"May a-anak ako sa pagka-dalaga."

Gulat na gulat ako sa narinig ko, i can't believe it.

"Totoo po ba? B-bakit ngayon niyo lang sinabi sa'kin? Alam ba 'to ni Papa?" i can't stop asking her.

"Oo anak totoo lahat ng sinabi ko, at oo alam rin ito ng Papa mo." she answered.

"So ako lang pala ang walang alam. Kaya naman pala una palang may na s-sense nakong hindi maganda."

"Sorry talaga Anak sana mapatawad mo pa'ko."

"Sapat ba 'yung sorry mo Ma? Sobrang sakit eh hindi ko matanggap."

My tears keep falling, sobrang bigat sa pakiramdam.

Nagawa niya ito sa'kin? Pero si Papa alam niya? How unfair. Kaya naman pala ganon nalang kung mag-alala si Papa before. He becomes paranoid.

"Alam kong hindi nga katanggap tanggap ang sorry ko Anak, pero sana mapatawad mo pa rin ako balang araw." ngumiti siya ng mapait at muling tumulo ang kanyang luha.

Kaya ko pa bang patawarin ang Ina ko?

"Nasaan po ang itinago mong Anak?"

Natahimik siya sandali.

"Nasa bahay siya ngayon, kasama ang..Tita Jancheska mo. Siya ang nagpalaki sa kapatid mo."

Si Tita Jancheska? Kaya pala dati nakita kong may inaalagaan siya sa bahay kahit wala naman itong anak. Now i know. Buti at walang asawa at sariling anak si Tita Jancheska.

"Ilang taon na siya? Bakit hindi niyo po ipakilala sa'min?" i asked.

"She's 18 years old now."

What!? 18!? Grabe, sabagay anak niya ito sa pagka-dalaga kaya ganon na ang edad niya. At meron na pala akong Ate, akala ko ako lang ang anak niya.

"What's her name?"

"Avery pwede mo siyang tawagin bilang ate mo, Vinn." nakangiti niyang sabi.

"Vinn." tawag ni Papa.
"Po?" sagot ko.
"Andyan na pala ang Mama mo."

"Janine, alam na ba ng Anak mo?" rinig kong tanong ni Papa kay Mama.
"Oo, nasabi ko na sakanya." sagot ni Mama.

"Papa matagal mo na bang alam?." i asked him.
"Oo anak, simula nung nakilala ko ang Mama mo." he answered.
"So does it mean na tanggap mo?"
"Oo Vinn, kahit masakit pero wala eh inibig ko ang Mama mo kaya tinanggap ko siya ng buo."

Nakakamangha rin si Papa, na kahit may past si Mama ay nagawa niya pa rin itong tanggapin. Sana ako rin.

Pero malaking palaisipan pa rin sa'kin kung sino ang Ama ni Ate Avery? Kilala ko kaya ito?

"One more question Ma, sino ang Ama ng Anak mo? May communication ba kayo? Saan ka nagpunta nung umalis ka dito? Enlighten me." tanong ko kay Mama na baka sakaling sagutin niya ko.

"Hindi mo siya kilala, at nung panahong umalis ako dito..pinuntahan ko ang Ate mo." sagot niya at hindi makatingin sa'min ni Papa.

"Pero may isa ka pang hindi nasasagot Janine, nagkaroon ba kayo ng communication sa Ama ng Anak mo?" tanong ni Papa.

"Pano kung sabihin kong 'oo' mapapatawad niyo pa rin ba ko?" sagot ni Mama.
"Siguro dahil may dahilan naman kung bakit kailangan niyo ng communication." sagot naman ni Papa.

Yumakap si Mama kay Papa.

"Pasensya na ha, ang dami ko nang pagkukulang sa inyo ni Vinn." paghingi ng paumanhin ni Mama.

Yumakap rin ako sa kanila, hindi ko mapigilang maging emosyonal.

"Wala iyon Janine, ang mahalaga huwag kang mawalay sa'min ng Anak mo." sabi ni Papa.
"Oo naman hindi ko kayo iiwan." sagot ni Mama.

Kumawala na ito sa pagkakayakap sa'min.

"Pero may kailangan muna akong asikasuhin, babawi muna ako kay Avery okay lang ba sa inyo?" tanong ni Mama.

Hindi ko alam kung okay lang ba 'to para sa'kin, pero papayag nalang din siguro ako para mapunan niya rin ang pangangailangan ng anak niya. Hindi naman ako maramot.

"Okay lang basta pagbalik mo isama mo na rin dito ang anak mo."

Tumango si Mama at nginitian kami, isang genuine smile. "Oo, pangako babalik rin ako."

Napakabait talaga ni Papa, hindi niya papakawalan si Mama at ayaw niyang masira ang pamilya namin. Ang swerte ko pa rin pala sa kanila kahit papano.

~*~

Celine's POV:

Ang hirap paniwalaan na bumalik na si Dad. Tinupad niya ang pangako niya na babalik siya.

"Daddy! you came home." masayang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Yes Anak pero may sasabihin ako." he said.
"Ano po 'yun?" i asked.

Nangingilid ang luha ni Dad at halatang pinipigilan ito. Ano ba ang sasabihin niya?

"Patawarin mo, niyo ko. Ang laki ng kasalanang nagawa ko Anak." tuluyan nang tumulo ang luha nito at napaluhod.

"Why Dad? Ano ba kasi 'yon? Bakit hindi mo sabihin sa'kin."
"Hindi ko magawang sabihin Anak." sagot ni Dad.
"At bakit naman?" my Mom suddenly appeared. "Why don't you tell us? Are you mute?" Mom added.

Ang sakit talaga magsalita ni Mom, kung ano ang naiisip niya, kusa itong lumalabas sa bibig niya.

"1 month ago nang matuklasan ko na..may anak ako sa pagka-binata k-." isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Dad mula kay Mom.

"Mommy!" pagpipigil ko kay Mom nang aktong sasampalin niya pa itong muli.
"Huwag mo kong pigilan anak, hayop 'yang ama mo!" sambit niya sa'kin.
"Huwag mo nang pigilan ang Mommy mo Celine, hayaan mo siya. Walang kapatawaran din ang nagawa ko sa inyo." nanlalambot na sabi ni Daddy.

Ano nanaman 'to? Akala ko pa naman sa pagbabalik ni Daddy eh magiging maayos na ang lahat. Babalik na sa dati, pero mali nanaman ako. Nakakasawa rin pala.

"Kung sinabi mo na sana una palang, baka mapatawad pa kita Cedrick!" sigaw ni Mom.

Mababakas mo talaga ang galit sa mga mata niya.

"I'm sorry, sorry sa lahat ng pagkakamali ko. Pinagsisisihan ko lahat ng 'to." sagot ni Dad.
"No, i won't accept your sorry. It's too late." sagot naman ni Mom.

Sa sobrang sikip na ng dibdib ko, tumakbo na ko sa taas at nagkulong sa kwarto ko. Ayoko nang marinig pa ang mga batuhan nila ng masasakit na salita. Durog na durog na ang puso ko. Hindi ko na ata deserve sumaya eh.

At sa sobrang iyak ko hindi ko namalayang nakatulog na ko. Tatakasan ko muna ang mga nangyari ngayon.

Wish We Never MetWhere stories live. Discover now