Chapter 8: Midnight

Magsimula sa umpisa
                                    




"Saka ko na sasabihin sa inyo. Hindi pa malinaw sa 'kin ang lahat," seryosong sabi ko. We meet Phoenix, Angel and Scithe outside the duel arena. I clicked onto my dashboard and accepted them as party members. Kumpleto na kaming lahat. The duels were already over. Pero nag-iisip pa rin ako dahil sa match nina Phoenix at Virgo. Hindi kami nagtanong kay Phoenix at nagpanggap kaming walang alam o napansin sa mga nangyari.




"Magla-log out na ako. Wala akong balak magpuyat sa unang araw natin sa laro. You can still play if you want. I already accepted Angel, Scithe and Phoenix as party members. Pag-usapan na lang natin bukas ang mga hakbang na gagawin natin sa mga party quests," seryosong sabi ko. Fire and Ice said that they will stay for a while. Ganu'n din sina Angel. Pumasok ako sa inupahan naming silid. Nag-log out na ako.




It was already eight in the evening. I sighed. Wala akong ginawa sa araw na ito kundi ang maglaro at kumain pero pakiramdam ko pagod na pagod ang buo kong katawan. Nanghihina na humiga ako sa kama. I blankly stared on the white ceiling. Marami na agad nangyari sa unang araw pa lang. But I enjoyed the game. I smiled and closed my eyes. Saka ko na iisipin kung anong tricks ang ginawa ni Phoenix. As long as he was not laying his hands on us, he will not be a problem.




Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog pero nagising ako dahil sa ingay ng bumukas na pinto mula sa labas ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko dahil alas dose na pala ng gabi. Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon. I opened my door and curiously looked at the hallway. Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Prius na naglalakad papalayo. Sumakay siya sa elevator. Out of curiosity, I followed him. Sumakay ako sa kabilang elevator.




Nakita ko na lumabas siya ng building at sumakay sa isang taxi. Kumunot ang noo ko dahil patungo siya sa main building ng Game Crest Organization, sa pinakagitnang isla. I checked my pocket. Mabuti na lang hindi ko inalis sa bulsa ko ang wallet ko kanina. Pumara ako ng isang taxi at sumunod kay Prius. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan. Kinakabahan din ako sa ginagawa ko. Hating-gabi na at nakapagtataka ang mga ginagawa niya.




Ibinaba ako ng taxi malayo dahil bawal na silang lumapit pa sa building. Nagbayad ako. Kumunot ang noo ko dahil sa dalawang guwardiya na nakaupo sa isang upuan at natutulog. Natutulog nga ba o wala ng malay? Sobrang taas ng building na nasa harapan ko. Nawala na sa paningin ko si Prius at hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.




Dahil hindi ko alam ang dapat gawin sa oras na ito, lakas-loob na pumasok ako sa loob ng building. Isang mahabang pasilyo ang bumungad sa 'kin. This building looks more like a research laboratory. Tahimik ang buong paligid at walang katao-tao sa pasilyo. Maybe they're already sleeping or they were really busy with their works? Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. May mga glass window ang bawat silid. Makikita ang naglalakihang computer screens sa loob. May ilang tao na naroon kaya agad akong umiwas para hindi nila ako makita. Maybe they are software developers or engineers. Ang ilan sa kanila ay halatang inaantok na. Ang ilan naman ay walang pakialam sa paligid nila. They were really focus on their works.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon