“Meron po. Dalawang sakay mula rito—”

“May kotse akong dala, pwede mo ba akong samahan papunta ro’n?” Nawiwirdohan na ako sa kaniya. Sinong tao ang sasama sa hindi niya kilala?

“Pasensya na, pero kailangan ko nang umuwi. Pwede mong ilagay sa google maps ’yung pangalan ng apartment, ayun na lang ang sundan mo.”

“Hindi kasi ako nagtitiwala sa google maps, ilang beses na akong naligaw dahil dyan,” aniya at nagkamot ng ulo.

“Ah... Siguro bumalik ka na lang bukas at mag-commute, automatic na kasing alam ’yon ng mga driver. Gabi na rin eh, baka hindi na sila tumatanggap ng bisita. Mauuna na ako.” Nginitian ko siya at tumalikod na. Medyo nakokonsensya ako dahil hindi ko siya matutulungan papunta ro’n, pero mas okay pa rin ang nag-iingat.

“Wait, Miss.” I jolted when I felt that he touched my wrist in attempt to stop me. I immediately took my hand back from him. Bakit niya ako hinahawakan ng walang pahintulot ko?!

“Sorry... Gusto ko lang magpasalamat. Pasensya na sa abala.” Sa wakas ay nakita ko ang mukha niya nang mag-angat na siya ng tingin sa akin. Mayroon siyang tattoo malapit sa mata kaya bahagya akong napaatras. Saan ko nga ulit nakita ang ganiyang tattoo?

“Uh... Okay lang. Sige, bye.” Nagmamadali na akong umalis at pumunta sa sakayan ng jeep.

That was weird.

Ako iyong klase ng tao na madalas i-overthink ang mga nangyayari sa akin. Kaya naman hindi ko makalimutan iyong lalaki kanina. What if kalaban ’yon nila Ate Elora? Baka minamanmanan niya ako? Baka akala niya uto-uto ako kaya sinubukan niya kung kusa akong sasama sa kotse niya? Anong gagawin niya? Papatayin niya kaya ako—

“Lourdes! Oh, Lourdes! May bababa ba?” Agad na akong bumaba ng jeep nang marinig ang driver.

Mahigpit akong napahawak sa paper bag na dala habang nagpapalinga-linga sa paligid. Madilim na... Paano kung sinundan ako nung lalaki?

Ramdam ko ang paggapang ng kaba sa aking sistema. I should have became more careful... They already warned me to not converse with suspicious strangers. But the man seemed like he was just really asking innocently at first... Not until he asked me if I can accompany him to go to that apartment.

Mabilis akong naglakad papunta sa village. Mahaba-haba pa ang lalakarin ko dahil wala nang pinapayagang papasuking public transportation banda rito.

Panay ang paghinga ko nang malalim habang maya’t-mayang lumilingon. Ginusto ko ’to... Ginusto kong iwan ang cellphone sa bahay para hindi ako mahanap ni Eurus. Wala akong masisisi kun’di ang sarili kapag may nangyaring masama ngayon...

“Ay gago!” sigaw ko nang biglang may bumusina sa akin. Parang lalabas na ang puso ko dahil sa kaba dahil do’n.

“What the fuck are you doing?” Nanlaki ang mata ko nang makita si Eurus na bumaba mula sa sasakyan. Napayakap ako sa dala-dala at bahagyang umatras.

Dapat na ba akong makahinga nang maluwag dahil nandito siya o mas matakot dahil mukha siyang mangangain?

“Farah?” he called on a threatening way. I bit my lip and stopped stepping back. Hindi dapat ako natatakot sa lalaking ’to.

“Ano? Saan ka galing? Bakit ka nandito?” pagtatanong ko bago niya pa maitanong sa akin ang mga ’yon.

Tumiim lang ang bagang niya at tuluyang lumapit sa akin. Bigla niyang kinuha ang mga dala ko at inilagay ’yon sa loob ng sasakyan. Tsaka niya ako muling binalikan.

“Don’t you dare run,” he said as he touched my forearm.

“Anong ginagawa mo?”

“Did someone touch you?” He looks like he’s inspecting something on my arm.

Blazing HeartsWhere stories live. Discover now