Isang lalakeng may sakit na tinatawag nilang Vampires eye Ang matyagang umiibog sa isang babae simula pa noong syay walong taong gulang
Aksidente silang nakulong sa isang akdemya na pinapatakbo ng limang makapangyarihang Tao at doon nagsimulang magi...
2014 setember 21, normal na araw lng ngunit kakaiba Ang pangyayari.
Siyam na taong gulang pako noong panahong iyon ngunit napaka linaw parin ng mga ala alang naiwan
Nka tayo ako noon sa dalampasigan.
sa buhanginan tabi ng dagat.
Pinanonood ko Ang kalangitan habang hinahayaan Ang maliliit na alon na dumampi sa aking paa.
Napalingon ako sa gilid ng dumating ka, Dala Ang boteng may laman na papel, tanaw ko sa muka mo Ang pagdadalawang isip bago mo itong tuluyang ibinato.
Iniisip Kong kapitan ka.
Gusto ko sanang magpakilala.
Akmang lalapit ako ng Kaagad Kang umalis Kaya napatigil ako at napayuko.
Ang alon ay unti unting lumiliit sa paglapit nito sa dalampasigan.
ngumiti ako at nagtatalon sa tubig.
Ang saya.
di ko inaasahang dadalhin ng alon papalapit saken Ang boteng iyong hinagis, nagtata-talon talon ako noon ng natanaw ko itong papalapit at unti unting tinutulak ng alon patungo sa aking mga paa.
Biglang kumalma Ang tubig at umihip ng kaylakas Ang hangin ng ilapit ko Ang mga daliri sa bote. Bigla namang tumigil Ang Mundo ng i-angat ko Ang kamay hawak Ang boteng ito.
"To someone who meant for me!,
Pls come before I die!"
Matapos Kong mabasa. Muling umalon at Ang ikot ng mundoy nagpatuloy.
Ang ala ala to'y mananatiling sariwa sa karagatan ng aking puso. Magkikita tayo ayon sa plano ng Mundo.
"My Destination!, Medyo mahaba Ang byahe so plss. Wait for me"
Madidinig Ang huni ng Ibon kasabay Ang pag pasok ng liwanag sa kwarto, maingay Ang mga dahon dahil sa hanging yumayakap rito.
Sa panaginip na lamang ba ako magkaka roon ng ala ala.
I mean, wla akong maalala na kahit ano noong kabataan ko. Lahat ng ala ala ay galing sa aking panaginip, sa bawat pagkakataong may nagtatanong ng tungkol sa akin
"ano Ang buhay ko noong Bata pa ko"
wla akong masagot Kaya Ang ikinikwento ko ay Ang mga laman ng aking panaginip. Kung saan, tila ginagamit ko Ang kwento at idinadagdag sa nakaraan Kong buhay na nawawala.
Malaking katanungan sa akin Kung sino ako at Kung anong nakaraan Ang hinahawakan ko. Bka dahil sa bagay natoy maging ibang tao ako o mapad pad sa Ibang kwento na pala ay Hindi saken.
Bkit nga ba sa panaginip ko nagpapakita Ang mga bagay na Hindi nmn sa aken at siguradong Hindi nangyare saken. Ano ba Ang Plano ng Mundo? ______________________________________ 1.1 GOOD MORNING
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.