Chapter Thirty-three

Magsimula sa umpisa
                                    

Maybe I'll try to watch some YouTube tutorial how to cook that para masubukan kong iluto at kainin. Sana lang hindi ko malason ang sarili ko.

I'm planning to make myself busy, so I won't have any time to think of him. It's hard but I'm trying. Sawang-sawa at pagod na pagod na akong umiyak. Awang-awa na ako sa sarili ko. Ayaw ko nang lunurin ang sarili ko sa lungkot.

Kahit mahirap, kailangan kong umusad.

There are times that I'll just see myself crying because memories of us kept on coming back. Kahit ayaw kong isipin, sadya silang bumabalik na para bang nananadya talaga.

Ang hirap mag-pretend sa harap ng mga magulang ko na ayos lang ako kahit na sa loob-loob ko'y wasak na wasak na ako.

Ayaw kong maging mahina sa harap nila.

Tinatanong nila ako pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Ayaw ko silang madamay at maipit sa kung ano mang sitwasyon naming dalawa ni Cai. It's just between us. His family is a good friend of us. Sa amin lang ang problema na meron kami, labas sila roon.

But then, no matter how hard I try to keep them away from this, I know that they will still have something to say. May masasabi at masasabi sila dahil pamilya namin sila.

Hinayaan ko na lang magluto si Raya. Pinanood ko lang siya habang naghahalo ng fried rice.

She looks fine but I know that she's just hiding what she truly feels. Kahit ipilit niyang itago at ipakita na ayos lang siya, kitang-kita ko naman sa mga mata niyang nasasaktan siya.

I don't know what happened to them. Hindi ko naman alam kung paano siya tatanungin pati si Kylei. Kapag tinanong ko sila, tiyak na magtatanong din sila tungkol sa amin ni Cai. I still can't say it to them.

I'll just keep it to myself for the meantime and when I already have the courage to say it, sasabihin ko rin sa kanila.

Isa pa, alam kong magagalit sila kay Cai. Baka nga mas galit pa sila kaysa sa akin.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit iniisip ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya sa akin.

Galit ako sa kaniya pero hindi sobra. Hindi ko alam kung bakit. Ganito ba talaga kapag sobra mong mahal 'yong tao?

Niloko niya ako, e. Bakit hindi ko magawang magalit nang sobra sa kaniya?

Hindi naman ako bulag sa red flags.

"Kain na tayo," ani Raya saka dumaan sa harap ko dala ang isang pitsel ng tubig at dalawang baso.

Gaano na ba ako katagal na tulala at hindi ko napansing tapos na pala siya magluto? Nakapaghain na rin siya.

"Tapos ka na palang magluto, hindi ko napansin," sabi ko habang umuupo.

"Masyadong malalim iniisip mo, e. Hirap sisirin. Ano bang iniisip mo?"

Mabilis akong umiling at nagsandok na lang ng sinangag. Hindi ko pa talaga kayang sabihin sa kahit kanino man ang nangyari.

We just ate in silent. Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na rin ang kinainan saka kami umakyat sa kuwarto ko.

I requested Raya to call Kylei. Hindi ko pa nasasabi na kasama kong pupunta si Raya. Biglaan lang kasi ang lahat. Nakakagulat na bigla siyang tatawag at sasama nang biglaan, wala man lang kaabog-abog.

Parehas kaming nahiga ni Raya sa kama ko saka rumehistro ang mukha ni Kylei sa screen. Nagulat siya nang makita kaming magkasama.

"Why are you together?" she asked, brows furrowed.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon