Where to?!
-----
CJ’s POV
4:45pm @clinic
Grabe lang tong babaeng ‘to!
Anong oras na at tulog pa?!
Makalabas na nga muna at nagugutom na ko.
PSH!
Grabehan lang ulit!
Bakit ang daming tao sa canteen ng ganitong oras?
Kainis lang ah.
Mamaya na nga lang >.<”
Bumalik na lang ako sa clinic.
“, Mr. Gomez right?” nakangiting bungad sa kin ng nurse.
“ah opo. Bakit po?”
“ah kasi biglang pinatawag kami ng principal tsaka hapon na din naman magsasara na sana ako kaso tulog pa si Eris e hindi ko naman pwedeng iwan kayo dito.”
Napakunot noo ako sa sinabi niya, so parang pinapaalis na niya kami dito?
Ampupu! San ko naman dadalhin yung babaeng yon?
E hindi ko naman alam kung san yung bahay nyan >.<”
“ah ganon po ba?” yun nalang yung nasabi ko dahil iniisip ko kung san ko pwedeng dalhin yung babaeng yon.
“oo, kaya ikaw na maguwi sakanya. Okay lang ba?”
Grabe lang ulit! May choice ba ko? Alangan iwan ko dito diba?
Haaaaay! Bakit ba kasi ako pa?!
“sige po ms. Nurse”
“Sige, salamat ah Mr.gomez”
Kung itatanong niyo kung napuruhan ba yung babaeng yon,
HINDI siya!
Kaya nga hindi ko alam kung bakit hindi pa yun gising ngayon,
Sabi naman ni ms.Nurse agad din magigising yon
E bakit tulog pa? kaya heto ako ngayon namomroblema kung saang lumalop ng mundo ko ito dadalhin!
Arrrg!
Lumapit na ko dun sa bed niya. Susubukan ko nalang gisingin.
Tama!
“uy!”
Tusok sa pisngi niya.
“uy! Babae! Gising kana!”
Tusok ulit sa pisngi niya.
Arrg! Bakit ba ayaw niya gumising
“ERISSSSSSSSSSSSss!!!!!”
Sabay ALOG sakanya. LITERAL!
>.<””
“ahmdgasdlusggfslafgsfgs”
Ano daw?!!!
Hay! Ampucha naman ng babaeng to!!
NO CHOICE!
Kinarga ko na siya, nakakahiya na din kasi kay ms.nurse baka malate pa yon.
Woooh! Bakit ang gaan lang niya
Yung totoo kumakain pa ba to?
Mabigat pa ata si Ysa sakanya e. >.<”
“Miss alis na po kami, salamat po”
“Sige Mr. Gomez, ingat kayo”
Habang naglalakad ako sa hallway pinagtitinginan ako ng mga estudyante na akala mo e may ginawa akong kasalanan.
YOU ARE READING
When You're Around
Teen FictionShe's hated by many, because she's MEAN, a BRAT, a BULLY, a FLIRT, a BITCH, a PLAYER, a RELATIONSHIP WRECKER, some says she's a WHORE, a SLUT, BUT, she turns to a crybaby and a damn good girl when HE'S around. ----- He's sweet, caring, loving, cha...
