Chapter 7

456 14 1
                                    

Chapter 7

"Bakit nandito 'yan?" I asked in a vicious way. Hindi naman cleaners itong lalaking 'to kaya bakit nandoon sa labas at nag hihintay?

Nag kibit balikat si Astraea sa akin. Bahagyang namula pa ang pisngi siya sa ginawang pagsulyap kay Amedeo na nasa labas. Nakadungaw siya sa bintana at pinapanood kaming mag linis ng room.

Madilim na din sa labas at kita na ang buwan. Mukha ngang uulan dahil may makakapal na ulap sa kalangitan. Mabuti at may service ako, hindi ako mababasa sa ulan!

"Azriel, pwede pa hawak muna nito?" sabi ko kay Azriel na ngayon ay nag aayos lang ng upuan. Siya ang malapit sa 'kin kaya s'ya ang nilapitan ko. Napatigil naman s'ya sa ginagawa at napatingin sa akin.

He was wearing a clean— white uniform. Halata mo na pinadaanan talaga sa plantsa at alaga dahil wala kang makikitang kahit anong marka ng mantsa. Puting puti ito at saktong sakto lamang sa katawan niya. He has those dark hair, which falls perfectly and smoothly run to his face. Some sweat drop from the hair onto his face.

My feet just naturally moved to where he was. Ibinigay ko ang walis sakaniya ng walang sinasabi kahit anong salita. Ramdam ko na din kasi na ang sakit ng likod ko kaya siya na muna!

Iniwan ko na siya sa likod. Ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin kaya naman ay bumalik ako ng tingin. I nibbled on my lower lip when I see him looking at me from head to toe. Sabay iiling siya at pinipigilan ang sarili na ngumiti.

Baliw ba s'ya? kaonti nalang ay iisipin ko na baka sumanib sakaniya yung multo na nag paparamdam dito sa building na 'to.

I shook my head. Bumalik nalang ako sa puwesto ko at ako na ang nag ayos ng upuan. Sakto naman na nasa likod ko si Astraea kaya nilapitan ko s'ya.

"Hello, Astraea!" I said cheerfully. "Bakit may aso sa labas?" I chimed in.

Nginuso ko ang morenong lalaki na nasa labas ng bintana ng room. Mukhang narinig naman niya ang sinabi ko kaya idinungaw niya ang sarili sa window glass.

"Ako aso? Sa guwapo kong 'to?!" he snorted.

"Bakit ba kasi nandiyan ka? Hindi ka naman cleaners." sabi ko at humakbang palapit sakaniya. Sumunod naman sa akin si Astraea.

Ewan ko ba, kinakabahan talaga ako kapag nasa paligid siya. Ibinubugaw ako ng ibinubugaw kay Azriel.

"Ano... baka.. hinihintay niya ako?" singit ni Astraea. She said it softly. Hininaan niya lang ang boses para hindi marinig ng lalaki. Medyo assumera siya sa part na 'yon pero what if nga?

Amedeo gulped. He halted our thoughts. "Hoy, 'di ah! Kita niyo ba 'yon?" he pointed at Azriel who's busy sweeping the floor. Hindi man lang siya binalingan ng tingin ng lalaki at patuloy pa din sa pag wawalis.

"Hinihintay ko siya."

Talaga ba? May service kami, ah. Hindi niya ba alam 'yon? O baka dahil may iba lang siyang hinihintay..

"May service kasi siya.. baka punuan din yung tryc na service niya. Sasabit ka sa gulong?" inosenteng tanong ko. Pilit siyang iniipit para umuwi na siya.

Alam kong sa ganitong paraan lang ako makakaganti!

"Sige na, uwi kana. Gabi na oh.." sinulyapan ko pa yung labas kung saan kita na gabi na. "Kami may mga service kami. Si Astraea lang ang wala kaya baka ipasabay ko nalang siya sa kaibigan ko sa kabilang section.."

Totoong wala akong kaibigan sa kabilang section dahil hindi naman ako totally friendly. Nararamdaman ko kasi na may crush din 'to kay Astraea.

Nag pipigil ako ng tawa nang makita ko ang reaksyon niya.

Barely CaptivatedWhere stories live. Discover now