Capítulo Cinco: Baliktanaw at Liham

Start from the beginning
                                    

Y/n: Kami na po ang bibili, Manang! Saad ko paraan upang makuha ang pansin ng anim na lalaking naglalaro at nagbabasa sa aking harapan at tabi.

"¡estupendo!" (great!) 

Sabay sabay nilang sarkastikong saad sa akin. Nagkakasundo rin pala itong mga lalaking ito kung natamaan na sila ng katamaran, 'no?

Vicente: Anong parte ng siesta ang hindi mo maintindihan, Remedios?

Y/n: May angal ka ba, kuya? Taas kilay kong tanong na sinabayan nila ng pagbitaw sa mga librong hawak nila at pagligpit sa sungkang kanina pa nila nilalaro... I smiled internaly knowing that I won against them again, Ha! You can't beat the power of Y/n!

Telesforo: Ipapahanda ko na ang karwahe-- 

Y/n: Maglalakad tayo. Pagpuputol ko sa sinabi ni Telesforo na sinabayan niya ng kamot sa ulo.

Telesforo: Maaari bang tumanggi sa pagsama sa palengke? Tanong niya ng sinangayunan naman ng dalawang Koronel, ni Juan, at ni Joven.

Goyo: Lahat ay sasama. Tayo'y maglalakad at wala ng magrereklamo. Pagtatapos ni Goyo sa usapan na aking nginitian na binalingan naman ng mga kasama namin ng isang masamang tingin.

Binigay sa akin ni Manang Lusing ang listahan ng mga gulay na bibilhin namin sa Palengke upang hindi namin makalimutan habang hinihintay namin ni Joven sina Goyo na makapagpalit sa kanilang Uniporme.

5 minutes had passed when each of them came running towards us wearing their rayadillo. It's not their duty today they wear it to show respect towards the soldiers on duty, I don't know if they are making a reason or whatever, but at least they considered their comrade.

Goyo assigned his Soldiers; Sergeant Pérez and his companion, Corporal Asensio, and a Colonel whom I don't have the time to know his name to take care of the Camp and the training and other things that have to be done by a soldier of the Philippines, of course.

-----------++----------

Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad na hindi mawawalan ng bangayan ay matagumpay naming narating ang palengke. Maliliit lamang ang mga tindahang nakatayo rito. Pinagkumpol kumpol na tabla at tela ng damit o kaya nama'y kumot upang gawing instrumento sa kanilang tindahan na makakapagharang sa matinding tirik ng araw.

Magkakatabi ang bawat gulayan at prutasan at sa kabila naman ay naroon ang mga panindang karne ng baboy, manok at iba pang klase ng mga karne. Mayroon din tindahan ng mga laruang pambata at mga mercancías.

Nakakalat din ang mga sundalo ni Goyo upang mag inspeksiyon o kaya nama'y mag patrolya rito sa palengke, kaya hindi namin maiwasang mapahinto dahil mayroon tanong ang mga kasama ko o kaya nama'y may importanteng tanong ang mga sundalong nag papatrolya rito sa palengke.

Kabila't kanang hagikgik o minsa'y kaway ang mapapansin mo rin sa mga dalagang nasa tabi at bumibili ng kanilang mga dapat bilhin na hindi naman binibigyang pansin ni Goyo na aking kinatuwa at ipagmamalaki, siyempre hindi ko ito sasabihin.


Ilang saglit pa ay napahinto kami nila Goyo at Joven upang masilayan ang katangahan na nangyayari sa aming harapan. Napatid ang Kuya Vicente sa isang maliit na sanga ng puno paraan upang siya'y mapahinto at matisod na sinabayan ng nasa kaniyang likod na Kuya Julian, telesforo, at Juan. Tumayo agad ang mga ito upang hindi na madagdagan ang kanilang kahihiyan at tanging tawa lang naming tatlo ang kanilang maririnig.

To say that sometimes they act like some of the most moronic soldiers out of the field is literally the understatement of the century. Paano ba naman, sa dami rami ng batang naghahabulan kanina at mabangga-bangga na sila ay parang wala lang sa kanila at ngayon nang dahil lang sa isang maliit na sanga ay sunod sunod ang kanilang pagkatumba. Talk about being a moron.

-----------++----------

Napag desisyonan naming maghiwahiwalay upang mabili agad ang aming dapat bilhin. Ang kuya Julian at Vicente ang magkasama, Joven at Juan, at ako at si Goyo, at si Telesforo naman ay piniling mag-isa na lamang iniiwasan ang bangayan.

Ngayon ay hinihintay ko na lamang si Goyo sapagkat may nakalimutan daw siyang bilhin.

Tumayo ako sa may lilong sapagkat napaka tindi ang sikat ng araw. Hindi man ito katindi ng sikat sa aking panahon ay mahapdi pa rin ito sa balat.

Nang makatayo ako sa lilong pinagmasdan ko ang aking mga nasa harapan. Mga tindero at tinderang kaliwa't kanang sumisigaw upang maka kuha ng pansin ng mamimili. Mga Babaeng naka baro't saya at mga lalaking naka camisa de chino na may sari sariling bibilhin. Mga taong nagmamadali upang matapos na ang araw na ito at makapagpahinga ng mas maaga at tahimik.

Nang tumingin ako sa kanan ay nakita ko si Goyong na papalapit sa akin. Kakaway na sana ako ngunit ako'y napahinto ng napahinto rin siya sa paglalakad dahil sa mga dalagang lumapit sa kaniya. Hindi na sana niya papansinin ang mga ito at maglalakad paalis sa kaniyang kinatatayuan ng matumba ang babae sa kaniyang harapan paraan upang maestatwa siya at titigan ito. Napatawa ako sa nangyari sa babae at sa hitsura ni Goyo ng marinig ko ang ale sa aking tabi.

HistoryWhere stories live. Discover now