“Kumusta, Kade?” Malawak siyang ngumiti at saka lumapit sa akin. “Eto, gutom na naman. May pagkain ba kayo?” After talking about how he chopped that guy’s finger, he still has the appetite to eat?

Walang-hiya niya akong inakbayan at hinila papunta sa kusina, aktong hindi napansin ang pagtalim ng tingin sa kaniya ni Ate Elora.

“I heard you’re leaving?” he asked while we’re walking.

I nodded as I held his arm that’s resting on my shoulder. “Gusto nila na umalis muna ako eh. Ayos lang ba kayo? Baka mamaya mabalitaan ko meron na namang nabaril sa inyo.” Tumawa siya at akma akong sasakalin gamit ang braso niya kaya agad ko ’yong pinigilan.

“Oo naman! We’re very fine, my dear. Ate Elora mo pa lang ay kayang-kaya akong patayin kung gugustuhin niya,” tumatawang pahayag niya. Napailing na lang ako at lalayo sana pero hindi niya ako hinahayaan.

“Babayagan kita kapag nalaman kong nabaril ka na naman. Yabang mo ah.”

“Huy wag ganiyan. Pareho talaga kayong sadista ng kapatid mo. Hindi na kayo naawa sa gwapong katulad ko. Paano niyo naaatim na saktan ang ganitong uri?” Itinulak ko lang ang mukha niya palayo dahil sa mga pinagsasabi niya.

“Ewan ko sa’yo, basta mag-ingat kayo palagi. Seryoso ako. Please look after her when you’re on a mission... I know that she can handle herself but still...” Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin.

“Of course, Farah. You should take care of yourself too. Let us know if you feel unsafe, okay? We’ll do something about it so don’t hide anything. We value your safety the most.” Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Kailangan ko pa bang sabihin kung anong natanggap ko? Lalayo na rin naman ako... There’s no point worrying them over something I’m not even sure what is.

“Thank you, Kade... Kain ka na bago ka pa kaladkarin ni Ate palabas.” Pabiro pa siyang sumaludo sa akin bago tumakbo papunta sa fridge at nangalkal ng makakain doon.

Alas kuwatro na ng hapon nang dumating si Eurus para sunduin ako. Inilagay na nila ang mga gamit ko sa dala niyang sasakyan pero parang labag pa rin sa loob ko ang sumama. Hindi ko maisip kung anong mangyayari oras na magsama kami sa iisang bahay.

Ngayon pa nga lang ay nag-aaway na kami madalas, paano pa kaya kapag araw-araw ko siyang makikita?

“Take care, Farah. Make sure to call me if you’re free, and please remember what I’ve said. Be kind to him, don’t do something stupid while you are away.” A heavy sigh escaped my mouth before I nodded.

“I understand. Thank you, Ate Elora.”

I couldn’t promise that we’re going to live peacefully together though.

Saglit na nag-usap sila Kuya Vor at Eurus kaya nauna na ako sa sasakyan. Bumagsak ang tingin ko sa kaha ng sigarilyo na nakalagay sa dashboard. Sa tagal kong sumasakay sa kotse niya, ngayong ko lang nakitang nag-iwan siya niyan.

Eurus’ car is usually neat. I haven’t seen a single mess inside his cars since the beginning. But right now, I could spot that box of cigarette, and there are clothes at the backseat. I couldn’t contain the sudden spark of my curiousity. When I saw that they are still talking outside, I hooked the shirt from the back using my fingers.

My eyes widen when I held it properly. This isn’t a man clothing...

Mabilis ko ’yong inihagis pabalik sa likod nang mamataan kong papunta na rito si Eurus. Umayos ako ng upo at nilagyan ng alcohol ang kamay. Sigurado akong babae ang may-ari no’n, at ayokong isipin kung bakit nandito ’yan sa loob!

Blazing HeartsWhere stories live. Discover now