Ikalawang Banat

28 10 0
                                    

"MAK, ano gusto mo?" Tanong ni Ry sa kanya nang makarating sila ng canteen, break time nila.

"Juice at tinapay na lang," sagot niya sa kaibigan habang ang paningin ay na kay Keilly na nakipag-tawanan kina Gab.

"Puno na lahat," ani Gino nang makita ang kabuuan ng canteen. Ngumisi si Mak sa kanya at tinuro ang pwesto kung saan naro'n ang pwesto nila Keilly.

"Pwede makisabay?" Ngiting tanong pa ni Mak kay Keilly nang makalapit sila roon. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Mak. "Wala na kasi kaming mauupuan." dagdag pa niya.

"P'wede naman," mahinhing sagot niya na walang pag-aalinlangan.

Napangiti naman nang malawak si Mak na akma pa siyang uupo sa tabi niya ng pinigilan siya ni Gab.

"Hep! hep! Huwag diyan." Pigil niya nito sa kanya. Kaya wala siyang magawa kundi ang tumayo ito at si Gab ang naupo roon, tinulak pa siya ni Gab para makaupo siya.

Wala siyang magawa kundi ang napa-kamot na lang sa batok at nakangusong naupo na lang sa harap ni Keilly.

Sakto namang dumating na si Ryan na marami ang binili.

"Libre ba 'yan?" Tanong agad ni Michelle sa kanya at sumilip-silip pa sa binili niyang makakain.

"Hindi para sa'yo 'yan." Tinapik ni Ryan ang kamay ni Michelle dahil akma niya sanang kukuha. Umikot ang mata nitong inismiran siya na lang na gaya nang ginagawa niya noon sa kanya.

Napa-buntong-hininga si Mak at kinuha ang kanyang pagkain at saka siya nagsimulang sumubo ng tinapay na nakanguso. Tumingin siya kay Keilly na seryosong kumakain na kanina lang ay nakipag-tawanan siya kina Gab. Ngunit ngayon ay tila wala siyang pakialam sa kanyang paligid.

"Kei," muling tawag ni Mak sa kanya. Agad namang tumingin si Keilly sa kanya na may pagtataka ulit. "Ilan 'to?" tanong ni Mak at bahagya tinaasa ang dalawang daliri nito.

"D-dalawa," nagtatakang sagot niya.

"Ito?" 'tsaka niya ulit inangat ang isang pang daliri.

"Tatlo?" patanong niyang sabi dahil sa pagtataka.

Muling huminga ng malalim si Mak at kumot ang noong pinatong niya ang kanyang siko sa lamesa at hinawakan ang baba habang nakatitig ito kay Keilly.

"Nakakapagtaka..."

"B-bakit?"

"Malinaw naman ang mga mata mo, pero bakit malabo ang pagtingin mo sa akin?" Takang tanong nito sa kanya na ikinagulat ng lahat na nasa lamesa, lalong-lalo na si Keilly.

"Bakit nga ba?" tanong din ni Gino kaya napangisi si Mak.

"Siguro may kulang pa sa 'yo," natigilan lamang si Mak dahil sa sinabing 'yon ni Michelle. "May kulang pa sa 'yo, kaya siguro malabo ang pagtingin niya sa'yo.

Yaman. Yaman ang kulang sa akin.

Ngunit tinawanan niya lang ang sinabi ni Michelle para iwasan ang nararamdaman.

"Ano naman iyon? Itsura? Ito oh!" Pinagmayabang niya ang kanyang itsura na tinuro pa ito at bahagyang nilapit kay Keilly.

"Puro yabang." bulong naman ni Gab na kanyang narinig.

Agad na ngumiwi si Mak sa kanya. "Alam niyo, ang sama niyo talaga sa akin."

"May itsura naman itong si Mak," suporta ni Ryan sa kanya.

Kaya ang pighating nararamdaman ni Mak ay napawi dahil sa suporta ng kaibigan. Inakbayan niya si Ryan at tinapik ang balikat.

"Iyon naman pala. Bakit naman ayaw mo sa akin?" tanong niya kay Keilly.

AkalaWhere stories live. Discover now