At syempre, sumunod naming inikutan ay ang Earth na siguro ang pinaka-cool sa lahat ng planets, dahil ang Earth ay napalilibutan ng maraming anyong lupa't tubig. Mula rito sa space, ang Earth ay mukhang blue marble na may white swirls. Ang ibang parts ay brown, yellow, green, at white. Ang blue part ay tubig. Sinasakop ng tubig ang karamihang part sa Earth. Ang mga puting swirl naman ay ang mga ulap. Ang color brown, yellow, at green parts ay ang lupain. At ang white parts ay ice at snow.

At sa Earth, may buhay. Ang cool, 'di ba?! Na sa lahat ng mga planeta, ang Earth lang ang nag-iisa talagang may buhay, kaya kailangan talaga alagaan natin ang Earth, kapag nasira 'yon, sira rin tayo't mawawalan ng cool na planet sa solar system.

Sabi nga ni Anonymous, "You are a guest. Leave this earth a little more beautiful, a little more human, a little more lovable, a little more fragrant, for those unknown guests who will be following you."

At imagine?!  Nakikita ko ang buong Earth mula rito sa bintana, ang cool kasi kapag nasa bahay ako sa Pilipinas, iisipin ko halimbawa—ang layo ng America't sobrang laki't lawak ng mundo—ang daming bahay, bansa, at tao. Pero mula rito sa bintana ng sinasakyan naming spaceship, mukhang maliit lang ang Earth, pero malaki pa rin noong lumapit kami nang sobra! Feeling ko kita ko na talaga mula rito ang The Great Pyramid of Giza ng Egypt. Napangiti ako, parang dati lang lagi kong tanong 'yon tuwing tinitingnan ko ang langit mula sa Earth.

Ang Earth ang home—tahanan nating lahat!

Hay, miss ko na tuloy bigla ang Earth. Pero sobrang nag-e-enjoy talaga ako rito sa space.

Mars ang sunod na inikutan namin. The Red Planet. Orange-reddish na may brown sa ibang part. Ito 'yung pinuntuhan namin kahapon na may alien! Napaisip tuloy ako, marami kayang alien sa Mars? Kasing rami kaya ng tao sa Earth?

At P.S. noong inikot namin, nakita ko rin ang hitsura ng Sun. Kahit mula sa malayo, mukhang sobrang init na talaga! Bilog na color yellow orange na tila ba nagniningas. Kapag nilapit namin itong spaceship namin doon, siguradong sunog kami. At sobrang laki ng Sun, sobrang laki na pwede magkasya roon ang 1.3 million Earths. Hindi ko rin masisisi, dahil ang Sun ang puso ng solar system. Kaya nga solar.

Sumunod ay inikutan namin ang Jupiter. Ang Jupiter ang pinakalaking planet sa buong solar system. May Great Red Spot sa Jupiter, kung saan iyon ay ang gigantic storm na doble ang size sa Earth, at nagpapatuloy pa rin sa loob ng mahigit isang siglo.

Ang kakaiba tingnan ng Jupiter, tila ba stripes stripes na pa-diagonal ang mga line. Ang mga color ay yellow, orange, white, brown. May four known rings ang Jupiter.

Saturn, color hazy yellow-brown. May seven rings ang saturn, tila may pa stripes stripes din, pero blurd motion ang hitsura. Ang Saturn ang second-largest planet. Parang turumpo! Hindi lang Saturn ang planet na may rings, pero ang rings ng Saturn ay ang pinakamalaki't pinakamalinaw kumpara sa rings ng ibang planets. 'Tsaka sabi, pwede raw lumutang ang Saturn sa tubig.

Uranus, vibrant blue-green hues—plain blue-green. Katulad ng Saturn, Jupiter, at Neptune, isa ring big ball of gas si Uranus. Gas at ice. May ring din ang Uranus, thirteen known rings. 

Ang last planet sa solar system at ang last planet na inikutan din namin ay ang Neptune. Sobrang layo niya sa Earth. Dark blue, malamig, at napaka-mahangin daw based sa mga nabasa ko. Motion din ang hitsura. Mayroong at least five main rings at four prominent ring arcs ang Neptune.

Pati ang mga dwarf planet katulad ng Pluto ay inikutan namin, maliit lang daw ang Pluto based sa mga nabasa ko rati't kalahati lang daw ng lapad ng United States. At pagkakita ko mula rito sa bintana, sobrang maliit nga lang talaga!

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon