" Balita ko naka uwi na raw yung pamangkin ni Gov.?yung magandang chix ano nga pangalan nun?" Tukoy nito kay Pinky

"Oo nagkita nga kami kahapon, wala namang nagbago dun, shunga parin naman si Pinky."

"Ganun?t'yak ako lalo yung gumanda!teka nga pano mo naging best friend yun?akala ko ba ako lang best friend mo?"

"Mabait kasi siyang tao saka kahit may sapi yun masarap siyang maging kaibigan, naging close ko siya nung sinama ako ni nanay sa bahay nila bata palang yun maganda na talaga, nasa lahi na nila. "

" Alam mo, if I were a boy liligawan ko yun."

"Aba'y Loko ka, kaya mo na bang ibigay lahat ng luho nun?"

"Hmmm hin....di, pero magtatrabaho naman ako para maibigay ko lahat ng gusto niya."

"Asus di ka pa nga graduate ang yabang mo na."

"Eh bakit ikaw anong plano mo?"

"Ako? Gusto ko pag graduate ko punta akong Manila mag hahanap ng experience saka mag a'apply. "

"Ako dito nalang siguro muna ako, I'ma manage ko lang siguro yung bakery namin."

"Malapit na nga pala graduation natin ano~ konti nalang..."

Matapos kami mag chikahan dun imbis na mag linis pumasok na kami sa huling subject namin, nag quiz lang kami ng 30 items hinabol kasi namin tong subject nato kaya kahit ilang minuto ay may klase parin, tapos uwian na.

Nasa labas na ako ng gate habang nag hihintay sa kapatid ko ng pumara ang isang puting SUV sa harap ko at bumungad sakin si Pinky.

"Hi besty! pupunta ako sa kabilang hacienda at isasama kita and you can't say no" sigaw nito nasa kabilang daan pa kasi to naka park bawal mag u turn.

" Ano pa nga bang magagawa ko? Kaya lang si Eboy wal-"

"Ate! Mamaya na siguro ako makauwi may try out kasi ng basketball nga- ah Hi Pinky!" bigla siyang napatigil at namula ng mapansin niya si Pinky sa.

"Hi boy! Isasama ko lang ate mo sakin eh buti dumating ka!"

" Ah haha ganun ba, sigi ah mag iingat kayo sa byahe " sabay kamot sa batok, apaka torpe ng pota.

"Sigi ate, ingatan mo si Pinky ah" sabay takbo binulong niya lang yung huli niyang sinabi aba'y ang ugag nag utos pa!

" Che! Palibahasa kasi torpe! Sigi na, mag iingat ako!" sabay lakad ko patungo sa kotse ni Pinky.

" Hahaha you know, ang cute niyo talagang mag sibling, and I wish I had a sibling too kaya lang wala eh, pinsan ko lang meron ako si ate Ana, pero hindi kami ganun ka close tulad niyo."

" Bakit mo nga pala ako isasama dun?ano bang meron?"

" Oh dadating pala sila ngayon kasama si Tito Felipe" she giggled bako niya pina andar ang sasakyan.

"Si Gov. dadating?"

"Yes and kaya kita sinama kasi I wanna show you something besty." sabi nito sabay ngiti ng matamis.

Umabot ng isang oras bago kami nakarating dun sa isang hacienda nila Pinky yung may bongalow, dun niya ako dinala, grabe sobrang ganda at lawak Ng lupain ng mga Harrison, may mga puno ng ibat-ibang klase ng prutas ang ma dadaanan mo bago ka makapasok sa hacienda.

May mga trabahanting nag sisiga upang ma usukan yung mga puno ng prutas, ginagawa kasi yun para mawala yung mga insekto na kumakain ng mga pollen ng puno na siyang kalaunay maging bunga nito.

Maraming mga hayop na nakakalat sa buong lupain ngunit may nakabantay namang tauhan dito upang itoy alagaan, karamihan sa mga hayop na naroon ay mga baka, kambing at kalabaw.

Nakatingin lamang ako sa tanawin habang umaandar ang sasakyan, nagpatugtug si Pinky ng isang slow music na bumagay naman sa moment namin ngayon kaya nae enjoy talaga akong tanawin lahat ng madaanan namin napaka ganda rin ng sikat ng papalubog na araw.

