"Get in! " utos nito. Na alarma siya bigla.

"What are you up to? You don't have to drag me like that kong may sasabihan ka, sabihin mo na ngayon. " she carried herself with grace.

Hindi nakakibo si Miguel agad. Parang nanibago ito sa ginawa niya.

Napakamot ito sa noo nito at pinagmasdan siya ulo hanggang paa.

Nagkamali ata siya she's not an easy girl. "Okay I'm sorry but I just need to ask this did we ever cross our paths five years ago? "

Hindi agad nakakibo si Nika. Parang gusto nalang niyang lamunin siya ng lupa. This is not good for her. Pero baka nagkita na sila dati bilang si Alliyah. She hesitates but she acknowledged the fact na hindi niya kayang magsinungaling sa lalaking to.

"Yes! "



UMURONG ng kaunti si Olivia pa kaliwa. Nang di sinasadyang may maramdaman ang kamay niya. Nagulantang siya ng makapa siyang tao.

Kaagad siyang, napabangon dala narin ng gulat niya. Hindi panaginip! Totoong may kasama siya sa silid habang tulog na tulog siya. Kahit anong pag-iisip ang gawin niya hindi niya makuha paano siya napasok sa condo niya?

Dahan-dahan ring gumalaw ang estranghero sa tabi niya. Parang naalimpungatan pa nga ito sa tingin niya.

"Nasaan ako? " Pupungas-pungas ang galaw nito.

Napakunot si Olivia kong saang lupalup ng mundo niya nakita ang estranghero. Pero pinakiramdaman niya muna ang sarili.

Agad niyang pinansin ang kasuotan niya naalala pa niya ang damit niya. Kaya malamang nakatulog lang sila. Hindi naman siguro siya nagshortime kagabi? Napalunok siya bago napunta ang atensyon sa lalaking kasama niya sa kwarto. Na ngayon ay masama rin ang tingin na tila ito pa ang nawalan ng puri kaysa sa kanya.

Mabilis nitong naagaw ang comforter sa pagkakahawak niya. Pinanlakihan siya mismo ng mga mata.

"Aba teka akin yan!" sabay hinablot ang kanyang comforter.

"Nakakahiya naman sayo. Ano ka Virgin? "

Pansin niya ang pananahimik nito sabay ang pamumula ng magkabilang tainga nito. Ayaw niyang mag isip ng kong ano pero.

"Halaka siya totoo?"

Hindi makapaniwalang nilapit niya ang sarili sa lalake. Hindi lang mapigilang mamangha sa gitna ng kakisigan nito ito pa ang may ganang mahiya sa harap niya? Sa harap talaga niya?

Lumapit pa siya ng kaunti rito.  Hindi niya mapigilang mapahanga sa mahahaba nitong pilik mata na hindi karaniwan. At sa napakapino at napakasutlang kutis. Tila tinalo nito ang skincare niya. Walang pores!

"You know you're very familiar have we meet before?" Sigurado siyang nakita na niya ito noon. Saan nga ba? Napaisip siya.

Pero mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iling ng estranghero. Habang nakatalukbong parin ng comforter.

Pero duda talaga si Olivia sa lalake.

"Kailangan ko nang umalis. "  Maya-maya. Kaagad nitong pinulot ang pangtais na damit nito at mabilis na isinuot. Mabilis rin nitong nahagilap ang helmet at walang pakialam na lumabas ng silid niya.

Napakurap siya at sinundan ito pababa hanggang sa pinaka-entrada ng pinto niya. Kasalukuyan itong nagsusuot ng sapatos nito.

"Basta wala akong ginawa sayong masama at huwag mo ng isipin kong nagkita na ba tayo noon or hindi pa. Adios! " walang lingon likod nitong pahayag sa kanya bago nito isarado ang pinto.

Oh My PRIEST!Where stories live. Discover now