TAHANAN

16 4 0
                                    


Ano nga ba ang tahanan?
Dito ba tayo naninirahan?
O dito tayo nasasaktan
At hindi naproprotektahan.


Tahanan ay isang bahay
Napuno ng masasayang bagay
Ngunit hindi ito'y pare-parehas
Ang iba'y nakakaranas ng marahas.


Sa ibang tao o bagay tayo nakakaramdam ng totoong tahanan
Ngunit sa sarili nating tahana'y puno ng kalungkutan.
Tahanan na tayo'y pinaglalaruan
Hanggang sa mabagsak tayo sa hagdan.


Kabataan ngayo'y nasasaktan
Dahil sa sarili nilang tahanan
Na kailanman di nila naramdaman
Ang tahanan na puno ng kasiyahan


Sila ang nagpapasya kung ano ang ilalagay sa alkansya,
Kaya asan ang hustisya?
Hustiya na di kayang malutas
Dahil hindi kami ang batas.


Totoong kasiyahan ang aming nais
Na di nyu kayang intindihin ang aming nais.
Mahal namin kayo Nay at Tay
Subalit mali ang pagkulay sa ating bahay.


Kaming mga kabataan labis na namin kayo iniintindi
Ngunit bakit kami na sarili nyung kadugo di man lang kayang intindihin?!
Ginawa na namin ang lahat upang kayo mapasaya
Ngunit bakit kami di nyu man lang pinapasaya?!


Kayo ang aming sandigan
Subalit bakit ayaw nyu kayo ang maging sandigan?
Ginawa nyu kami sa mundong ito
Ngunit ayaw nyu kami sa buhay na ito?


Gusto lang namin maging masaya
Masaya na kailanman di magiging kasayasaya
Dahil sa mga taong nakapaligid sa amin
Mga tao na palagi nakikita namin.


Malalapit na tao na siya'y nagbabagsak sa amin
Ano ang kasalanan namin
Maging masaya ang nais namin
Kaya kung ayaw nyu samin.


Pakiusap bitawan nyu kami
Dahil kami ay nasasaktan
Di nyu nakikita ang totoong intensyon ng mga kabataan
Dahil mas nakatuon pa kayo sa lason na pamamaraan.

Mga Tula ni Binibining Ada (ON GOING)Where stories live. Discover now