Chapter 36 * Tight Hug*

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung sana isang kaibigan na lang ang turingan namin, mas magiging madali ang lahat.

 Kaso hindi. 

Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa taong wala naman akong planong saluhin. Kaya eto ngayon, I am suffering....

                                                                             

[Jake’s POV]


“Jake, what have you done?” bulong saakin ni Venus habang naglalakad kami papalayo sa media “bakit mo ako hinalikan ha? Ano na namang pakulo ito?”

Hindi ko siya pinansin but instead dire-diretso lang ako sa paglalakad. Napatingin ako bigla sa gilid ng crowd at nakita ko si Dionne na nakatalikod. Agad ko siyang tinawag.

“Dionne, let’s go”

 

“o-okay” she told me while avoiding my gaze

Iniwas ko rin naman agad yung tingin ko kay Dionne. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya magawang matignan ng diretso.

Bakit ko nga ba ginawa lahat ng yun kanina? Bakit ko hinalikan si Venus sa harap ng madaming tao? Ano, gagawa na naman ako ng panibagong issue namin ni Venus?

Kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Simula ng makita ko kanina si Rui at Dionne, nakaramdam ako ng sobrang inis. Parang gusto kong manuntok ng tao. Pakiramdam ko galit na galit ako eh.

Pero bakit ba ko magagalit? Anong dahilan?

Bwiset naman na buhay to oh! Sarili kong nararamdaman hindi ko maintindihan!

Baka naman nagagalit ako dahil alam ko kung gaano kamahal ni Maisie si Rui tapos itong hayop na Hapon na to eh nagkagusto pa sa chimay ko!

Oo nga! Siguro yun ang dahilan! Nakita ko kung gaano iniyakan ng kapatid ko ang Hapon na yan tapos bwiset na Hapon, nagtapat ng undying love niya kay Dionne sa harap pa ng kapatid ko! Kung sinasapak ko na kaya yan?!

Isa pa madadamay pa ko sa issue nila ni Dionne! Bigla tuloy ako napapanggap na pinsan ni Dionne! Bwiset! Wala akong kamaganak na abnormal! =__=

Nang makarating kami doon sa table namin, agad kaming nilapitan ni Manager Rhian

“Jake what do you think are you doing?!” galit na tanong niya saakin then tinignan niya si Venus “may relasyon ba kayong dalawa?!”

 

“Rhian, let’s talk about it later okay?” sagot ni Jake “wag mo din muna guluhin si Venus”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon