Siguradong kanina pa sinet ni Keigo na pumunta kaming Mars pagkauwi namin galing Moon. Lagi naman siyang ganun, laging nangbibigla.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Keigo papunta sa front door, papalabas kami ng spaceship. Nakasuot ulit kami ng spacesuits. Imagine? Makakaapak na rin kami sa Mars! Feeling ko tuloy ako bigla ang bida sa binabasa kong libro.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko. Nang nasa tapat na kami ng front door, kusang bumakas 'yon at sinalubong kami ng hagdanan paibaba. Sa ibaba ng hagdanan ay ang rusty red na color ng surface, parang orange. Ito na, nasa Mars na ako.

Nang makababa si Keigo sa hagdan, humarap siya sa akin. Pinagmasdan niya ako. Siya ay nasa ibaba ng hagdan, ako ay nasa itaas ng hagdan. Bababa na rin sana ako kaso pinigilan niya ako, "D'yan ka lang muna."

Kahit nagtataka, nag-stay lang muna ako sa kinatatayuan ko. Saka siya umakyat ulit ng hagdan—lumapit sa akin. As in—malapit. May inaayos na naman siya sa likod, 'yung tank ulit siguro. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa kaniyang habang busy siyang inaayos 'yung tank sa likod ko. Nang natapos siya, tiningnan niya ako sa mata. "Ayusin mo lagi 'yung oxygen tank 'pag isusuot . . ." sabi niya. "Importante 'yon."

Napatango ako. "A-Ah . . . oo . . . Thank you," sabi ko, halos hindi na ako humihinga kasi ang lapit niya. Ramdam ko ang matinding pagkabog ng puso ko.

Tumango rin siya't tumalikod na, bumaba ng hagdan. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Chill, Heart. Kalma ka lang, Rhae. Si Keigo lang 'yon.

Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng hagdan, hanggang sa pareho na kaming nakaapak sa Mars. Feeling ko nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Hindi ako makapaniwala, parang kanina lang sa Moon kami nakaapak! Ngayon, sa Mars na!

Improving na talaga, medyo nasasanay na rin ako. Feeling ko sobrang adventurist ko na. Nakakatuwa naman, 'yung iba sa ibang bansa lang nakakaapak, ako mundo mundo na't planeta na ang tinalon.

Naiangat ko ang tingin sa langit nitong Mars, color tan ang color. Napangiti ako. Ang galing, sobrang magkaiba ang Moon at Mars. Halos puro orange-reddish rito sa Mars, ganoon ang kulay dahil sa rusty iron sa lupa nito.

"Austronaut Keigo," tawag ko kay Keigo, dahilan nang paglingon niya sa akin. Ngumiti ako. "Nandito na tayo sa Red Planet!"

Tumango siya't tumingin sa malayo, ang layo ng tanaw niya. Hinawakan ko ang camera na nakasabit sa leeg ko't sinimulang picture-an ang buong Mars. Sabi ng mga astronauts, ang Mars o kilala ring Red planet ang pinakasimilar na planet sa Earth.

Sabi, ang Mars ay mas katulad ng Earth kaysa sa ibang planeta sa solar system. Dahil parehong may mga valley, bundok, weather, season, mga bulkan, at pati na rin mga ice caps ang Earth at Mars. Kaya sumikat noon ang Mars, e, may mga theory din na may chance raw na pwedeng manirahan sa Mars.

Naka-bend ang mga binti ko, focus na focus ako't ang camera na hawak ko, kumukuha ako ng magandang anggulo ng picture. Kung saan kita 'yung langit nitong Mars at 'yung lupa. Kinacareer ko na rin talaga ang pagiging photographer. Syempre, once in a lifetime lang ako makakapunta rito kaya dapat may magandang picture!

Pipindution ko na sana ang shutter button dahil ang ganda na ng anggulong nakuha ko kaso biglang may sumulpot sa harap ko. Naialis ko ang tingin sa camera't napatitig sa kung anong sumulpot sa harap ko. Feeling ko tumalbog ang puso ko papalabas dahil doon. Napahakbang ako palayo.

Muntik pa akong madapa, buti na lang nasalo ako ni Keigo mula sa likod, buti nahawakan niya ang tank sa likod ko. Kaagad akong tumayo nang maayos, at nagtago sa likod niya na parang bata. "U-Uy," nag-p-panic kong sabi. "Tingnan mo 'yun, oh!" Tinuro ko kay Keigo 'yung kung-anong bigla na lang sumulpot sa harap ko noong nag-p-picture ako kanina.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon