Chapter 11

23.6K 915 386
                                    

KINABUKASAN ay kumakain sila Marilyn at ang pitong magkakapatid na Monroe sa hapag na walang imikan at may deadly air na nakapalibot sa kanila. Nag-away lang naman ang magkakapatid dahil sa ginawang date nina Marilyn at Hakim na hindi pala ipinaalam ni Hakim sa kaniyang mga kapatid.

It's about my time to speak up.

"Ah, guys.. I'm so sorry about yesterday kung hindi kami nakapagpaalam ni Hakim sa inyo na lalabas lang kami to watch in cinema." she said.

"Wala kang kasalanan doon, Marilyn. Kung may dapat man humingi ng tawad sa amin ay si Hakim 'yon." seryosong sabi ni Exodus at tumingin ito kay Hakim na patuloy lang sa pagkain.

"Still, nag-alala pa kayo sa'kin kahapon and I'm kind of guilty about that." sabi ni Marilyn at kinagat nito ang kaniyang ibabang labi.

"Ayos lang talaga, Marilyn pero sa susunod na lalabas kayo ay magpaalam na kayo sa amin para hindi na kami mag-alala." ani Diego at ngumiti ito sa kanya.

She nodded and smiled too. Wala siyang masabi dahil madali ring naiintindihan ng magkakapatid ang little mistake na nagawa niya.

Pagkatapos nilang kumain ay kaagad naligo at nagbihis ng maayos si Marilyn. Sinabi ng magkakapatid sa kanya na pupunta sila ngayon sa fiesta ng San Lorenzo sa bayan at makikifiesta doon.

Sa tuwing may fiesta raw sa kabilang probinsya ay hindi mawawala ang kainan, mga pacontest at games para sa mamamayan ng San Lorenzo. Si Deasis Lorreal ang kasalukuyang Gobernador ngayon ng San Lorenzo at mga nasa 40's na ang edad nito.

Marilyn decided to wear her longsleeve creamy croptop dress and high waist jeans. Wala siya sa mood ngayong magsuot ng dress dahil iyon na yata ang daily attire niya sa pang araw-araw dito sa San Lorenzo.

Pagkatapos niyang mag-ayos at magpabango all over her body ay nakita niya ang naka-off niyang cellphone sa kaniyang bag.

She has an urge to open it pero natatakot siyang mabasa o makita ang mga mensahe sa kanya na panigurado ay nanggaling kila Euzon, sa mga magulang at kuya niya at lalong-lalo na kay Gabriel.

Nagpakawala nalang si Marilyn nang malalim na buntong-hininga bago siya lumabas sa tinutuluyan niyang kwarto. Pagkaapak niya sa sala ay nakita niya rin doon sila Elaine, Julie at Archie na mukhang sasama yata sa kanila sa fiesta.

Napansin pa niyang natulala sa kanya sina Archie at Elaine nang makita siya ng mga ito.

"Wow, girl! Ang ganda ng ayos mo ngayon. Para ka talagang model dahil sa ganda rin ng figure mo!" Elaine compliments her.

"I'm a freelance model from Manila kaya I need to maintain my good figure." sagot naman ni Marilyn.

Alam na ng mga kaibigan ng kambal ang ginawa niyang paglalayas para lang hindi siya maikasal sa best friend niyang si Euzon. They feel pity for her at hindi siya hinusgahan ng mga ito sa ginawa niya. Kung hindi nga raw siya naglayas ay hindi siya makikilala ng mga ito.

"Kaya naman pala, e. Bagay talaga sa'yo ang maging model dahil ang tangkad mo pa. Halos kasing tangkad mo na nga 'tong si Archie." ani Elaine at itinuro nito si Archie na nakangiti naman sa kanya.

"Mas okay 'yon dahil bagay na kami ni Marilyn, 'di ba, Marilyn?" Archie joked na ikinatawa nalang niya.

"Anong bagay? Kung may babagay man kay Marilyn ay isa sa Monroe brothers 'yon. Huwag ka nang mangarap ng gising, Archie!" pambabara ni Elaine kay Archie na napasimangot dahil doon.

"Ang kill joy mo talaga kahit na kailan, Elaine Josefa! Hindi naman masamang mangarap, no!" sabi ni Archie na sinamaan ng tingin si Elaine na natawa lang sa ginawa ng lalake.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن