Chapter 6

458 18 6
                                    

"Kumapit ka sa 'kin. Baka mahulog ka," utos niya nang makasakay kami sa tricycle na kaniyang minamaneho.

"Ayaw mo bang mahulog ako?" pagbibiro ko at halos matawa ako nang makita kung paano mag-init ang kaniyang dalawang tainga kahit nakatalikod siya sa akin.

He froze for a moment before letting out an awkward laugh. "Kung sa akin ka mahuhulog, why not, choco nut? Pero kung dito sa tricycle, aba dehins edewup 'yon!"

"Para kang tanga!"

"Aba't tingnan mo 'to. Natanga pa nga."

Hindi ko na napigilan ang matawa nang bahagya. Agad naman akong tumalima. Iniyakap ko ang aking braso sa kaniyang baywang at halos manigas naman ang katawan niya dahil sa ginawa ko. Napailing na lamang ako dahil sa lakas ng epekto ko sa kaniya.

Nagsimula na niyang paandarin ang tricycle sa malumanay na takbo lamang. Maya't maya niya akong sinusulyapan at tinatanong kung okay lang ako kaya hindi ko maiwasan ang mangiti sa pagiging praning niya.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang tumigil muna tayo saglit—"

"Masiyado pang maaga. Wala pang bukas na kainan, Vien," putol ko sa sinasabi niya pero hindi siya nagpatalo.

"Norem namang mga convenience store riyan na 24/7 bukas. Gusto mo bang ibili kita?"

Sumulyap ako sa aking wrist watch bago umiling. "Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako nagugutom."

Bumuntonghininga lang siya at tumango.

"Sige na nga po, boss," he uttered, smirking.

I grinned and bowed my head to hide my smile.

"Kumapit kang mabuti. Bibilisan ko na," aniyang muli kaya mas lalo kong idinikit ang katawan ko sa kaniya upang mayakap siya nang mas mahigpit mula sa likod.

Kahit nakatalikod ay kita ko ang tagumpay niyang pagngisi na para bang nanalo siya sa lotto. Nakarating kami on time sa lugar kung saan gaganapin ang audition. Mula sa labas ay tanaw ko agad ang mga kababaihang papasok sa studio. Katulad ko'y bakas din ang kaba at excitement sa kanilang mukha. Mas doble nga lang 'yong sa akin dahil nakakainsecure ang ganda ng mga babaeng nakikita ko. Kung itatabi ako sa kanila, siguradong walang-wala ako.

"Kinakabahan ka," ani Vien habang nakasandal sa motor at pinapanood akong magretouch.

Napakurap ako. "Huh? Hindi ah," pagtanggi ko pero bahagya lamang siyang tumawa at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang butas-butas na pantalon.

"Lelang mo, Rara. Memorya ko lahat ng kilos mo, 'no," kumpiyansang saad niya kaya naman ibinaba ko ang aking lipstick at naghahamon ang tinging humarap sa kaniya.

"Sige nga, Javien. Paano mo nasabi?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Hindi nawawala ang ngisi sa kaniyang labi. Umayos siya ng pagkakasandal sa motor at mataman akong tinitigan.

"Basta ang alam ko lang nanginginig ang kamay mo kapag kinakabahan ka..." panimula niya at wala sa sariling nagbaba ako ng tingin sa aking kamay na nanginginig nga at namamawis pa.

"Pinipisil mo ang tungki ng ilong mo sa tuwing naiinis o naiiyamot ka. Kinakagat mo ang labi mo kapag masaya ka at tahimik ka lang kapag malungkot ka, pagod, o di kaya'y wala ka sa mood," tuloy-tuloy na litanya.

Nalaglag ang aking panga at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Talagang napansin pa niya ang maliliit na detalyeng 'yon? Eh si Rory nga, hirap na hirap na basahin ako.

"What the heck, Vien?" Iyon na lang ang nasabi ko kaya humalakhak siya at nagpeace sign sa akin.

"Sorry, boss. TL talaga ako sa 'yo, eh," walang prenong pag-amin niya at agad kong naramdaman ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi.

Ayaw Kitang Pilitin (Kanto Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon