“Mister hindi mo ba naiintindihan? Pag gumising na si Eris at nalaman niyang talo kami malulungkot yon”

Ang oa naman! Psh!

“Hay! Okay let’s settle this, ano ba talagang gusto niyong gawin ko?”

“Ikaw magbantay sakanya”

“say what?!!”

Seryoso? Babantayan ko yung babaeng yon?!

“what. Psh”

“Haay! I mean bakit ako?”

“kasi, yun yung kapalit ng pagkatalo naming, pagsisilbihan mo muna siya. Maliwanag?” g1 na nagtaas na din ng kilay.

Grabihan to!

Ng dahil lang don heto na yung kapalit?!

ANO BA YAN!?!

Nagtext na paman din si Selah na magkita kami paglabas ko ditto!

At nakakainis talaga !

Parang ang malas ko naman nagyong araw na to? Pansin mo?

Pero teka nakakakonsensya e..

Haaaay!

Papayag ba ko?

“pumayag kana! Kasalanan mo naman e! tsaka di ka naming titigilan!”

Nababasa niya isip ko?

“hindi ko, halata lang kasi sayo. Jan ka na nga.” Lumakad na si g2

“Nasa clinic yon tulog baka mamayang hapon pa gising non. Bye!”at sumunod na din siya kay g2

Haay! May choice pa ba ko?

Kung di ko naman gagawin yon e ayoko naman na guluhin nila ko.

Haay! Tsaka naawa din naman ako no.,

Masakit kaya tamaan ng bola tapos matatalo pa team niyo. Ano pa nga ba?

Pero okay lang naman kung ibang tao yun e! magkukusa pa ko!

Pero bakit yung babaeng yun pa?!!

Arrrg!

--

@Clinic

Naabutan ko siyang mahimbing pa rin yung tulog.

Ang ganda niya,

Kaso nga lang nagiba na yung ayos niya ngayon kesa dun sa picture.

Isipin mo maglalaro lang ng volleyball nakamake-up pa?

Pero hindi e!

Dapat naiinis ako sakanya.

Siya yung dahilan ng malas ko ngayon!

Tama!!

Siya nga talaga!

Kung di dahil sakanya..

Pero sige na nga..

Pero…

Ang pagtulong ko ngayon sakanya dahil lang yun sa konsensya.

Tama!

Madami na tong kasalanan sakin!

Una, nanghahalik!

Pangalawa, sya yung dahilan kung bakit ako nalipat ditto,

Pero teka ano nga kayang dahilan bakit ako nalipat ditto at anong koneksyon sa babaeng to?

Pangatlo, isang buong lingo na akong pikon sakanya! Ang kulit kasi! Lapit ng lapit! Di maintindihan na may gf ako at loyal ako. psh

At syempre ang panghuling dahilan ay kung hindi dahil sa kaengutan niya di sana ako magbabantay dito!

Psh!

Habang nakaupo ako sa sofa malapit sa bed niya..

:”hmm”

Napatingin ako sa babaeng tulog na biglang umungol

“Jac…”

Ano daw??!

Tuluyan ko na siyang nilapitan at nakita kong kunot noo siya.

Anong problema neto?

Hinaplos ko yung buhok niya na di ko malaman yung dahilan kung bakit..

Tss! Di tama yan! Kaaway mo yan!

Uupo na sana ako ulit kaso…

“sob*b-bakit k-kasi iniwan m-moko? A-ayaw mo nab a *sob* talaga?”

Kanina ungol tapos kunot noo at ngayon di pa siya nakuntento biglang ungol ba naman?!

Waaaah! Naku ha!

Nilapitan ko siya na patuloy lang sa pagbigkas ng mga salitang di ko maintindihan habang patuloy sa pagagos ang luha niya.

Pinunasan ko yung luha niya at hinaplos yung pisngi niya.

“shh. Hush now.”

Lalong lumakas yung pagiyak niya kaya naglean down ako at kiniss yung forehead niya.

Grabe! Di ko maintindihan, reflex na ata yun na kusang paggalaw ng katawan ko sa mga bagay, yun kasi yung gingawa ni mommy pag ayaw naming tumigil sa pagiyak e,

Malay mo effective!

Ahaha

Hinaplos ko na ulit yung buhok niya at pinaghum siya,

Bigla naman siyang tumigil at humimbing ulit yung tulog.

See?

Kahit naman mean ako pag dating sakanya, mabait pa rin naman ako.

Ewan ko, di ko din alam kung bakit.

Ngayon lang naman kami nagkita,

Tapos kaaway ko pa siya.

Pero ganito na agad ako sakanya

Feeling ko kilala ko siya e sa loob ng isang lingo iniinis lang naman niya ko. Psh!

Pero hindi naman.

Haaay!

Ang gulo ko!

Alam ko galit ako sakanya!

Kasi siya yung dahilan kung bakit andito ako malayo kay Selah.

Siya din yung dahilan kung bakit nagkalat yung issues ditto.

Opo! First week palang naming kumalat na agad yung issue sa paghalik niaya sakin

Buti nalang at hindi nagalit si Selah nung nalaman niya.

Understanding masyado. Kaya love ko yun e!

Pero napapansin ko din naman na lumalayo na ang loob ni Selah sakin since nalipat ako ng school which is naman na patuloy na pagbuntot sakin ng babaeng to.

Grabe lang! tinotoo niya yung banta niyang di niya ko titigilan, kaya takot ko nalang dun sa babaeng kaibigan nia,

At isa pang napansin ko isang lingo na niya kong sinusundan pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya,

Pano? Lagi lang naman niya kong iniirita

Touchy at clingy kasi siya e, yun paman din ang pinakaayaw ko.

Psh!

When You're AroundWhere stories live. Discover now