"I really don't know And--"

"Shit!" Napalingon ako kay Anton na nadiskubre na ang kwarto. Nakatitig lang ako sa kanya nang pumasok siya. Nagkatinginan naman sila Ales at Carlo saka sumunod kay Anton na hindi na nagsalita pagkatapos pumasok sa kwartong nasabi. Sumunod ako only to see them gaping at my weapon room.

The name says it all.

Nakakabit sila sa pader at may glass door na nagsisilbing cover nila. May mga klase klaseng baril, bomba, may katana at mga klase-klaseng knives at syempre, hindi pwedeng mawala ang paborito kong kutsilyo na bigay sa akin ni Ate Cass. Mawala na ang lahat ng kutsilyo ko diyan, wag lang ang kutsilyong nagpapaalala sa akin kay ate.

Napapikit ako. Hindi ko kakayaning mawalan ulit ng Cassiopeia sa buhay ko. Hindi ko na kakayanin.

May tumapik sa balikat ko, "We'll find her, Andy. We'll get her even if it'll cost my life. You know I see the girl as my own daughter." Napalingon ako kay Anton at sa kaunaunahang beses pagkatapos nilang tangayin ang anak ko, I broke down.

"I'll die if something will happen to my daughter, Anton. Hindi ko na kakayanin. My daughter is the reason why I'm still living." Pagiyak ko. Hindi ako yung tipong nagbri-break down pero lahat pala talaga ng tao may limit. This is my daughter we're talking about.

Naramdaman kong may kumarga sa akin nang bridal style, "I'll bring her to her room. Check the tracker and inform us if there are any progress." Seryosong saad ni Anton

"Sleep, Andy. You'll need your strength when we're going to get your daughter." Ani Carlo. Tumango lang ako at siniksik ang ulo ko sa leeg ni Anton at patuloy na umiyak ng tahimik. I shouldn't be weak. I should be helping them track my daughter but I can't do it. My daughter is my life and whenever I thought about the possible dangers she would face because of me, pierced my heart like a dagger.

"We'll do everything we can, Andy. We're family." Dagdag pa ni Ales. Tumulo ang luha sa mata ko at nginitian si Ales, "Thank you," ani ko pero paos ang boses ko. Ngumiti siya pabalik at hinarap muli ang tracker habang si Carlo naman ay nasa harap ng computer at seryosong tinititngnan ang mga lugar na dinaraanan ng tracker nina Cassy.

Naglakad na si Anton at saka niya sinara ang pinto. They won't need the retinal scanner sa paglabas ang pagpasok lang ang problema. Inakyat ni Anton ang hagdanan papunta sa kwarto namin ni Cassiopeia. Nang makapasok na siya ay inihiga niya ako sa kama.

Never in my life I felt so weak. Kung tutuusin kung may magbabalak na patayin ako kapag ganito ako kahina ay magagawa nilang tapusin ang buhay ko ng walang galos dahil hindi ako makakalaban. Nilingon ko ang gilid ng kama ko at nakita ko ang unan at kumot ni Cassy. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko, "I'll find her. Sleep, Andy."

"I can't Anton. I can't sleep knowing that my daughter is somewhere and far from being safe." Umupo ako at niyakap ang kumot ni Cassy, "Umiiyak siya, Anton! Umiiyak aiya nang kunin siya sa'kin! At wala akong nagawa. Nasaan ang ilang taon kong pinagaralang mga skills? Nasaan?! Bakit nanatili akong walang magawa nang kunin nila ang anak ko?"

Pinunasan niya ang luha ko at napansin kong may luha rin sa mga mata niya pero hindi yun ang rason bakit ako napatitig sa mga mata niya. May determination doon. Determination for what? What is he planning?

"We'll get her. I promise you that. May kakilala ako sa UGS and they'll help me because it's the least they could do." Napakunot ang noo ko. UGS?

Halata namang napansin niya ang pangungunot ng noo ko, "The Underground Society, Andy." Nanlaki ang mga mata ko. No...

"Remember the reason why you're supposed to kill me?" Tanong niya at nagiwas naman ako ng mata, "Yes, because of your debt to B-inc."

"Now, that was plain bullsht. You were supposed to kill me because I told the Underground about Franco." Natigilan ako. Naguguluhan.

"Paanong kasali si Franco dito, Anton?" Alinlangang tanong ko.

"Remember when I once told you that you getting caught by the bulletproof incorporated was planned?"

"I still don't get your point." I lied. Wrong. I get it, I just don't want to accept it.

Napabuntong hininga siya, "Don't you get it, Andy? Bulletproof inc. is in alliance with Franco. They are playing with you!"

-----------

Dundundundun!

YES. To those people who is also reading my story 'Hunting Bullet' the underground society there is also the Underground Society na tinutukoy rito. Didn't expect that huh? Haha. At para sa magtatanong, yes, kasagsagan rin ng paghahanap kay Bullet ang time dito kay Andromeda.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now