chapter 3

515 19 0
                                    

Reign

Busy ako sa pag aayos ng aking silid gamit ang aking kapangyarihan

Meron lamang akong dinadagdag dito na ako lamang ang maaaring makaalam at makabukas

Isa itong sikretong silid may laman itong mga gamit na nag mula sa mundo ng tao na nadala ko pala mula sa aking kwintas at relo na pwedeng mag tago ng anong mga gamit namag kakasya dito

Inilagay ko sa sikretong silid ko ang mga CCTV monitor na ikinabit ko sa buong paligid ng palasyo kahit pa sa mga kwarto ng aking mga kapatid at inang reyna at amang hari

Meron ring 2 laptop dito sa aking kwarto at iniconnect ko rin ito sa cellphone ko at tv sa kwarto ko

Nang masiguro kung ok na ang lahat ay inaactivate ko na ang mga CCTV camera at isinarado ko na ang silid na ito at ginamitan ng kapangyarihan na invisible at ako lamang ang maaaring makakita at makapag bukas

Tok tok

Prinsesa nandito na po ang inyong pag kain

Rinig kung sabi ni lean sa may Pinto

Binuksan ko ang Pinto gamit ang kapangyarihan dahil natatamad akong lumapit doon para buksan ito

Prinsesa ito na po ang pagkain
Sabi nya sabay lapag ng pagkain ko sa may bedside table

Asan ang kapatid mo?
Nag tataka kung tanong dito

Ahm gumagawa po ng mensahe upang ipaalam sa panganay nyong kapatid na gising na kayo

Sinong kapatid kunyare nalilito kung tanong
Hindi nila pwede malaman na bumalik na ang alala ko hanggat hindi ko napapatunayan na hindi ako tatraydorin ng mga pag kakatiwalaan ko dito

Ayaw kung magaya ulit sa buhay ko dati sa mundo ng mga tao bilang averyl na pinatay ng kinikilala kung pamilya

Si prinsipe Caspian Laurier po ang panganay nyong kapatid
Paliwanag nya sakin

Kung ganon nasaan ang aking mga kapatid

Nasa isang akademya po sila
Dahil ayon sa batas sa ating mundo ay kailangan mag aaral ng isang nilalang na may kapangyarihan pag dating nya sa edad na 16.
Mahabang paliwanag nya sakin

Dapat po ay nasa akademya rin po kayo prinsesa kung hindi kayo ipinatapon sa mundo ng tao
Dagdag pa nya

Ilang taon ba akong nawala dito,
Tanong ko dahil sa pag kakaalam ko mag kaiba ang takbo dito at sa mundo ng tao ang oras dahil mas mabagal ang takbo ng oras dito kesa sa mundo ng mga tao

Mahigit isang taon prinsesa

Kung gayon mahigit dalawang taon ako namalagi sa mundo ng tao pero dito ay isang taon mahigit lamang

Tumango ako sakanya at kumain na

Habang kumakain ay tumingin ako sa pwesto nya

Hindi kaba aalis sa aking silid
Mataray kung sabi dito

Hindi prinsesa ipag paumanhin nyo
Seryosong sabi nya

Dalhin baka mapahamak nanaman kayo tungkolin namin ng kakambal ko na protektahan ka gaya ng pag protekta mo samin
noon
Basa ko sa kanyang isipan

May problema ba mahal na prinsesa na nagugulohan nyang sabi

Wala may naisip lang ako

Maaari kanang umalis lean kaya ko na ang sarili ko nais kung mag pahinga muli

Ipapatawag ko nalamang kayo kung may kailangan ako sainyo

Ngunit prinsesa
Nag aalala nyang sabi

Kaya ko ang sarili ko lean makinig ka sakin kung ayaw mong igaya ko ang iyong kapatid sa babae kanina

Nag Iwas sya ng tingin dahil don bago muling nag salita

Ipag paumanhin nyo kamahalan ang aking kalapastanganan nag aalala lamang ako sainyo ngunit kung iyon ang iyong nais ay masusunod
Magalang nyang sabi habang nakatungo sa aking harapan tanda ng pag galang

Pag katapos ay umalis na rin sya sinigurado ko munang naka balik na nga sya sa silid nya gamit ang cctv ko at nag lalakad na nga sya patungo sa silid nya

Hindi naman talaga ako mag papahinga dahil mag tatraining ako

Inilock ko muna ang Pinto bago pumunta sa secret room ko

Malawak itong kwartong to pwede training ground 

Nag sit ups muna ako ng mga 200

At 300 na push up

Gumawa ako ng illusion na mga kalaban ko gamit ang kapangyarihan ko

Akmang susuntokin ako nang isa pero nailagan ko ito at ako naman ang sumipa sa kanyang mukha

Ah ahh

Sabay na sumugod sakin ang dalawa at tumalon ako ng mataas sabay roundhorse kick sakanilang dalawa

Nasuntok ako ng isa dahil hindi ko agad ito namalayan pero agad din naman akong nakabawi at sinapak sya bago suntokin ng malakas sa tyan

Mukhang nadala ko rin sa mundong to ang kakayahan ko bilang averyl noon

Sabagay iisa lamang naman kami at Kaya ako ibinalik dito ay tapos na ang parusa ko ngunit ibinalik ako dito kung anong kalagayan ko nung si Averyl na pinatay ng tininuturing nyang pamilya  ang pinagkaiba lamang namin ng katauhan kung averyl sa mundo ng tao ay black na mga mata at brown na buhok 

Mukhang nadala ko nga ang katangian ko noon bilang averyl dito kinakailangan kung hanapin kung nasaan ang underground society dito

Dahil gusto kung malaman kung sino ang kanilang pinuno at agawin ang trono nya upang mahawakan ko ang buong underground dito

Dahil kinakailangan ko ng backup pag may nangyaring hindi maganda

Kinakailangan ko ng mag pahinga dahil bukas na bukas ay hahanapin ko ang black society  dito o mas kilalang UD society sa mundo ng tao

Tinanggal ko na ang mga illusion at lumabas sa silid na ito upang mag half bath at mag pahinga na sa aking silid

Pinuno ko ng hot and cold water ang tub at nilagayan ito ng bubbles at mga petals ng rose

Ibinabad ko ang aking sarili sa bath tub upang marelax kahit papaano

Halos 20minutes rin akong nag babad bago mag banlaw ng katawan

Nag bihis lamang ako ng simplying damit short at sando mula sa kapangyarihan ko dahil alam ko naman na puro bestida ang aking nga damit sa walk in closet at mga gown, may mga croptop at pantalon din ngunit hindi naman ako aalis

Iniblower ko nalamang ang aking buhok upang mapabilis ito sa pag tuyo

Nag pabango narin ako sa buong katawan

Humiga na ako sa kama at unti unti ko ng nararamdaman ang antok dahil sa pagod

Third person pov.

Samantala sa academy ay na natanggap na ng binatang si caspian ang sulat mula sa katulong ni reign

Mahal na prinsipe nais ko pong ibatid sainyo na nagising na po ang inyong kapatid ang prinsesa reign ngunit may isa pong problema wala po syang maalala marahil po may nangyari sakanya sa mundo ng tao bago maibalik dito yon lamang po mahal na prinsipe

Bakas ang saya sa mukha ng binata dahil gising na ang busong kapatid ngunit makikita mo sa mga mata nito ang lungkot dahil sa balitang nawalan na ng alala ang kapatid...

Poem for all

If you want that dream to be your reality, Then you must wake up, Don't be afraid of it, Don’t hesitate, You can do whatever you want, You just have to open your eyes, It won't be spoiled but yes will be achieved, Don't you think it would be great, To achieve what you always dreamt.





Reincarnated As The Unwanted Princess(Book1&2) Where stories live. Discover now