sabi ni Don Ruben na nakatingin sa mga sasakyan na nakaparada. Yung apat na mokong kaya yung tinutukoy niya? "Let's go hija ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Mukhang iba ang tinutukoy niya kaya makakahinga muna ako ng maluwag bago dumating ang mga mokong.

Sinundan ko nang maglakad si Don Ruben habang tinitignan ko ang exterior ng mansion. May pagka medieval period ang structure nito pati na rin ang design. May mga puno din sa paligid at may nakita din ako parang greenhouse.

"Mahilig din po ba kayo sa halaman?" Tanong ko kay Don Ruben habang pinagmamasdan ko ang paligid. "It's from our wives hija they really love plants." Sabi nito sa akin. Our wives? Anong ibig sabihin ni Don Ruben na our wives? Baka yung asawa din ng mga kaibigan niya.

"Nasaan naman po yung asawa ninyo?" Tanong ko.

"She's already passed away." May ngiti sa labing sabi sa akin ni Don Ruben pero yung ngiti niya malungkot. "I'm whenever where she is I know she is happy." Pag papagaan ko sa loob niya.

"Let's go inside, siguradong naiinip na ang tatlong loko sa loob."Natatawang sambit nito. Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa front door. Bago pumasok may sinabi muna sa akin si Don Ruben.

"Ayana hija when we got inside takpan mo ang tenga mo ha." Tumango tango nalang ako kahit na naguguluhan sa sinabi niya sa akin. Binuksan na niya ang pinto at pumasok na kami. Bumungad sa akin ang malinis at makinis na tiles na mukhang mas makinis pa mukha ko. Nag rereflect dito yung malaking chandelier.

May narinig akong ingay na palapit sa amin. "RUBEN BAKIT NGAYON KA LANG?!" Sigaw ng kung sino. Mayroon ding sumigaw na tinatawag ang pangalan ni Don Ruben. Ngayon alam ko na kung bakit sinabi sa akin kanina na takpan ang tenga ko. Mayroong lumapit sa akin na isang lalaki mukhang kasing edaran lang ni Don Ruben.

"Pag pasensyahan mo na ang ingay ng mga yan." Sabi sa akin nung lalaki na. "Ayos lang po sa akin sanay naman po ako sa ingay." Sabi ko sa kanya dahil totoo naman lalo na tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko, napakaingay nilang tatlo.

"Sino naman ang magandang binibining kasama mo?!" Sabi nung lalaking nakaakbay kay Don Ruben.

Ehe. Magandang binibini daw!

"Ako nga po pala si Ayana Michelle Villacruz, Yana or Aya  nalang po itawag niyo sa akin." Magalang na pagpapakilala ko.

"Ikaw pala yung sinasabi ni Ruben kanina. Sabi naman nung nasa tabi ni Don Ruben. Tumango lang ako. "Oh we forgot to introduce ourselves to you hija. I am Elias Javier. It's a pleasure to meet a beautiful maiden like you." Dagdag nito. Beautiful daw! Masyado niyo naman akong pinupuri sige kayo baka lumaki ulo ko nito.

"Ako naman si Jomari Luciano. It's nice meet you." Sabi naman ng nakaakbay kay Don Ruben. Lumapit ito sa akin at nakipagshakehands ito.

"Ako naman si Nicolas Andrada. Kinagagalak kong makilala ka." Sabi ng lumapit sa akin kanina.

Ngayon ko lang napagtanto na ang apat na tanyag na business man sa buong mundo ay nasa harapan ko.

_________________________________________________________________________________________________________________________________

Have a great day/night ;)

I AM LIVING WITH THE J.E.R.KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon