"Yes pogi? May kailangan ka?"

Napaikot ang mata ko sa sinabi nya.

"Sa likod ka na lang maupo miss."

"Ha? Bakit? May uupo ba dito? And by the way my name is Jona, nakalimutan mo na agad." Maarteng ngumuso pa sya kay Seb na halatang nagpapa cute.

Bruha talaga tong pinsan ko eh.

Napakamot sa ulo si Seb. Halatang naiinis na sa pinsan ko.

"Si Thea kasi ang uupo dyan, lipat ka na lang sa likod." Mahinahon pa ring kausap nya sa pinsan ko.

"Si Thea lang pala eh, eh di sya na lang ang paupuin mo sa likod. Mas masarap naman akong katabi no. Hindi ka magsisisi." Aniya at kumagat labi pa.

Halatang inaakit na ang boyfriend ko ng pinsan ko.

Lumapit na ako sa kanila. Hinawi ko patabi si Seb at binuksan ko ang pinto ng passenger seat.

"Dun ka sa likod maupo, ako dyan." Walang ano anong sabi ko.

Napanganga naman sya. Halatang nagulat sa inasal ko.

"Ano? Nakaupo na ako eh palilipatin mo pa ko. Ikaw na lang sa likod." Mataray pang sabi nya.

Nagtaas kilay naman ako. Aba! Sya pa talaga ang malakas ang loob na magtaray ha!

"Lilipat ka o magtataxi ka na lang mag isa?" Banta ko sa kanya.

Inikutan naman nya ako ng mata. "Oo na, lilipat na!" Padaskol syang bumaba. "Ang damot!" Bubulong bulong pang sabi nya at sumakay sa likod ng sasakyan.

Inikutan ko na lang sya ng mata at sumakay na rin sa passenger seat. Inalalayan pa ako ni Seb pagkatapos ay umikot na rin sa driver seat.

Sa buong byahe ay daldal ng daldal si Jona sa likuran. Si Seb lang naman ang kinakausap nya eh. Ayos lang naman sa akin dahil wala ako sa mood kausapin sya. Kibuin dili lang din naman sya ni Seb na mukhang nahahalata na wala ako sa mood.

"Anyway, saan ka pala tutuloy ngayong gabi Seby?"

Napaikot ang mata ko sa binigay nyang pet name kay Seb.

"Kung gusto mo, sa bahay ka na lang namin. May bakanteng kwarto pa kami roon. Tutal naman hindi ka naman iba sa amin dahil kinakapatid mo si Thea."

Napapikit ako at napahilot sa sentido. Alam ko naman kung ano ang motibo nya. Hindi ako tanga. Sa mga tingin pa lang nya kay Seb ay parang naglalaway na.

"Thanks for the offer, pero kanila Thea ako tumutuloy ngayon." Malamig na sabi ni Seb na tutok pa rin ang mata sa daan.

Nakita ko naman sa rare view mirror ang pagsimangot ng pinsan ko.

Nang malapit na kami sa bahay nila ay nag inarte na naman sya. Ayaw daw nya sa bahay nila matulog ngayong gabi dahil wala syang kasama. Malulungkot lang daw sya. Kaya nakiusap sya sa akin na sa bahay na lang namin makikitulog.

Bilang pinsan at kadugo ko pa rin naman sya ay pumayag na ako kahit naiinis ako sa panay pa cute at pang aakit nya kay Seb. Mabuti na lang ay hindi sya pinapansin. Apat naman ang kwarto sa bahay namin kaya may matutulugan sya.

Nang makarating na kami sa bahay ay tinuro ko sa pinsan ko ang kwartong tutulugan nya. Nairita pa ako ng tanungin nya kung saan ang kwarto ni Seb. Inirapan lang nya ako ng tanungin ko kung bakit.

"Goodnight baby, tulog ka na. Alam kong pagod ka." Ani Seb ng ihatid nya ako sa kwarto ko.

Ngumiti naman ako. "Ikaw din matulog ka na."

"I love you.." Anas nya sabay kintal ng halik sa labi ko.

"I love you too.."

Naghilamos lang ako at madaliang half bath. Naramdaman ko ang pagod ng humiga na ako sa kama. Antok na antok na ako. Namimigat na ang talukap ng mata ko.

Tok Tok Tok

Antok na minulat ko ang mata at tiningnan ang pintuan. May kumakatok.

"Thea, gising ka pa?"

Boses ni Seb sa likod ng pinto.

Antok na antok akong bumangon at binuksan ang pinto. Mabilis naman syang pumasok sa loob at sinarado ang pinto sabay lock.

Nataranta naman ako lalo na may hawak syang unan. "Wait, di ka pwedeng matulog dito. Hindi porke't wala si mama matutulog ka na sa kwarto ko."

"Alam ko, kaya lang kanina pa ako kinakatok ng pinsan mo sa kwarto ko. Kaya dito muna ako ngayong gabi please." Samo nya at bahagyang ngumuso pa.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Ano? Kinakatok ka ni Jona sa kwarto mo? Anong kailangan nya?"

"Makikipag kwentuhan daw. Sabi ko nga inaantok na ako. Hayun, pabalik balik sa kwarto ko at katok ng katok hindi daw sya makatulog." Tila nagsusumbong na sabi nya.

Parang nag akyatan naman ang dugo ko sa ulo ko. Akmang bubuksan ko ang pinto para sugurin ang pinsan ng pigilan nya ako.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Pagsasabihan ko lang yung pinsan kong bruha."

"Hayaan mo na. Hindi ko naman sya pinapasok sa kwarto ko eh. Tulog na lang tayo. Inaantok na rin ako eh." Lambing nya sa akin. Sa hitsura nga nya mukhang antok na antok na nga rin sya tapos inaaswang pa ng pinsan ko.

Bumuntong hininga na lang ako. "Sige na nga tulog na tayo."

Sabay na kaming bumalik sa kama. Hindi kalakihan ang kama ko kaya dikit na dikit kaming dalawa. Nilagay nya ang braso sa ilalim ng ulo ko at iniyakap ang isa sa bewang ko.

"Behave ka lang ah." Paalala ko sa kanya.

Tumawa naman sya at sumubsob sa leeg ko sabay halik doon. "Ako dapat ang magsabi nyan. Baka mamaya molestiyahin mo na naman ako. Ayos lang naman sa akin, di ako papalag."

Nag init naman ang mukha ko sa sinabi nya. "Asa ka. Matulog na nga tayo." Sabi ko at tumalikod sa kanya. Kinabig naman nya ako palapit sa katawan nya habang nakasubsob sa batok ko.

*****

[The Bachelors Downfall Series #3] Be My Baby Where stories live. Discover now