Chapter 24- Her Jealousy

18.8K 216 6
                                    

Chapter 24- Her Jealousy

What the hell is going on? Hindi umuwi ang asawa ko kagabi, and now makikita ko syang lalabas ng hotel na may kasamang ibang babae?!

Sino ang babaeng iyon?

Bakit sila lumabas ng hotel na magkasama?

Is he cheating?

Pinagpapalit na ba nya ako?

Sawa na ba sya sa akin?

(Malamang, kasi all I did is to pester him with my foolishness.)

Argh! Kung ganoon, maghihiwalay na ba kami?

And more importnantly…bakit ang sikip ng pakiramdam ko sa puso ko…parang di ako makahinga…ang sakit…

Ahhhh!!! Ayaw ko nito!!! Bakit ko ba nararamdaman ito?! Bakit ako naiinis?! Bakit ako nagagalit?! Bakit parang pakiramdam ko gusto kong patayin si Sander?!

BAKIT ANG RAMING TANONG NA PUMAPASOK SA ULO KO?!!!

“Kon, anung order mo?” tanong ni Ethan, dahil ang tagal ko nang nakatunganga sa may bintana.

Oo nga pala nasa resto kami ng mga Fontanilla ngayon, and I’m in the middle of touring Ethan…gabi na at kakain nalang kami bago umuwi…

“Ah, Oh yeah…give me…”

Bago ko pa masabi ‘yung order ko bigla nalang tumulo ang luha ko.

“Kon?!--”

Bakit…bakit ako umiiyak?

Ang sakit, sakit ng dibdib ko…

Iniisip ko lang na iiwan na ako ni Sander…bigla nalang ang sakit-sakit ng pakiramdam ko…

I don’t want this…

Please get rid of this feeling!

Ibinuhos ko lang ang luha ko sa resto habang si Ethan…out of instinct siguro… di nya alam ang gagawin sa akin. Pinatawag nya ang mga bodyguards namin at dinala na kami sa bahay…

At hanggang ngayon umiiyak pa rin akong mag-isa sa kwarto…

Peste, bakit ko ba iniiyakan ang lalaking ‘yon?!

That girl and Sander…galing silang hotel…paano kung may nangyari sa kanila?...

Di ko na alam kung ano ‘tong nararamdaman ko…basta pag ipipikit ko lang ang mga mata ko, may nakikita akong kama, si Sander…at ‘yung babaeng ‘yon…

GET LOST MY DELUSIONS!!!!

Ugh, I really hate myself for thinking like this!!! Bakit ba ang assuming ng utak ko?!

Anung gagawin ko?......ayaw tumigil ng mata ko sa pagluha…masakit na rin ang lalamunan ko…

Naughty wife, Naughtier husbandWhere stories live. Discover now