Chapter 25 (Step up)

Start from the beginning
                                    

Mich's POV

6:30pm andito ngayon si Jade. Ewan ko tutulungan daw niya ko pumili ng magandang isusuot para dun sa 'date' namin ni Liam. Parang kinakabahan ako na excited. Ba't ba ko naeexcite? Hindi kaya——

"Eto!!" naputol yung iniisip ko ng biglang nagsalita si Jade. Mga 20 minutes ata siyang nahahanap sa closet ko para pumili ng isang dress. Nilapag niya yun sa sofa na malapit sa kama ko. Yung sofang humiga si Liam at binantayan ako. Napangiti na lang ako dahil naalala ko yun.

"So?" sabi ni Jade. Hinihintay yung sagot ko.

"Woah, hindi ko pa ata to nasusuot ah. Bigay to ng mama ko last year." blue dress siya. Bumabagsak hanggang sa tuhod ko and sleeveless (GUYS YUNG DRESS NASA ITAAS, OKAY?)

"Bagay sayo yan! Ako na ang magaayos ng buhok mo. Ngayon, bihis ka na!!" sabi ni Jade sabay tulak sakin papuntang bathroom.

"Teka. Kalma ka lang. 8pm pa ko susunduin ni Liam."

"Eh basta" hinayaan ko na lang at sinuot ko na yung dress. Lumabas na ko at pumasok uli sa kwarto ko.

"Wow, bagay nga sayo, Mich! Tara lika dito aayusan kita ng buhok." Nag shrug na lang ako at umupo sa harapan ni Jade.

AFTER 40 MINUTES

Nilagyan ako ng blush on ni Jade at maya maya ay nag clap siya.

"Omg ang ganda mo!" sigaw niya. Tumawa lang ako.

Naka braided waterfall with curls yung buhok ko. Mas bagay daw sakin nakakulot eh. Then nag light make up lang siya sakin. Niyakap ko si Jade at nagpasalamat.

"Eto, oh." Inabot niya sakin yung black na purse ko at silver heels na may ribbon sa taas.

"Ready ka na ba?!" mas excited pa siya kaysa sakin. Tumawa ako at tumango. Maya maya may bumusina.

"OMG ANDYAN NA SI LIAM!!" Sigaw ni Jade. Baliw talaga to. Naunang bumaba si Jade at maya maya ay bumaba na din ako. Nakita ko na nag uusap sila sa sala. Napatingin ako kay Liam. Woah, ang gwapo niya. Naka tuxedo siya then may dala siyang red rose. Napatingin siya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nanlaki yung mga mata niya at nagsmile. Maya maya ay nagblush siya. Natawa dito si Jade.

"Cute naman ni Liam. Lagi na lang nagb'blush." Natawa ako at mas lalo pang nag blush si Liam.

"Grabe, Mich ang ganda mo." Nag thank you ako at inabot niya sakin yung red rose.

"Tara na?" tumango ako at nagpaalam na kami kay Jade.

"Ingat!!!" sigaw niya at sumakay na kami sa sasakyan ni Liam.

"So saan tayo?" tanong ko habang nagd'drive siya

"Sa totoo lang hindi ko din alam eh." Tumawa siya at tiningan ko lang siya. Huh?

"Si Louis kasi yung nagplano nito...."

"Ahh"

"Pero hindi ibig sabihin na parang napilitan lang ako o—-" tumawa ako at nagblush si Liam

"Liam okay lang." tumango na lang siya at every now and then tumitingin siya sa phone niya para malaman kung saan kami pupunta. Tinext daw kasi ni Louis yung directions eh.

Mga 50 minutes na siyang nagd'drive hanggang sa tumigil siya. Napansin ko na medyo madilim at puro mga puno yung mga nasa paligid namin. Wait, nasa gubat kami?!

"Nak ng——" hindi natapos ni Liam yung sasabihin niya kasi may biglang kumatok sa pintuan ko. Nagulat kami at maya maya ay nakita namin na si Louis lang pala. Kumaway siya samin at sumenyas na lumabas kami. Hay, ba't ba ang weird ni Louis?! Bumaba kami at nakita namin na si Louis na naka tuxedo din pero yung pang waiter. May white cloth din siya sa left na braso niya. Yung pang servant na porma na ewan. Natawa lang ako dito.

"Good evening Sir, Mam. Please follow me for an adventure!" pinipigil kong tumawa habang si Liam naman parang naiinis na ewan.

"Anong adventure?! Pinapunta mo kami sa gubat para sa adventure?! Ayoko." Nag pout si Louis.

"Ang KJ neto. Dali na kasi. Promise, magagandahan kayo sa makikita ninyo." Mukhang ayaw pa din ni Liam.

"Dali na Liam, please?" nagpout ako sa kanya at medyo nag soften yung expression niya.

"Sige na nga." Ngumiti siya at ngumiti din ako sa kanya.

"Okay, then. Please follow me!" tuwang tuwa si Louis at si Liam naman ay umiling.

"Isip bata." Bulong niya sakin at natawa naman ako dahil dito. Sinundan na lang namin si Louis.

OHHHHH ano kaya pinaplano ni LOUIS?! VOTE AND COMMENT Xxx btw, may mga directioners ba dito?! Xx

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Where stories live. Discover now