"You are cute when you are annoyed," nakangiting sabi nito. "I'm inviting you tomorrow, it's my birthday."

"Party?" Taas kilay kong tanong.

"No, just you and me. I want to be honest with you. I like you," saad nito.

"You have a girlfriend," paalala ko sa kanya.

Matagal ko ng pansin ang kakaibang pagtitig nito sa akin, hindi ako tanga para hindi malamang attracted siya sa akin.

"I can-"

"Look Mr. Monteverde hindi ako nakikipag-thingy sa client ko. At ayoko ring maging dahilan ng paghihiwalay niyo ni Serenity," lies.

Ayoko naman na i-grab agad ang pagkakataon. Madami pa akong plano, slowly but surely.

"Just a dinner. I won't touch you, I just wanna be with you. Hope you'll accept my invitation," seryosong sabi nito. "Serenity doesn't need to know because she has no right to stop me from what I want."

Wow, watta jerk boyfriend. Ain't loyal.

"Sure," nakangiting sabi ko.

I have a plan.

Umalis ito at ako naman ay dumeretcho sa bahay ni Mr. Yves Clemente para sunduin si Sierra. Agad naman akong pinapasok ng guard.

"Lakas ng tawa ni Zhaika ah. Mukhang may nangyayari na naman," saad ni Zhaika habang papasok na kami sa loob ng malaking bahay.

"What the hell!" Bulong ko ng makita si Sierra na hawak ang buhok ni DJ habang natatawa si Zhaika sa gilid kasama ang dalawa pang kamukha ni DJ.

Ang Triplets na anak ni Mr. Yves.

"You don't know how to respect!" Sigaw nito habang patuloy pa ring hinihila ang buhok ni DJ.

Si DJ naman ay nakahiga sa carpet habang hawak ang maliliit na kamay ni Sierra sa buhok nito.

"Bitiwan mo ako bulinggit! Titirisin talaga kita!"

"Do it, isusumbong kita kay Shawny."

"AHHH-AWWWWWW! BITCH, ITONG ALAGA MO! PESTE KAYONG DALAWA!" Sigaw ni DJ habang ang mga kapatid nito ay natatawa ganun rin si Zhaika.

Kaya naman nitong matanggal ang kamay ni Sierra kaya lang ingat din ito sa anak ko.

"She's not bitch! I'm going to report you to Shawny for not respecting my Tita!" Galit na sabi ng anak ko at nakuha pang sapakin sa mukha si DJ kaya agad akong lumapit ang binuhat nito.

"Sierra mali ang ginawa mo. Say sorry," sabi ko.

"Oh my gosh, good thing you're here Dela Vega. Take your daughter out of our house," sabi ni DJ na nakatayo na at hawak pa rin ang mukha nito. " She's little devil."

"Hi, architect. You have a cool daughter," saad naman ni RJ.

"She's welcome here anytime. Don't worry hindi namin hahayaan na saktan siya ni DJ, siya na lang ang mananakit okay pa," natatawang sabi naman ni ZJ.

"Anong tingin mo sa akin pumapatol sa bata? Ulol!" Inis namang sabi ni DJ bago hinarap si Sierra. "Hintayin mong lumaki ka ng kaunti itatapon kita sa pool."

Hindi ko sila pinansin at hinarap si Sierra.

"Say sorry to Tito DJ," utos ko.

"No!" pagmamatigas nito.

"Sierra!"

"No, I won't say sorry. Kasalanan naman niya Mommy, he pulled Tita's hair so I pulled his hair too! He doesn't know how to respect," pairap pang sabi ni Sierra.

"You punched him-"

"He called Tita a bitch!" 

Lagi na lang may rason ang batang ito. Inirapan ko si Raya at Zhaika na natatawa sa gilid.

"Sierra, say sorry or else-"

"OKay," sabi nito at hinarap si DJ na nakataas pa rin ang kilay. Itong batang ito sakit sa ulo minsan sa pagiging maldita. "Sorry Tito DJ-oh by the way, I will hurt you again when you insult my Tita."

"Tsk, bulinggit alis ka na nga baka hindi kita matantya!"

Tinalikuran ko na ito.

"Thank you for welcoming my daughter here," saad ko kay RJ at Zj. "Una na kami."

"Mommy wait," napahinto ako ng magpababa si Sierra. "Hmmm, I want to apologize to Tito DJ again. "

Huh! Napatingin ako rito ng tumakbo palapit kay DJ.

"Tito, sorry na. I'm sincere now," pagpapacute ni Sierra at may kinuha sa maliit na bag nito.

"Wow sinapian ka ng anghel bulinggit," nakangising sabi ni DJ.

"Open your hand po. This is so special to me," drama pa ng anak ko.

Hindi ko nakita kung anong nilagay ni Sierra sa kamay ni DJ pero nagmura ito nang malakas.

"PESTE KA, BULINGGIT! ITATAPON TALAGA KITA SA POOL! FUCK SHIT!" Sigaw nito.

Tumawa naman si Sierra na nakatingin kay DJ.

"Poor Tito DJ. You are old na pero takot pa rin sa ipis. Bleeeehhhhh!" Masayanag sabi ni Sierra at tumakbo sa akin. Tinaas pa nito ang dalawang kamay kaya binuhat ko. "Let's go Mommy. I won. Sierra-1, Tito DJ-ZERO! YEHEY!"

"Sierra!" Pigil ko dahil dumila pa ito kay DJ na nasa taas ng Sofa.

"DON'T CALL ME BULINGGIT AGAIN IF YOU DON'T WANT ME TO BRING A LOT OF COCKROACHES WHEN I COME BACK! MY NAME SI FLORYN SIERRA DELA VEGA, REMEMBER MY NAME LOSER!"


Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon