Chapter 16

18.4K 735 262
                                    

DUMATING ang isang linggo at araw na nga ng kasal ng kaibigan at katrabaho ni Levi na si Pancho. Maraming imbitado sa kasal at halos lahat yata ng mga bisita ay napapatingin sa kanila.

Formal dress naman ang suot nila kapareho rin sa ibang mga bisita pero nadaan lang talaga sa good looks nila ang lahat. Nakakahiya nga at hindi naman sila ang ikakasal pero sila pa ang nagiging center of attraction sa kasal.

"What's wrong with our outfits? It's just a simple and plain dress." sabi ni Marilyn dahil naiilang na rin siya sa mga mapanuring tingin sa kanila ng mga tao.

"Ang ganda mo kasi kaya pinagtitinginan tayo." Levi said while smiling at her.

Nagblush naman si Marilyn dahil sa sinabi ni Levi. "Y-You too. You look so handsome today." aniya.

"Salamat." sabi ni Levi at mas lalo pa yata itong tumitig sa kanya.

Naputol rin naman ang pagtitig na iyon nang nag-umpisa na ang wedding ceremony. Sa isang Catholic Church sa San Lorenzo lamang ginanap ang kasal.

Hindi nga nagkakamali si Archie na imbitado rin sa kasal sina Trevan at Chiena. Kamag-anak pala nila ang bride sa mother's side nito.

Ni hindi sila magawang lapitan ng dalawa dahil mukha yatang natatakot si Chiena kay Levi na kaagad umiiwas ng tingin kapag napapatingin siya dito. Si Trevan naman ay ginagantihan lang siya ng ngiti kapag tumitingin rin ito sa kanya. Mukhang ayos na talaga sila.

Tatlong oras rin bago natapos ang wedding ceremony. Kaagad nilang nilapitan ang bride at groom at nakipag-kamay sila dito.

"Congratulations sa kasal niyo ni Elissa, Pancho!" pagbati ni Levi sa groom na si Pancho.

"Salamat, Levi. Girlfriend mo?" sabay turo ni Pancho kay Marilyn na nabigla pa sa sinabi nito.

Natatawa namang umiling si Levi. "Hindi. Kaibigan ko siya. Siya nga pala si Marilyn." pagpapakilala ni Levi sa kaniya.

"Hi, Marilyn! Ako nga pala si Pancho at si Elissa, ang asawa ko." nakangiting saad ni Pancho at nakipag-kamay ito sa kanya. Ganoon rin ang bride na si Elissa na nakangiti rin.

"Congratulations to the two of you. Best luck on your husband and wife journey." she said.

"Salamat, Marilyn. Kung mag-aasawa ka, ito nalang kaibigan ni Pancho. Bagay kayong dalawa." Elissa tease her at muli na namang pumula ang mukha ni Marilyn doon.

Si Levi ay nakangiti lang at hindi rin malaman kung ano ang isasagot sa sinabi ni Elissa.

Humalakhak naman ang dalawang bagong kasal dahil sa naging reaksyon nila.

"Sige, kita-kits nalang tayo sa reception area." ani Pancho at tinapik pa nito ang balikat ni Levi na tumango lang doon.

Umalis na rin sina Pancho at Elissa para kausapin ang iba pang bisita ng kasal. Bigla namang hinapit ni Levi ang kaniyang baywang nang makitang nakatingin sa gawi nila sina Chiena at Trevan.

"Alam mo, you're a sadist. Kita mo na ngang hanggang ngayon ay in love pa rin sa'yo 'yang ex-girlfriend mo tapos pinagseselos mo pa." Marilyn said at tinaasan nito ng kilay si Levi.

Levi chuckled. "Wala na kami at wala rin siyang karapatang magselos sa ating dalawa. Nakakainis rin 'yang Trevan na 'yan na halata namang may gusto sa'yo."

"Ewan ko sa'yo!" sabi ni Marilyn na ikinatawa lang ni Levi.

Dumiretso na rin sila sa reception area pagkatapos ng kasal. Sa isang restaurant lang ito na malapit sa Catholic Church. Talaga ngang pinaghandaan nina Pancho at Elissa ang kasal nila dahil magarbo ito at halatang pinag-ipunan para lamang sa araw na ito.

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now