Chapter 3

2K 42 2
                                    

Richard Carl's POV

Pagkatapos ng klase namin uuwi na sana ako nang may nabangga akong babae kamamadali ko at nadapa pa siya at halatang nasaktan siya ng sobra.. Ang mas ikinagulat ko nang makita kong si Rain pala yung nabangga ko.

Iniinda niya yung sakit dahil sa masamang pagtama ng mga tuhod niya sa simentong daan kaya dinala siya ng mga kaibigan niya sa clinic.. Nd ko alam kung anong gagawin ko. Nasa labas lang ako ng clinic dahil nag-aalala ko dahil kasi sa akin kaya siya nadisgrasya. Dinamay ko pa siya sa kamamadali kong makauwi..

Paglabas ni Kheyl Jass dali-dali ko agad siyang kinausap at tinanong ang kalagayan ni Rain.

"Mabuti naman na. Nakatulog na din siya. Anong oras na nga e baka hinahanap na siya ng parents niya.."

"Kasalanan ko 'to e! Hays! Pwede ko ba siyang makita? Gusto ko lang makasigurado sa kalagayan niya." Tanong ko kay Kheyl.

"A. sige.. Maiwan ko muna kayo. Cocontact-kin ko lang sila tita baka kase nag-woworry na sila." Sabay alis ni Kheyl Jass.

Dali-dali naman akong pumasok para makita ang kalagayan ni Rain dahil sobra akong nag-aalala sakanya.. Dahil kahit san ko tignan ako ang may kasalanan.

Pagpasok ko nakita ko na siyang nakahiga at mahimbing na natutulog. Agad kong nilapitan si Rain at tumabi sa upuan na nasa gilid ng kama niya..

Ang amo ng mukha niya.. Parang anghel sa sobrang payapa niyang matulog.. Tinitigan ko lang siya ng tinitigan ng mahawi ng paningin ko ang mga labi niya.. Ang pupula nila. mukhang malambot.. Gusto ko siya mahalikan..Hahalikan ko sana si Rain ng makita kong medyo dumidilat na siya nagulat ako ng bigla siya nagsalita at halatang gulat na gulat...

Rain Shanel's POV

"B-bakit k-ka nanditooooo!!!!??" O_O sigaw ko ng makita ko si Richard na malapit ang mga mukha niya sa mukha ko.. Parang namula ako ng makita ko siyang ganon kalapit sa mukha ko..

DUG DUG DUG DUG....

---------

Shit! bakit ganito yung puso ko. Para akong kinakabahan na nd ko maintindihan..

Dali-dali nman siyang lumayo at umayos ng upo....

"A.... e....... Kasi anoo..". Pautal-utal na paliwanag ni Richard sakin.

"Ano nga kasi!!! Bakit ka nandito? Bakit ang lapit ng mukha mo sakin ha?!!! Nasaan ako!"

"Nadapa ka kanina.. Remember?" sagot ni Chard sakin.

"O? e bakit ka nga nandito? San si Kheyl Jass ha! May balak kang masama no?!!! Walang hiya ka talaga!!" Sabay hampas ko ng malakas kay Chard dahilan para tumayo na siya...

"Ano ka ba! Nandito ako dahil nag-aalala ako sayo."

"Wow ha! sinaniban ka na ba? himala yata!!! Kaylan ka pa natutong mag-alala sa akin?!!"

"Nandito ako kasi ako ang nakabangga sayo...." Malumanay niyang sabi sa akin.

Nd pa gaanong pumapasok sa utak ko yung sinabi niya...

Pero nung naintindihan ko na ,bigla akong sumigaw...

"AAAAAHHHHHHG! Walang hiya ka! Malas talaga ko dahil sayo. Lagi mong sinisira araw ko!!!!! Unang araw ko plang to sa 4th year nag kaganito na ko. Hays!!!" Maiyak-iyak kong sigaw dahil sa sobrang inis ko sakanya..

Ang sama niya! Nd na maganda tong trip niya! Baka dahil pa sakanya kaya mamamatay akong nangmaaga nito..

"Kaya nga ko nandito para mag-sorry e" Nakita kong sincere siya sa sinabi niya pero nd ko tatanggapin yun!

"I DONT NEED YOUR SORRY!!!"

Kheyl Jass's POV.

Tinawagan ko na si Tita para mapasundo na kami dito sa school ng driver.. Alalang-alala si tita sa nangyari kay Rain. Pabalik na sana ako ng marinig kong sumigaw si Rain kaya dali-dali akong tumakbo.. Pagkadating ko nakita kong inaaway ni Rain si Richard kaya pumagitna na ko bago pa lumala ang lahat..

Ayaw akong pansinin ni Rain kaya sumigaw na ko..

"TAAMAAAAAAAA NAAAA!" Sigaw ko sakanila...

Nang tunahimik na sila agad akong nagtanong...

"Ano ba nangyayari dito a?! Bakit ka sumisigaw?"

"Dahil dyan! Dyan sa walang hiyang lalaki na yan.! Dahil sakanya kung bakit ako nagkapilay! huhuhu. May training pa naman ako ng volley ball.. Paano na?" Paluhang sabi ni Rain.

"Kaya nga ko nag-sosorry e.. Nd ko naman sinasadya e."

"Wala akong pakialam! Umalis ka na dito!!!!!"

"Tara na Kheyl umuwi na tayo panigurado nag-aalala na sila mama.."

Tinungo nanamin ang parking lot at umuwi na...

KINABUKASAN...

-------

Rain Shanel's POV

Pagpasok namin sa school nahihirapan akong maglakad dahil nga sa nangyari sa akin kagabi.. May pinagkakaguluhan yung mga tao dun nagkukumpulan sila tapos may isang babaeng tumingin sa akin ng para bang nasasabik tsaka siya sumigaw..

"Ayan na si Rain!!" sigaw ni Girl 1

Wow ha. Himala yata.. Naging sabik sila sa pagpasok ko.. Ano kayang meron? Well maganda kasi ako eh. Joke!

"O M G!!! Ayan na siya.." Girl 2

Pero nd ko na sila pinansin dahil wala akong sa mood kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin na lalaki.

Tumingin naman ako sakanya.. pagtingin ko si Richard na may hawak ng White Roses.. At may mga taong nakahawak sa malaking banner na ang nakalagay 'IM SORRY RAIN SHANEL DECS'

What the heck! Anong kalokohan nanaman to?!! Ayoko sa lahat nagiging sentro ko ng atensyon ng mga tao at lalo na ng mga estudyante dito sa Savio. Pagdating lang sa Volleyball ako napapansin ng marami. MVP ako ng Volleyball team namin pero yung ganitong atensyon ang ayaw ko..

Lumapit si Chard sa akin na may halong lungkot ang mukha.

"Rain nd ko talaga sinasadya yun. I'm sorry na talaga.. Please forgive me.."

Sabay talikod ko naman at dare-daretsong naglakad kahit masakit ang mga tuhod ko dahil sa kagagawan ng lalaki na yan.. At ngayon ang lakas ng loob niya mag-sorry sa akin..

Narinig ko pang sumigaw si Richard..

"IM SORRY TALAGA! PLS NAMAN O"

------------

A/N :

nd ko na kayang mag-type.. kahit sa phone lang ako nagta-type masakit at nakakangalay padin...

well.. medyo mahaba na to. :)

-Shaunessy Alexis

My heart is yours (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon