Oh shit. Naroon pa ba si Draven? Baka umuwi na 'yon sa sobrang bagot. Baka nilamok na rin kakahintay kaya hindi na nakatiis.

But did he really left? Ang tanga tanga niya kung maghihintay pa siya roon hanggang alas dose!

Hindi na iyon matanggal sa isip ko kahit kinukumbinsi ko ang aking sarili na baka umuwi na rin si Draven. Kung hindi lang ako pinatawag ulit ay hindi mapuputol ang mga iniisip ko.

Papalapit pa lang ako sa table ni Daddy, nagiging maasim na agad ang timpla ng ekspresyon ko.

My father glanced at me. Iminuwestra niya ang bakanteng upuan sa kanyang gilid. Tahimik akong naglakad at binakante iyon habang may iilan pa ring matanda na kaedaran niya lang ang nasa table.

"Ang gaganda talaga ng mga anak mo, Travis. Sayang at naunahan ako ni Mr. Mendez. Bagay sana sila ng anak kong si Steve."

I smiled a little. Mas gusto ko pa atang pagtiisan nalang na si Bryson ang aking fiancé kaysa kay Steve. That motherfucker is wellknown not just for being a fuckboy but also for being heartless.

Oo at mapapantayan ko siya sa parteng heartless ngunit naririndi agad ako sa pagiging fuckboy niya. Baka laspagin lang ako niyan! Gagawing instrumento ang katawan sa makamundo niyang pagnanasa at pagsasawaan din kalaunan.

Oh I'd rather let Draven get in my pants.

"How's your school?" ang boses ni Daddy ang naghila sa aking muli pabalik sa reyalidad.

The waiter started pouring a drink for me. Pagkatapos niya roon ay lumipat siya sa kabila ni Dad at iyon naman ang sinalinan.

"Fine," I said flatly and looked at my wine.

"Your Lola declined my gift for you. It's a sports car. Just like you want..."

Oh Lola and her strictness!

Nanindigan akong wala lamang iyon sa akin kahit may parte na nadidismaya. I'm already eighteen! I deserve to have my own car!

"It's fine. I don't need it," matabang kong sabi at nasa inumin ko pa rin ang tingin.

My father sighed and looked at me.

"You and your sister are both stubborn. We are doing this not just to punish you but also to discipline you, Ashtraia."

Oh please. Talagang naigulong ko ang mga mata ko.

"Then why don't you discipline yourself first Dad? Alam mo ang rason kung bakit naroon kami sa sitwasyong iyon!" marahas ko siyang tiningnan.

His face reminded me how much I looked like him in every angle as a Ferrarin. Kung mayroon man akong namana kay Mommy, marahil ay kaonti lamang at hindi ganoon ka klaro. Halos carbon copy na ang aking mukha sa mga Ferrarin. Masyadong matapang ang dugo na nananalaytay sa akin na kahit pagdudahan ko ang aking sarili na hindi niya anak, mukha at katangian ko mismo ang magpapatunay na isa akong Ferrarin.

His jaw clenched but he remained serious and unbothered. Naiiling akong tumayo.

"Ashtraia," his thunderous voice boomed.

Hindi ako nakinig at deri-deritso na ang lakad. Kinuha ko rin ang tsansang iyon para magkaroon ng rason para umalis sa party. I don't care right now if Lola saw me getting away.

Oh I'd rather go somewhere than see my father all night! Oo at mali ang ginawa namin sa araw na 'yon, mali na pagtulungan ang babaeng sumira sa sira sira naming pamilya at mali na pahiyain ito sa buong school ngunit sino ang magsasabi sa matatandang ito na mali rin sila!

They were pointing and counting our mistakes when in fact they rob us first!

Deritso ako sa rancho. Nagulat ang lalakeng nagbabantay roon ngunit desidido akong kunin ang aking puting kabayo. Kinuha ko rin ang lampara ng tauhan na nagbabantay at dinala iyon nang sumampa na ako sa aking kabayo.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now