Chapter 2: Almost died

130 4 0
                                    

Daun's POV

Finally! Nakauwi na din akooo! Walang hassle! 1 day left at pasukan na! Urghhh, grabe. Ba't ganun? ang bilis ng panahon. Parang kanina lang, nasa province ako tapos bukas papasok na 'ko.

Currently, nakahiga ako sa kama ko, nag iisip ng malalim.

"Pano kaya kung humanap akong kaibigan? Nakakalungkot kasi kapag mag isa lang. Walang makausap. Saka wala naman akong kilala unless pumasok ako sa MIU." bulong ko sa sarili ko.

Napakalaking pag tataka sa'kin kung bakit wala akong maalalang kakilala sa mundong 'to. Si Secth at Kuya Daniel lang yung naaalala ko. Yung Secth, nakilala ko sa beach. Muntik ko na nga syang makalimutan e. Pero, hahanapin ko talaga sya sa MIU para humingi ng tawad.

Nagiisip pa rin ako habang tine-trace yung pangalan ko sa stars sa kwarto ko, galaxy kasi wallpaper ng room ko.

Dahil sa pag iisip ko. I felt thirsty. Nagke-crave ng caramel coffee yung tyan ko. Since walking distance lang 'tong café na 'to, nilalakad ko nalang.

May nagtext, ibang number naman, unregistered parin. Eto sabi.

From: 0926*******

Hoy Daun, magkita tayo sa Unknownlyness Café. May mahalaga akong sasabihin sa'yo. Urgent to. Kaya pumarito ka. Ngayon din!

-X.

Huh? X? Bakit? Sino sya? Bakit urgent? Gulong gulo yung muka ko while walking papuntang Unknownlyness. Kasi dun talaga ako papunta. Nahihiwagaan ako. Sino sya? Kakilala ko ba sya dati? X? Xairus? Xoro? Xonny? Ayokong manghula. Haha, pero bakit ganun sya? Ang FC nya! Para naman syang may awtoridad sakin! Ano ko ba sya? Baka mamaya modus 'to ng mga rapist, kidnapper o kaya ng mga sindikato!

Nakakakilabot naman mga tao ngayon. Ganto ba talaga sila bago ako maak—.

Biglang sumakit ulo ko. Kwento kasi sakin ni nanay Mary may sakit daw ako malala. Pag nagiisip daw ako ng sobrang lalim may posibilidad na lumalala 'to.

Ang alam ko kasi, magaling na 'ko. Sabi nila e, kaya siguro okay lang na magduda ako ng sobra.

Ayoko ng tumuloy sa Unknownlyness. Baka mamaya kunin na 'ko nung X. Ayoko pang mamatay! Madami pa'kong pangarap sa buhay!

"Welcometo Unknownlyness ma'am!"

Huh?! Welcome? W-welcome?! Waaaah! Nilakad ako ng mga paa ko sa Café?! This can't be happening!

Tatakbo na sana ako paalis ng, "San ka pupunta Daun?" "Dito kalang." Biglang may humawak sa braso ko ng lalo akong kilabutan ng todo.

Ayoko naaa.

"Ate! Ate! May kinalaman ba ka'yo dito?!" Sabi ko dun sa nagwelcome sa'kin. Pero di nya 'ko pinansin! Siguro nga pinagusapan na nila 'to!

—-

Xery's POV

"Ate! Ate! May kinalaman ba ka'yo dito?!"..

Parang sabog 'tong si Daun! Parang may mali sa kanya.

"HOY DAUN! ANONG PINAGSASABI MO? HINDI KITA AANHIN! FEELING KA!"

Sabi ko, kasi ayaw kumalma! Parang nakakita ng sindikato! E kababata ko sya! Eengot engot 'tong si Daun!

"Sinokaba?! Hindi kita kilala"

Tama ba yung narinig 'ko?

"Sino ka ba?! Hindi kita kilala"..

"Sino ka ba?! Hindi kita kilala" ..

"Sino ka ba?! Hindi kita kilala" ..

Paulit-ulit ko syang naririnig sa utak ko. Ang sakit. Talaga bang hindi nya 'ko nakikilala? Or naaalala? Ako yung nasa beach! Xery Secth! Bakit? May nahahalata na 'ko sa kanya.

Nung una, hindi man lang nya ako binati na parang magkakilala kami.

Pangalawa, hindi nya parin ako makilala.

Tinignan ko sya sa mata nya, na yung tipong nahihiwagaan sya! Parang sino-ba-'to-parang-ewan-di-'ko-naman-kilalalook.

Hinila ko sya ng walang sinasabi na kung ano.

"Daun, ako si Xery." Sabi ko. Para malaman nya kung sino ako. Sa ka gwapuhan kong 'to di nya 'ko maalala?

"Sino kaba?! Pakawalan mo 'ko!" Hindi nya talaga ako naaalala. Nagpupumiglas na parang kinidnap. Ugh.

Hindi ko sya sinagot.

"Sino ka ba ha! Hoy! Sagutin mo 'ko!" Gusto mo pala ng sagot ha!

"Oo. Sinasagot na kita!" Gusto mo ng sagot e, yan. Sana satisfied ka na.

Naiinis ako dahil kahit kapirangot na alaala kahit yung sa beach hindi nya 'ko marecognize! Nakakayamot! Nakakaiyak! Nakakamiss! Gusto ko syang iyakan pero wala namang magagawa ang pagiyak. Kaya sige, hahayaan ko nalang muna sya.

"Daun, you ALMOST DIED."

Sabay alis sa coffee shop.

Not Again!?Where stories live. Discover now