First Letter: Of Guilt and Disappointments

39 2 7
                                    

Dear M,

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung ano ang dapat kong gawin. Yung guilt, patuloy na kumakain sa akin, unti-unti nilalamon ako ng bawat alaala na meron tayo. Yung iba medyo malabo, samantalang 'iyong iba hindi ko alam paano ko natawag na buo. Siguro dahil nandoon 'yung saya, yung kaba, yung tawa at bawat pangako na hindi man tayo sigurado pero pilit nating binubuo.

Sa loob ng ilang araw, ikaw ang aking pahinga sa bawat takbo at lakad ng mabilis kong mundo. Ikaw ang paborito kong dapithapon kahit alam kong kadiliman na ang sunod 'nun. Sa bawat pag-uusap na inaabot ng pagsikat ng araw ikaw ang pag-asa ko sa hinaharap kong hindi ganoon kalinaw. Sa daigdig kong nasanay ng mag-isa, o mas tamang sabihin na sa daigdig kong marami ang nakatira pero lahat umalis na at wala ng natira, ikaw ang paborito kong kasama dahil pinakilala mo ang mga bagay na dati ay akala ko imposible at wala na. Para kang isang paksa sa isang tula na lagi na ay gusto kong ilapat sa aking mga piyesa.

Pero ganun pa man, sa ating mundo na pilit nating binubuo sa kabila ng takot at alinlangan, ng mga bagay na wala kasiguraduhan, ako ay naging mahina sa gitna ng laban.

Hindi pala akong tao na nabuo sa iyong isipan. Katulad nila, mahina rin ako at hindi marunong manindigan.

Guilt.

Naramdaman ko 'yung sakit sa mga salita na lumalabas sa bibig mo. Masakit para sa akin na nakikita nasaktan kita. Hindi ko alam kung may tamang salita para hawiin at pawiin ko ang nararamdaman mo. Hindi naging sapat ang sorry ko, sa nagawa ko.

Guilt.

Hindi ko alam sa kabila ng sinabi mong okay ka lang dahil wala namang commitment sa pagitan natin, alam kong hindi ka okay, hindi na tayo okay, at hindi ko alam kung tayo ay pupunta pa sa pagiging okay.

Disappointment.

Masakit para sa akin na na-fail kita doon sa expectations mo sa akin. Na ang kapirasong tiwala bigla nalang nawala.

Disappointment.

Yung nagsorry ka dahil hindi mo kayang ibigay ang buong oras na kailangan ko, 'na kailangan ko pang hanapin sa iba, naramdaman ko na anlaki ng disappointmen na dinulot ko sa'yo.

Marami akong nabuong tanong sa isip ko, sa unang araw na magkalayo tayo at pinili ko na hanapin muna ang sarili kaysa tanggapin ang isa pang chance na binigay mo. Dahil pakiramdam ko hindi ko pa deserve ang isang pagkakaton sa panahon na kapwa kailangan pa natin maghilom. Hindi ko kayang makipag-usap sayo na hindi ko pa napapatawad ang sarili ko, at nasisilip ko pa rin ang hinanakit bunsod ng ginawa ko.

Unang araw.

Binalikan ko ang nangyari. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit umabot ako sa ganoon. Kung bakit hindi ko nagawang manindigan sa mga sinabi ko sa'yo noon. May mga sagot pero hindi ako sigurado, hindi ko alam kong ito ba ang sagot na kailangan kong malaman, o kung ito ba ang sagot na dapat mong malaman, o kung ito ba ang sagot na parehas nating kailangan. Dahil ako, hindi rin ako sigurado kung ito ang tamang tanong sa mga walang kasiguraduhang sagot.

Unang araw.

Dinama ko ang guilt. Ang galit ko sa sarili ko. Ang sakit na dulot ng ginawa ko. Ang disappointments na naramdan ko rin sa sarili ko. Dinama ko ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kong saan papunta ang lahat ng ito. Pero isa lang ang sigurado ako. Kailangan ko ito para maipaalala sa sarili ko na ang mga taong kinamumuhian ko ay nagiging ako. 

Sorry.

Mahirap pa bigkasin, pero pipilitin ko na pagtrabahuhan para maging deserving. 

Sorry.

Sorry, M. Sana hindi pa huli ang lahat.

Hintayin mo ako papatunayan ko pa sa'yo na deserving ako sa isang pagkakataon na binigay mo.

Nagmamahal,

J.

Seven Letters to MWhere stories live. Discover now