Chapter 4

662 42 2
                                    

Chapter 4

Wrisian University

It's been one week since I got transmigrated in this manga comic. I miss my family and friends in my past life. Nakakamiss rin yung buhay ko dun. Struggling to cope up with everyday life but still continuously keep pushing forward. I still remember how I used to woke up early morning studying then go to school. And after class I had to work in library for almost 2 hours, a duty of being a scholar. Then magpupuyat pa makatapos lang ng kahit isang plates perks of being an engineering students.

Hays ano na kaya nangyari sa kanila? Nalaman kaya nila na patay na ako? Paniguradong umiyak na yung si bakla at si Glyza, mas lalo na siguro sila mama at papa. Magkano kaya nagastos nila sa libing ko?

"Young lady, your breakfast is ready," said Leanne. Hindi ko man lang namalayan ang pagkatok nito sa pinto bitbit na nito ang tray na puno ng pagkain. I usually had breakfast here in bed since then. Never ko pang nakasamang kumain ang amang hari at reyna. Well, tinatawag naman ako para sumabay but I respectfully refuse though wala naman silang magawa.

Ilang araw na ako dito pero hindi ko pa nakita ang mga kapatid ni Phoebe. According to Leanne my sisters are in school. Kaya siguro di ko pa nakita kasi ang alam ko ang Wrisian University ay isang dorm school, no one is excluded even if you're a royal blood. Kapag bakasyon lang nakakalabas ng University pero ang alam ko may mga mission thingy silang pinagawa sa mga elite students.

"By the way young lady, the king said that tomorrow you will going to school since you're already fine."

Nilingon ko naman si Leanne na naka focus lang sa pagliligpit ng pinagkainan ko.

Speaking of school, I also heard na yung butihin kong ate kuno nung araw bago ako nagising ay pumunta na siya sa school. Nahuli ito ng ilang araw sa klase dahil sa aksidente tatlong linggong nakaraan. Which is yung nangyaring poisining thingy. Mas madaling naagapan yung lason sa kanya kaya madali lang naka recover kaysa sa kang Phoebe na ikinamatay pa nito. Mas priority nila yung heiress ng throne, the crown princess. Ang unfair psh!

"Do I have to?" I asked.

Pati ba naman dito mag aaral pa rin? Huhu sana pala dinala ko dito yung mga documents for transfer para continues lang ako sa course ko.

Ba't pa kasi kailangan mag aral? May mga mamahaling gamit naman dito sa palasyo ibenta ko nalang edi yayaman na ako. Pero echos lang baka mabitay pa ako ng wala sa oras. ༎ຶ‿༎ຶ

"Yes! Don't worry young lady Wrisian University is the best school to help you learn and control your power. I'm guessing that you will be an excellent student there, young lady," she exclaimed exaggerately. Nasa boses nito ang pagka excite.

I gasped.

Right? How can I forget na nasa manga comic pala ako where magic do exist.

"Young lady, woah I didn't know that you woke up this early. Are you that excited?" ngiting asong saad ni Leanne. I already done fixing myself and packed my things when Leanne entered my chamber.

Ngayon na kasi ang araw ng aking pag alis papuntang Wrisian University kaya ito medyo kinakabahan ako.

Si Leanne naman halatang excited para kasi itong kiting kiti sa harap ko. Ngayon ko lang napansin na may pagkakalog din pala itong si Leanne dati kasi hindi ko ito masyadong ngumiti. Sabagay palagi naman itong nakayuko dati pagkaharap niya ako.

"Not really," I flatly said.

Humalakhak naman ito. Napatanga naman ako sa reaksyon niya.

Bakit ba? Eh minsan lang yan tumawa ng ganyan kaya nakakagulat. Hmm... Blooming si ateng mukhang inspire babaeng ito ah matanong nga.

"Hmm you're glowing Lean did someone caught your attention? Love interest perhaps?" tanong ko na may kasamang pagtaas ng isang kilay.

'Wag kayo close na kami niyan I'm sure naman may masagap akong chismis sa kanya. HAHAHA

"Huh? N-none of course," her cheak redden.

Ay madamot! But hmm I smell something malantod here.

Ediwow sanaol nalang sa inyo. Mukhang pinanganak lang talaga ako para may taga sanaol sa lovelife ng iba. Nakakaiyak ಥ‿ಥ

Pero joke lang yung iyak emote.

Pinagtaasan ko nalang siya ulit ng kilay habang siya naman ay pasimpleng kinuha na ang gamit ko. After niyang kunin ang mga gamit ko nagsimula na kaming naglakad.

Pagkarating sa bukana ng palasyo agad din akong nagpaalam sa ama't ina ni Phoebe at sumakay sa wagon, katabi ko si Leanne. Hindi dapat siya kasama pero sabi ng amang hari ihahatid lang daw ako. May kasama rin kaming mga poging royal knights na nasa unahan at likod. Hehe

Mga ilang oras ay nakarating na kami sa Wrisian University. Bungad palang makikita na ang ancient european style ng architecture.

Ang weird talaga ng creator nitong manga comic akalain mo yung palasyo ng kingdom mala ancient chinese style yung structure pero dito sa Wrisian University modern with a touch of  European style structure naman ang makikita sa buong lugar. Pati rin pala yung chamber ni Phoebe modern yung style HAHA kaloka.

Bago umalis nagpaalam na ang mga humatid sa akin pati si Leanne. Umiiyak pa ang gaga kasi mamiss niya raw ako.

May nag assist agad sa akin pagkapasok ko. Agad ko naman sinabi ang pangalan ko just like what the king said. I think nagpadala siya ng sulat sa paaralan kahapon na ngayon ang dating ko.

"This is the key to your dorm room and the students manual which contents of rules and regulations of this schools. " he said sabay abot sa akin ng mga iyon.

He also handed me the subject schedule written in a small piece of paper.

Tinanggap ko naman ito.

"Tomorrow is your first day and by the way don't forget to read your manual about the rules and regulations of this school. Goodluck!" Nakangiting saad niya pa.

Ngumiti naman ako at nagpaalam.

Napatingin naman ako sa wristwatch ko kaso wala pala ako nun. Nakalimutan kong nasa ancient time ako. Walang relo, cellphone, at etc. Napasimangot nalang ako sa naisip.

Nasaan na ba yung dorm ko? Putcha gusto ko ng magpahinga, ang init ng araw eh.

Habang naglalakad naglumikot naman ang ulo ko para hanapin ang dorm room ko. Sa sobra ko sigurong ligalig 'di ko napansin na may nakasalubong akong tao. At ayon binangga ba naman ako.

"F*ck! Watch where you going brat." malamig na usal nito.

What? Gagu ba siya!

Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at umalis na.

Ang piste lang ha siya itong nakita ako hindi man lang umiwas. Saka ang laki laki pa ng hallway.

At ano daw brat? Sino? Ako?

Umuusok ang ilong ko sa inis. Liningon ko yung dinaanan niya at ayon hindi pa nakakalayo.

"HOY GAGU KA BA HA? ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG TAWAGIN AKONG BRAT SUNTUKAN NALANG OH!" sigaw ko sa papalayong walang modo na lalaki.

Lumingon naman ang lalaki.

Napanganga tuloy ako nang natitigan ko na ang mukha nito sa malapitan.

"Grabe ang gwapo!" I thought.

Wala pa rin emosyon ang makikita sa mukha nito pero pansin ko ang mga mata nitong may pagkalito.

Oh my God, Belle. Wake up! He's a jerk.

Gwapo nga wala naman modo at masama pa ang ugali.

Walang pasubali ko na tinuhod ang kanyang junior.

Napasapo naman ito sa bayag saka tumingin sa akin ng masama.

Ops! Sorry sadya.

"Serve you right," I smirked. Then ran away.

Lintek lang walang ganti. Mabaog ka sanang gwapo ka este gagung ulupong ka.

+++++

Wrisian University see the photo above. Photo not mine

The Uncrown PrincessWhere stories live. Discover now