"Ano po yung drinks nyo?" Antamis naman ng ngiti ng mga staff dito.

"McFloat na lang miss." Napalingon naman ako sa katabi ko. "Ikaw, ano gusto mo?"

Habang umoorder sya kinuha ko agad yung wallet ko.

"Ito po bayad."

"Em ako na." Pigil ko sa kamay nya.

"Huh? wag na."

"No please, let me." Sabay abot ng card kay ate.

Napaigik ako ng maramdaman kong tinusok nya iyong tagiliran ko.

Nubayan!

"Kaw hah! Pag ako di mo nilibre sa susunod, sasapatosin kita!" Biro pa nya sakin kaya pareho kaming napatawa.

"Yun lang pala eh, bigay mo sakin number mo at ililibre kita ulit!" Cross fingers!

Nakataas na yung kilay nya sakin. Akala nya ata binibiro ko sya.

"Em, matanong ko lang,"

"Hm?" Inaantay lang namin yung pagkain.

"San ka na pala nagtatrabaho ngayon?" Curious lang.

"Ah, jan lang sa Malayan." Napakagat pa siya sa ibabang labi tila ba pinipigilang sumilay ang kanyang ngiti.

Bat ganyan sya makangiti? Oo ang ganda nya pero, please lang! Let me live!

"Malapit lang, kaya pala dito kayo maglalunch." Hehe! Lapit lang din pala sakin.

"Ikaw, bakit ka nga pala napadpad dito ng mag-isa?"

"Hehe. May binili lang."

Kinailangan ko kasi ng mga gamit sa condo kaya ako andito.

Kinuha ko iyong card ko at binuhat ang tray na maraming laman habang hinayaan ko naman syang dalhin yung maliit na tray.

Sabay-sabay na kaming kumain. Panay ang chika ng mga friends niya habang ako ay pawang tagakinig lang.

Nakakatuwa dahil may pagka jologs pala tong mga 'to. Medyo nahiya nga ako ng mapagdiskitahan nila iyong dami daw ng pagkain ko.

Dyahe!

"Ay Janelle, matanong lang. Pano nga pala kayo nagkakilala nito?" Si Lyka sabay turo sa katabi ko.

Napalingon ako kay Mildred, nakatingin na din pala sya sakin.

"Actually, magkaklase kami nong high-school." Tatango-tango naman itong huli.

"Talaga?! Eh nong college?" Tanong nung Rona.

"Ah hindi na. Lumipat kasi ako ng school pagtungtong ko ng 3rd year at dito na sa city nag-aral."

"Mahilig kasi mang iwan ng buhay 'to." Napamaang ako sa sinabi niya. "Oh bakit, di ba totoo?" Hamon naman nya ngayon.

Kainis! "Di ko naman kasi choice na lumipat. Grabe, ilang taon na yun ah di ka parin nakakamove-on dyan?"

Kasi naman, kahit nong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. Pag nagkaka usap ay yan ang lagi nyang hirit sakin.

Tsk! Irapan daw ba ako?

Mukhang natutuwa pang nanunuod itong mga kasama nya.

"Ano pala course mo?" Tanong nong ate Roxanne niya.

"Uhm, BS Psychology po." Narinig ko iyong pag wow nila kaya para namang may kung anong galak sa loob ko.

Proud lang!

"Nuks! Sosyalin!"

"Hahaha di naman."

Panay tanong nila sakin ng kung anu-ano. Nasakin na nga ata lahat ng attention nila eh! Sa dami ng tanong nila hindi ko matapos-tapos iyong pagkain ko. Mukhang si Mildred na nga ata nakaubos nong fries ko eh. Langya, mas nabusog ata ako sa chika kesa sa kinakain ko.

A Chance At Love ⚥Where stories live. Discover now