K A H E L

27 2 2
                                    

Orihinal na isinulat ni:
E L O C I N

Ang mga pangalan, Tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag kataon lamang.

***


ISANG MAALIWALAS na dapit hapon ang sumalubong sa dalagang si Marisol nang siya ay magpasyang lumabas mula sa kanilang munting tahanan. Magtutungo ito sa pamilihan sa bayan, sa tindahan ng mga gulay.

Habang binabagtas nito ang malubak na daanan papunta sa palengke, isang makisig na lalaki ang kaniyang natanaw sa kabilang dulo ng kalsada. Malayo pa man, pansin na ng dalaga ang malapad nitong mga balikat pati na rin ang taas at tindig ng paglalakad ng nasabing estranghero.

Ilang sandali pa, ilang metro na lamang ang layo ng lalaki mula sa kaniya at kaunti na lamang ay magkakasalubong na ang landas ng mga ito. Sa kasalukuyan, tila nabihag ng karisma ng naturang binata ang inosenteng damdamin ng dalagang si Mirasol. Nasaksihan ng dalaga ang mapupungay na mga mata ng lalaki, singkit ang mga ito habang sumasabay sa mabagal na pagsayaw ng hangin ang kulay tsokolate nitong buhok.

Animo'y nasa isang melodrama ang kakatwang tagpong iyon sa isip ng dalaga habang patuloy pa 'ring pinagmamasdan ang binatang tila nagpatigil sa pagtibok ng kaniyang puso. Dala ng hindi maawat na pagkamangha ni Marisol sa lalaking unang beses pa lamang niya nasilayan, hindi na nito napansin ang batong nakausli sa maalikabok na lupa ng kalsada, dahilan upang matalisod ang babae at kaagad na bumagsak sa sahig.

Gustuhin man nitong magwala at tumangis na parang isang bata sa gilid ng daanan ay hindi na nito nagawa dahil dali-dali siyang nilapitan ng binatang hindi kilala kasabay ng paglahad nito sa kaniyang harapan ng isa nitong palad. Ibig siya nitong tulungang tumayo na hindi naman na pinalagpas at tinanggihan ng dalaga.

Nagpakilala ang binata bilang si Julian, isang bagong sampang guro sa pambublikong paaralan na nasa sentro ng kanilang bayan.

Nagdaan ang ilang linggo, hindi na maalis pa sa isip ni Marisol ang lalaking nakasagupa niya isang dapit hapon sa gitna ng maalikabok na daanan. Ang mapupulang mga labi, tindig at kung papaano siya tulungan ng binata ay wari mo'y isang sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang isipan. Pakiramam niya'y isa siyang bombang ano mang oras ay handa ng sumabog kakaisip sa isang taong walang kasiguraduhan kung muli pa niyang makikita.

Araw ng sabado, sa gitna ng magulo at maingay na pamilihan, hindi inaasahan ng dalagang si Marisol na mabibigyan pa siya ng pagkakataong muling makausap ang lalaking hindi nagpatulog sa kaniya ng halos mahigit tatlong linggo. Sa maikling panahon, muling nahulog ang dalaga sa simpleng pagngiti sa kaniya ng maginoong binatang si Julian, katulad noong una silang magtagpo.

Sa kaparehong sandali, halos tumalon at maluwa ni Marisol ang sarili nitong puso sa sobrang sayang nadarama, nang imbitahan siya ng binata na magkape sa isang sikat na tindahan at lumabas sa libreng oras nito. Wala namang nabakas na pag-aalinlangan sa hitsura ng dalaga ng tumugon ito sa paanyaya ng lalaki.

Ayon sa naging usapan ng dalawa, magkikita ang mga ito sa tapat ng katedral na nakapaloob sa kanilang bayan. Isang araw bago sumapit ang nakatakdang pakikipagkita ni Marisol sa binatang si Julian na isang guro. Isang hindi inaasahan at malagim na aksidente ang nangyari sa sentro ng kanilang lugar. Nabanggit sa balita na isang pagsabog ang naganap sa malaking ospital na kilala sa kanilang bayan. Maraming pasyente at doktor ang nasawi at ilan pa sa mga ito ay mga sibilyan. Ngunit dahil sa pagkasabik ng dalaga sa nalalapit na pagkikita ng binatang palihim na hinahangaan, hindi na nito napansin ang balitang nauwi sa trahedya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAHELWhere stories live. Discover now