2

429 10 2
                                    


..

Maysado akong naexcite makita ulit si Mildred kaya naman alas 10 pa lang ay andito na ako sa coffee shop na ilang lakad lang mula sa company na pinapasokan nya.

Habang inaantay yung oras ay nakatutok lang din ako sa computer doing some work.

Natext ko na siya na aantayin ko siya sa labas ng building nila kaya naman pagtapat ng 11 ay agad kong niligpit yung gamit ko at iniwan sa opisina.

Lakad takbo ako habang sinisipat din ang aking ayos. Hindi naman ako naka ayos ng bongga, halos pang casual lang ang ginawa ko. Panay ang tingin ko sa cellphone, inaantay ko kung magtitext ba siya o ano.

"Garcia!"

Ugh! Parang gusto ko magmaktol.

Di ko din talaga gets bakit ayaw nya parin ako tawagin sa pangalan ko. Ang pormal nya masyado sakin as if ayaw niyang masabi ng ibang tao na close kami.

"Oy, Guzman!" Gusto kong umirap ng matawa siya sa gawi ko.

"Kanina ka pa ba?" Agad kong nakita yung mga kaibigan nya na nakasunod lang.

"Hindi naman."

Malapit na samin yung grupo nila kaya naman napayuko ako konti at naghello sa kanila. Mukhang makakasama ko na naman ang makukulit din nyang grupo.

"Hello Janelle!" Kurong bati nila.

"Ehem! Kaya pala di siya sasabay satin ngayon mag lunch." Huh? Nagtataka ako sa naging tugon ni Rona.

"Yaan nyo na! Ngayon na nga lang yan magkakadate pupurnadahin nyo pa!" Saway ni Lyka. Tatawa-tawa pa sila kaya nagtatanong kong binalingan ng tingin si Mildred.

Kaso ansama na pala ng mga tingin na pinukol nya sa mga nagtatawanang kaibigan.

Bago sila tuloyang makaalis ay narinig ko pang "Luh! Tara na at baka matigok tayo dito!"

May date daw sya? Kung ganun, di nya ako sasabayan kumain?

Akala ko ba pumayag syang kumain kasama ako?

Kaya ba sya andito para sabihan akong di kami matutuloy?

"Uhm, may iba ka palang lakad?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil parang gusto kong maiyak.

Shet! Excited pa man din ako!

"Huh? Wala. Wag mo intindihin mga yun, mga wala lang magawang matino kaya ganun." Tinitigan ko pa sya kung totoong wala nga.

"Sigurado?"

"Oo nga!" Oh nagtaray agad! "Ano, kakain ba tayo o tatayo na lang tayo dito?" Nataranta naman ako.

Tahimik kami pareho habang nilalandas iyong resto na malapit lang dito. Gusto ko sana sya dalhin dun sa alam kong resto kaso ayaw naman niya dahil masyado daw malayo baka malate siya. Kaya naman hinayaan ko siyang pumili kung san. Di pa naman kasi ako maalam sa lugar.

"Nga pala, yung sinabi mo kagabi." Medyo kinabahan ako ng lumingon siya sakin. "Ano nga ba yung itatanong mo sakin?"

Hindi ako agad nakasagot. Tinatry kong mag isip ng tamang approach kaya naman napatigil ako sa paglalakad at di man lang nito namalayan na naiwan na pala nya ako. Malalim ang hiningang hinugot ko bago marahang hablutin ang braso niya. Ikinagulat nya ito pero inantay nya akong magsalita.

"Yung kasama mo kahapon..." nagtaas ang kilay niya, kaya napaiwas ako ng tingin. "B-Boyfriend mo ba yun?"

Actually may sagot na ako sa isip ko dahil di ako agad nakatulog kagabi kaka stalk sa social media accounts niya. Hinalungkat ko na lahat pati ata nung high-school stuffs na tungkol sa kanya. Pero wala ako nakitang post na nagsasabing nagkaroon siya ng jowa. Nababasa ko lang iyong mga comments na past manliligaw niya but that was all.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon