Halos sabay na lumaki ang tatlo, kaya't marami ang nag-aakala na magkakapatid sila.

"Gwapo!" sigaw pabalik ni Mak sa kaibigan 'tsaka ito mabilis na pinaharurot ang bisikleta niya.

Hanggang sa makarating sila ng eskwelahan na si Gino ang nanalo, pumapangalawa si Mak at nahuli si Ryan.

"Ang kukupad niyo naman," may pahid na pag-mamayabang sa boses at itsura ni Gino nang makita niyang siya ang nanalo sa pustahan ng magkakaibigan.

Natawa si Mak at isinandal niya ang kanyang bisikleta sa pader kung saan doon ang paradahan ng mga sasakyan 'tsaka nito tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Si Ry ang nahuli, ikaw ang manlilibre mamaya," komento niya.

"Ano pa ba?" Walang magawang wika ni Ryan sa dalawang kaibigan.

Natawa nang malakas si Mak dahil sa tagumpay, dahil na rin sa makaka-libre na siya at makakaipon na naman. Ang halakhak niyang 'yon ay napatigil nang tumunog ang kampana, hudyat na flag ceremony na. Dali-dali tumakbo ang tatlo sa field ng eskwelahan.

Maraming estudyanteng kasabay nila sa pagtakbo dahil sa ayaw din nilang ma-late tuwing Lunes.

Nagpalinga-linga sa paligid paligid si Mak, baka sakaling makita niya ang matagal niyang napupusuan, ngunit napapa-buntong-hininga na lang siya dahil kahit anino ay hindi niya mahagilap.

"Mak! Dito!" sigaw ni Gino sa kanya dahil hindi niya namalayan na nakapila na pala siya sa ibang section. Nakanguso siyang sumunod sa kanyang kaibigan.

"Kaklase naman natin siya, kaya kumalma ka riyan at magsisimula na ang lupang hinirang," ani Ryan sa kanya.

Wala siyang magawa kundi ang tumango dahil nagsimula nang kumanta ang isang estudyante sa entablado. Pasimple pa siyang tumingin sa pila ng kababaihan sa harap nila. Ngunit dismayado lang siyang tumungo.

Nang matapos ang seremonyas, agarang lumingon si Mak sa likod. At gano'n na lang ang pag-ngiti niya nang makita ang kanyang hinahanap, kausap niya ang kaibigan na si Gab.

Hindi man ikaw ang unang nakita ko sa umaga, ikaw naman ang nagpapaganda ng aking umaga.

Agad siyang inakbayan ni Ry. "Tara," anyaya nito.

Inakbayan din ni Mak si Gino na nasa katabi niya at sabay na naglakad ang tatlong magkakaibigan. Habang si Mak ay nakangiti pinagmasdan ang crush niya mula sa likod, na nangungunang naglalakad. Kasabay niya ang mga kaibigan niya na nagtatawanan.

"Mga klasmeyt! Nakaka-umay na talaga ang mga pag-mumukha ninyo! Kaklase ko kayo noon, hanggang ngayon ba naman?!" sigaw ni Gino, mismo sa harap ng klase nang nakapasok sila.

"Umalis ka, kung gano'n!" pilosopo ring sigaw nang isa nilang kaklase.

Ang tawa ni Mak ay mabilis na naudlot dahil nakita niyang pumasok na ang kanilang guro. Kaya naman pasimple niyang hinila si Ryan at naupo sa dulo kung saan ang kanilang pwesto, hindi nila pinansin si Gino. Nanatiling nasa harapan siya na nagsisigaw-sigaw. Habang ang mga kaklase nila ay natahimik dahil sa biglaang pagpasok ng guro nila.

"Anong umalis?! Ako ang presidente n'yo!" Sigaw nito.

"Mukha mo presidente! Ikaw nga ang una sa listahan ng mga maiingay," ungot na bulonh ni Mak kay Ryan.

"Ano? Hindi kayo sasagot—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Gino ang dahil sa biglaang pagsabat ang guro nila sa Ingles na si ma'am Jennifer.

"Ikaw, hindi ka uupo?" Nag-angat ng isang kilay si ma'am Jen na gaya ng dati niyang ginagawa sa mga estudyanteng pasaway.

AkalaWhere stories live. Discover now