Letter 6

55 7 0
                                    

Dear El Jay,

Sinubukan kong paselosin ka. Kinausap ko na kaibigan mo, iyong babaeng kakilala ko, nagmumukha na akong playbot dito, pero para naman ito sa iyo kaya okay lang, kakayanin ko ang lahat.

Akala ko tatalab iyon, pero wala epek pala. Lagi kang tumatawa kasama iyong barkada mo, pero bakit pag ako, wala kang reaksyon. Daya mo naman.

Sige na nga, madali naman akong kausap. Lulubayan na kita, masakit kasing umasa na baka meron akong tsansa.

Wala naman pala.

Bakit ko pa ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin?

Akala mo pinaasa ko sila? Heh, lahat ng iyon ay dahil sa iyo.

Dahil mahal kita. Kung hindi mo sana ako iniwasan nun, hindi magkaganito.

Iyong kaibigan mo na may gusto sa akin? Ayon, wala, pinili kasi kita. Pero bakit di mo ako pinili? Bakit?

Bakit umiwas ka sa akin? Sa oras na nahulog na ako sa iyo, bigla bigla ka na lang maglaho.

Ito na ba ang huli? Meron na kasing nakasalo sa akin nung hindi mo ako nasalo.

Si YACK ito.

From YACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon