Kinabukasan no'n, two years ago, noong binalikan ko 'yung bukid. Wala na roon ang spaceship. Weird, 'di ba?!

Napatitig ako sa nakadikit na picture noong lalaking may poker-face-innocent look, saka ko sinara ang notebook.



* * *

NOONG gabing 'yon, pumunta nga akong mag-isa sa Christmas Eve fiesta. Nag-commute lang ako, mga dalawang jeep din ang sinakyan ko. Nagsuot ako ng simpleng black shirt na may design sa gitna't black joggers. Buti nga hindi plain kasi baka akalain a-attend akong lamay kahit sa fiesta naman ako pupunta. Na-conscious nga ako sa outfit ko, pa'no halos lahat ng nandito naka-aesthetic outfit na yata.

Kasalukuyan ako ngayong nakatayo rito sa Christmas Eve fiesta downtown, naghihintay sa meteor shower. Marami-rami ring tao ang narito. Maraming puno—maraming makukulay na christmas lights, parol sa mga puno't mga lantern lights. May mga bench din, may pumaparada, may mga sumasayaw, fountains, garden. At may mga nagtitinda. Mayroon ding mga nag-p-picnic.

Actually, ayoko talagang pumunta mag-isa. Kasi parang ang awkward pumuntang mag-isa rito—parang ang awkward pumunta nang walang kasama. Tapos lahat may mga kasama. Para akong isang alien sa mundo ng mga tao. Pero gusto ko talagang mapanood ang meteor shower!

Napadako ang tingin ko sa isang bench kung saan may mag-jowa yata. Nakalagay ang braso ni boy sa may ibabaw ng sandalan ng bench kaya mukha siyang nakaakbay kay girl, si girl naman nakatingin sa phone niya. Nag-uusap sila't tumitingin din si boy sa phone ni girl.

Napangiwi na lang ako't inalis ang tingin sa kanila. Ang sakit sa mata. Ibinalik ko ang tingin sa dark blue na langit. At pagkatingin ko, feeling ko kumikislap ang mga mata ko. Nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko nang makita ang mga makukulay na bulalakaw at kometa sa langit.

Napangiti ako. Parang eksena sa space. Umihip ang malamig na hangin, hinipan no'n ang buhok ko. At ewan . . . habang nanonood ako ng makukulay at kumikislap na meteor shower, parang may kung ano sa aking gustong maghanap. Nawala ang ngiti sa labi ko. Simula noong nangyari ang weird na pangyayari two years ago, tuwing napapatingin ako sa langit, nanonood, nagbabasa about sa Astronomy. Parang sa loob loob ko, may gusto akong makita't mahanap. Na parang sa tuwing naglalakad ako, may gusto akong makasamang maglakad.

Parang ibon na gustong makalaya sa hawla at malayang lumipad nang may kasama.

Umihip ang mas malakas na hangin. Ramdam ko bigla ang pagtaas ng mga balahibo ko't ang pamumuo ng luha. Naging blurry ang nakikita ko sa langit dahil sa luha. Kaagad akong kumurap, ramdam ko ang pagtulo ng isang luha sa pisngi ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Ang weird . . . ang strange na nararamdaman ko 'to kahit na hindi ko naman dapat 'to maramdaman.

"Hija, gusto mo ba bumili?"

Napalingon ako bigla sa kanan ko nang may lumapit sa akin na lola. Kulubot na ang balat niya't halos hindi na makita ang mata sa sobrang singkit, morena't naka-bun ang puti niyang buhok. Halos kuba na rin. Naigawi ko ang tingin sa mga hawak niyang bracelet at kwintas na nakalagay sa lalagyan no'n, mga naka-pack. "Lucky jewelries," sabi pa ni lola.

"Sige po." Ngumiti ako. "'Yung bracelet na lang po."

Actually, ayaw kong bumili, pero naaawa ako sa kalagayan ni lola.

"Ano bang zodiac sign mo, hija?" tanong pa niya.

"Aries po."

"Ah, itong red na bracelet." Ibinigay niya sa akin ang red string bracelet. "Bagay sa 'yo ito."

"Sige po, dalawa niyan."

Hindi ko alam kung bakit dalawa ang binili ko, siguro kasi naaawa talaga ako kay lola. Ibibigay ko na lang siguro sa kapatid ko ang isa. At nang swertihin naman siya sa buhay niya. Lucky jewelries daw 'to, e.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon