chapter 8

10 3 0
                                    

Kinareer kona talaga ang paghilata mag hapon mag damag, nag pa deliver lang ako ng pagkain kaninang umaga same sa dinner, nag i-scroll ako sa Facebook nang makakita ako ng best photo of Graham cake nag crave ako bigla kahit kakatapos kolang kumain, shinare ko 'to at nilagyan ng caption na 'craveeee!'

Nagulat ako at napadilat ng malaki ang mata nang nag message si Anthony sa'kin

From: anthonyjen

Your address?

Nagtaka ako sa tanong nya bat niya kinukuha ang address 'ko?ipapakidnap nya ko? pipilitin niya kong ipakasal sakanya?

To: anthonyjen

Huh? wala ka bang sariling address at ang akin pa ang tatanungin mo?

Ang bilis mag reply nito ah infairnes parang hindi na umaalis sa conversation namin dahil auto seen

from: anthonyjen

Just give me.

Binigay ko ang condominium room ko may tuldok na kasi ang chat niya at siguradong seryoso ito bigla akong nagchat sa gc namin.

itsme_arrietypretty: guys pag di ako nakapag chat dito sa loob ng 5hours pumunta na kayo sa condo ko ah. 5 hours ha, 5 hours.

Meanwhile may kumatok sa pintuan ko dahan-dahan ko 'tong binuksan at may hawak na walis. Kumakabog ang dib-dib ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"Wah!" pag amba ko ng walis pag bukas ko ng pintuan

"Ate ate nag dedeliver lang po ako." sabi ng food delivery nang tignan ko 'to ay bigla kong nilapag ang walis, kabado ang mukha ni kuya at nakasalag pa ito.

"Ah-eh, w-wala po akong inorder." I uttered.

"Okay napo bayad na po ito, ito napo wag niyo lang akong sasaktan." aniya habang mariing inaabot ang paper bag

"Oa kuya ah, thankyou!" sinara kona ang pinto

I opened the paper bag, kanino naman ito galing? si Anthony lang ang pumasok sa isip ko dahil siya lang naman ang binigyan ko ng address, o hindi kaya pwede ring galing sa tatlong gunggung,  I see the 2 tubs of graham kaya napaguhit nalang ang ngiti sa labi ko, I bit my lower lip to hide the smile, romantic naman.  I took a picture of graham at isesend ko kay Anthony, panigurado akong sakaniya galing 'to.

In-open ko ang cellphone ko para I-update sya, hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

To: anthonyjen

(Sent a photo.)

I received! Thankyou I will pay it tomorrow.

Tinanggal ko na sa plastic ang tupperware, bigla namang nag vibrate ang phone ko at nakita kong nag reply na si Anthony.

From: anthonyjen

hala hindi pa ako nag oorder.

Nagulat ako sa sinabi nya at halos mailapag ko ng mabilis ang hawak kong kutsara, nagtaka ako kung kanino galing 'to

to: anthonyllen

?

from: anthonyllen

just kidding, enjoy eating!

My Gosh! pwede bang manapak sa chat? tumalbog pa ang puso ko roon, ha.

to: anthonyllen

I will pay it tomorrow.

From: anthonyllen

No need, but pwede rin para makita ulit kita.

Hindi ko na sya nireplyan dahil halos mag hang na ang cellphone ko sa sunod-sunod na chat sa gc

Painful Love Where stories live. Discover now