Chapter 14

19.4K 811 405
                                    

TAHIMIK lang na nagkakape si Levi sa isa sa mga cafe shop sa bayan ng San Lorenzo. Kanina ay nakipagkita siya sa isa sa mga katrabaho niyang si Pancho at binigyan siya nito ng wedding invitation card para dumalo sa kasal nito sa susunod na linggo. Pareho silang Chemical Engineer ni Pancho at sa ngayon ay nakaleave rin ito sa trabaho para paghandaan ang kasal nila ng fiancé nito.

23 years old palang sila at hindi niya pa naiisip na magpakasal at matali sa isang babae. Isa siyang dakilang playboy at walang babaeng nagtatagal sa kanya. Wala namang problema iyon sa mga babaeng nakakatalik at nakakarelasyon niya. Kung anuman ang namamagitan sa kanila ay purong sex lang iyon at wala nang iba pa.

Pero mukhang mahihirapan yata siya sa naging last ex-girlfriend niyang si Chiena. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap na hiwalay na sila. Nabalitaan pa niyang inaaway ni Chiena ang ilan sa mga naging ex-es niya dahil nagseselos siya sa mga ito.

Nababaliw na talaga ang babaeng iyon. Pareho talaga sila ng kapatid nitong si Trevan na ginulo rin noon si Marilyn.

May mga iilang babae ang napapatingin sa gawi ni Levi mula sa loob at labas ng cafe shop, kasama na rin doon ang mga empleyado dito.

Mestisuhin siya, gwapo, matangkad at may malaking pangangatawan. Hindi siya nahuhuli sa physical appearance pagdating sa mga kapatid niya. Lumaki siyang maraming babaeng nagkakagusto at naghahabol sa kanya. Dahil gusto rin naman niya ang atensyon na nakukuha niya ay pumapatol siya sa mga ito.

23 years old palang naman siya at alam niyang magsasawa rin siya balang araw sa lifestyle niya at unti-unti na ngang nangyayari iyon dahil sa pagdating ni Marilyn sa buhay nilang magkakapatid na Monroe.

Malaki ang naitulong ni Marilyn para mas lalo pang lumiwanag at sumaya ang buhay nila. Nakatulong rin ito mula sa lungkot at sakit na naranasan nilang magkakapatid nang mamatay ang kanilang Lola Adele at Lolo Defonsi. Kung wala ito sa tabi nila ay baka hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin sila.

Hindi naman maarte ang babae at hindi talaga mawawala rito ang pagiging sosyal at conya dahil halata namang lumaki ito sa isang mayamang pamilya.

Si Marilyn ang pinakamagandang babae at may unique personality sa lahat ng babaeng nakilala niya at alam niyang isa-isa na ring nahuhulog ang loob ng mga kapatid niya rito kabilang na si Abraham na umaming may gusto kay Marilyn.

"Babe, please? Let's talk."

Hinilot nalang ni Levi ang kaniyang sentido nang makita si Chiena na naglalakad papalapit sa kanya. Nakita niya pa ang iilang kalalakihan na sinisipat ang katawan ng maganda niyang ex-girlfriend.

"Ano na naman ba 'to, Chiena? Sinundan mo ba ako dito para lang makausap? Hiwalay na tayo 'di ba?." naiinis na sabi ni Levi.

Nagsimula na namang umiyak si Chiena at nakuha nila ang atensyon ng iilang tao sa loob ng cafe shop.

"Magbalikan na tayo, Levi. I love you so much at hindi ko kayang mawala ka..." hinawakan ni Chiena ang dalawang kamay niya pero kaagad rin niyang tinabig iyon.

"Chiena, alam mo na sa una palang kung ano lang ang meron sa atin. Pumayag ka at nag-usap na tayo ng maayos tungkol doon. Sa tingin mo ba ay magseseryoso ako sa isang relasyon?" Tumawa ng mapakla si Levi at umiling siya.

"But I've fell in love with you. Matututunan mo rin akong mahalin kapag nagtagal ang relasyon natin-"

"Tumigil ka na, Chiena. Hindi kita mahal kaya 'wag ka nang umasa sa'kin. Maganda at sexy ka naman, may lalake pang magkakagusto at magmamahal sa'yo ng totoo."

Masakit man ang sinabi niya kay Chiena ay iyon lang ang tanging paraan para layuan na siya nito. Wala itong aasahan sa kanya lalo pa't napagtanto niya sa kaniyang sarili na may nararamdaman na siya para kay Marilyn.

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now