Babi🤍
Are you busy babiii?
date naman tayo please :<


Nagtratrabaho sya sa kompanya ng kanyang mga magulang kaya busy sya palagi. Sa isang linggo, tatlo or dalawang beses lang kami nagkikita. Minsan hindi pa.


Naiintindihan ko naman sya kasi mahirap talaga. Syaka, pati rin naman ako busy e. Malapit na finals kaya pinupudpod ko ang sarili kaka-aral.


Babi🖤
Sorry. I'm really busy.
Maybe next time?

Babi🤍
Ganun ba? Okay babi. I understand (•‿•)


Hindi na sya nakapag-reply matapos noon. Siguro busy talaga sya. Sana lang ay hindi sya magpaka-pagod masyado.

Lalabas nalang siguro ako.


I wore my black jenim jeans and partnered with white croptop. Kinuha ko rin yung jacket na regalo ni Xage noong birthday ko.


"Kuya, dyan nalang po sa palengke." Saad ko kay kuyang driver saka iniabot ang bayad.

Mamamalengke nalang siguro ako, tutal wala na rin akong stocks.

While waiting, sinulat ko na sa notes ko yung mga kailangan kong bilhin. Para di ako malito mamaya.

Malayo ang bahay namin sa unibersidad kaya napag-pasyahan nila mama na mag-condo nalang ako. Para rin less hassle.

Kaya simula noong bumukod ako nang tirahan kila mama, natuto na ako sa mga gawaing bahay. Noon kasing nakatira ako sa mismong bahay namin, kahit mag-hawak lang ako ng walis ay ayaw ni papa.

Ika nya'y di ko raw kailangang magpagod dahil meron naman daw sila.

Pagkatapos kong isulat ang mga bibilhin ko ay nag-open ako nang social media para ichat sa aking boyfriend kung nasaan ako ngayon.

Babi🤍
Dito ako palengke ngayon, babi.

Palagi kong inuupdate si Xage sa mga ginagawa ko dahil naniniwala ako na kapag nasa isang relasyon ka, kailangan mong mabuhay para sa inyong dalawa.

Majority of couples in this generation separate for the reason that they do not share information with each other.

At 'yon ang pinaka ayaw kong mangyari saamin. Kaya hanggang't pwede ay ginagawa ko ang lahat para manatili kami.

"Ma'am, nandito na po tayo.." Sabi ni kuyang driver. Hindi ko na napansin.

"Salamat po," Nginitian ko ito at nagbayad.

Nagsimula na akong bilhin lahat ng mga kailangan ko sa buong linggo.

"Manang, magkano po eto?" Tanong ko sa tindera habang tinuturo ang kamatis.

"Trenta ang isang kilo, Ineng,"

Naliwaliw ako sa pamamalengke kaya't hindi ko na napansin ang oras. Alas-singko na pala. Mag-gagabi na.

"Nako, Ate. Marami po talagang salamat, kailangan ko ng umalis dahil mag-gagabi na. Malayo pa ang byahe ko," Ngumiti ako sa babaeng kausap ko ngayon.

"Ay oh, pasensya kana at napakadaldal ko. Balik ka sa susunod ha, marami akong ibibigay sayo na bagong pitas."

Ngumiti nalang ako dito at umalis na.
Nagmamadali akong maglakad, kulang nalang ay tumakbo ako sa kakamadali.

Dahil sa bilis kong maglakad, hindi ko sinasadyang mabangga ang isang babae.

"Ay shit! Hala! Sorry, sorry! Sorry miss!" Gulat akong tinignan syang nagpupulot ng mga papel. Noong nakabawi, tinulungan ko syang pulutin ang mga nalaglag na papeles.

"Uhm, okay lang, salamat." Sabi nito at humarap saakin.

Omg! Isang anghel!

Bago pa ako makapag salita ay tumalikod na ito. Sayang! Muka pa naman syang approchable.

PAGKAUWI na pagkauwi ko sa condo ay naligo na ako agad, pagkatapos ay nagluto.

Actually, hindi talaga ako magaling magluto. Kaya i would rather choose to eat sa mga restaurants.

Pero hindi naman kami mayaman, kaya kailangan ko talagang magtipid.

Once again, i opened my social media to update my boyfriend.

Babi🤍
Good evening babi

Babi🤍

Kain kana, pakabusog ka haa
Loveuuuuu


Babi🤍
I'm eating rn hehe


I love cringey words and being clingy, while Xage is a serious type of person who would rather be alone in his whole life than to interact with others. But, i guess i am his exception. Char.


Hindi ko na sya hinintay na magreply pa. Kasi mostly tuwing gabi, midnight or dawn na sya nakakapag-reply.


Pagkatapos kumain, nag half-bath nalang ako since katatapos ko naman maligo kanina. Mas comfortable kasing matulog kapag naligo ka muna.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. I wore my stitch pajamas and sprayed my perfume. Nag dasal rin ako bago matulog. Nakasanayan ko na rin kasi itong gawain. My family are church oriented.

Lalo na noong nahiwalay ako sa pamilya ko, kailangan ko talaga ng magproprotekta saakin.

Pagkatapos kong mag dasal, natulog na ako. Maaga pa kasi ako bukas, kahit na gusto kong magpuyat ngayon at manood ng kdrama.

Poisonous Love Where stories live. Discover now