Nag-aagaw na ang liwanag at gabi Bago kami nakarating sa hacienda, ang mga ilaw ay nakasabit sa mga puno na para bang nasa isang fairytale, nagbibiay ito ng kaonting liwanang sa daan.

Sobrang namangha talaga ako sa mga nakikita ang ganda ng tanawin lalong Lalo na ng makita ko ang bongalow, ang ganda ng pagkaka gawa nito halatang napakalaking pera ang ginastos upang mabuo ito.

Ngayon lang ako nagawi sa lugar na ito,marahil ay sadyang sa kabilang hacienda lang si nanay nagtatrabaho kaya ganun.

"Welcome to my Safe Haven besty!" nakangiting saad ni Pinky sa akin bago bumaba sa kotse.

Ako nama'y naiwan muna dahil talagang hindi pa ako naka get over sa ganda ng tanawin grabe sobrang yaman naman talaga ng kaibigan ko.

Pag labas ko ng kotse nasa harapan si Pinky na may malawak na ngiti sa labi at naka dipa sya na parang nag r'represent Nwg isang bagay sa likod niya at yun na nga yung bongalow mga vebs grabe sobrang ganda napa nganga tuloy ako.

" Did you like it?" Tanong ni Pinky sakin saka parang may napapansin ako sa kanya ngayon parang may something eh pero hindi ko nalang inisip.

" Are you kidding me!haha I love it Pinky!grabe sobrang ganda dito! para akong nasa pilikula... " tuwang saad ko habang nakatanaw sa paligid habang dahan-dahang lumalapit sa kanya.

"I know right hahaha may isa pa akong surprise, I'm not even done yet! ang worth it ng reactions mo!" natatawang saad Niya sabay hila sa akin papasok.

Pagkabukas palang ng pinto ay para naman akong napunta sa ibang dimension, grabe ibang level na talaga 'to vebs.

Ang gaganda nga mga bagay na naka display sa loob may mga mamahaling painting at antiques, partida pri nasa bungad palang ako ng bahay pero parang ayoko ng gumalaw dahil sa mangha nakatunganga nalang ako dito.

"Hey come on, I'll show you around" sabay hatak sakin ni Pinky patuko sa kaloob looban ng bahay, nanibago ako kay Pinky ngayon kasi dati naman siyang clingy pero ngayon parang... Ewan hays ayoko na lang isipin.

"This area here is the dining room, and here is the kitchen, there is the way out para makapunta tayo sa may labasan to go to my next surprise!" hayag ni Pinky na parang nag t'tour sa aking pero nabigla ako sa huli niyang sabi kasi bigla siyang lumapit at yumapos sa braso at binuling ang huling saad niya.

Nanibago talaga ako sa kanya ngayon eh.

"A-ano ba y-yan Pinky para ka namang unggoy ngayon eh" sabi ko sa kanya na mejo naiilang, sobrang lapit niya kasi.

"Hahaha why are you so cute today ba? Come let's take a drink muna while we wait for them to arrive" hinatak niya ako sa may pinto palabas na parang secret door ata yung kasi ang daming pinto ng bahay na'to.

At namangha na naman ako kasi pag labas namin dun bumungad sakin agad yong family portrait ng buong pamilya nila.

"Anong lugar ba 'to Pinky?" Tanong ko sa kanya habang lumalakad siya papunta sa may mini counter para kumuha ng maiinom.

"This is one of my favorite place in this house." sabay harap sakin na may dalang basi na may lamang alak.

"Come, I'll let you know who they are. " tukoy niya sa dalawang family portrait ng angkan nila.

Iginala ko muna aking paningin sa buong silid and damn hindi yata ako mauubasan ng mangha sa bahay na'to eh grabe para naman akong nasa palasyo. At masasabi kong mas maganda pa'tong bahay na'to kaysa dun sa isang mansyon nila kung saan nag tatrabaho si nanay...












A/N

Happy afternoon sa iyo kung umabot kana sa part na ito ay Krimstick ka sakin haha anyways share your thoughts naman kapatid usap tayo hehehehe 💕




The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin