chapter 33

29K 750 80
                                    

Althea

Masaya kaming nag aalmusal ni Seb ng pumasok sa kusina ang bagong gising na si Jona.

"Good morning couz, good morning seby!" Masiglang bati niya sabay mabilis na humalik sa pisngi ni Seb.

"Ay sorry! Na carried away lang hihihi!" Ngiting ngiting sabi nya na humagikgik pa. Umupo na sya sa katabing upuan ni Seb.

Ako naman ay hindi malunok ang kinakain kong tinapay. Ngali ngaling isaboy ko sa talande kong pinsan ang mainit na kape. Maghunusdili dili ka Thea pinsan mo pa rin yan.

Tiningnan ko Seb. Maging sya ay hindi rin maipinta ang mukha. Tumingin din sya sa akin. Inirapan ko naman sya. Wala naman syang kasalan pero naiinis ako.

Nag ring ang cellphone nya at dinampot nya ito.

"Excuse me, sagutin ko lang to." Paalam nya pero nakatingin sya sa akin. Sinundan sya ng tingin ni Jona na pinasadahan pa ng tingin mula ulo hanggang paa.

Para syang manyakis. Inirapan ko sya.

"Grabe ang gwapo talaga ng kinakapatid mo insan. Ang macho pa at halatang daks! Nakaka wet!" Kinilig kilig pa si Jona habang nagtitimpla ng kape.

Nawalan na ako ng ganang mag almusal. Ininom ko na lang ang kapeng biglang naging mapait.

"Ilakad mo naman ako sa kanya insan." Untag sa akin ni Jona.

Tinaasan ko sya ng kilay. Kahapon couz, ngayon naman insan. Halatang pinaplastic lang ako dahil may kailangan.

"May girlfriend na sya." Sabi ko.

Sya naman ang nagtaas ng kilay. "Girlfriend lang naman pala eh. Kaya pang agawin." Ngising ngisi na sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Pero para syang manhid dahil nagkibit balikat lang.

Nang matapos kaming mag almusal ay bumalik kami sa funeral home. Sumabay sa amin si Jona at nagpababa na lang sa bahay nila para makapagpalit ng damit.

Alas dyies na kami nakarating sa funeral home at pinauwi na namin si mama para makapag pahinga. Hindi naman na sya tumutol pa dahil halata na rin sa hitsura nya ang puyat at pagod.

Hindi umaalis sa tabi ko si Seb kahit may kausap akong ilang mga kamag anak. Nakikipag usap din sya. Nakakatuwa lang dahil nagiging close na sya sa iba kong kamag anak. Hindi lang ako natutuwa sa pinsan kong talande na fc at dumagdag pa si tita Rosalie.

"Talaga? Pag aari nyo ang AGGC?" Nanlalaki ang matang tanong ni tita Rosalie na tila hindi makapaniwala. Ang mata nya ay nagningning na tila nakakita ng ginto.

AGGC or Albano Global Group Corporation is one of the largest conglomerates sa bansa. Engages in real state development, tourism entertainment, food and beverage, etc. Kilala din ang kumpanya hindi lang dito sa bansa maging sa ibang bansa. Kaya hindi na nakakapagtaka na kilala ni tita Rosalie ang kumpanya nila Seb.

Ngumiti naman si Seb at magalang na tumango.

"Aba, ang yaman mo pala!" Bulalas ni tita Rosalie.

"Hindi po ako, ang mga magulang ko po." Natatawang sabi ni Seb sa pagitan ng pagsubo ng pagkain. Panaka naka nya akong sinusulyapan.

"Ganun na rin yun iho. Sayo na rin yun dahil anak ka nila. Ang sabi mo nag iisang anak ka ng mga magulang mo, eh kanino pa nila ipapamana yun eh di sayo." Anang tita Rosalie.

Ako na lang ang nahihiya sa pagiging intrimitida nya.

"Grabe kuya, CEO ka pala! Sinearch ko sa google eh. Bilyon bilyon din pala ang networth ng kumpanya nyo sa isang taon. Gusto kong magtrabaho dun pagka graduate ko. Kuya, baka naman." Ungot ng pinsan kong lalake na isa sa ka close ko. Actually second cousin. Dahil pinsan ni papa ang mama nya.

[The Bachelors Downfall Series #3] Be My Baby Where stories live. Discover now