Napatingin kami sa may mga bata dahil sa ingay nila at parang may nangyayari. Nagmadali akong lumapit, Nakita ko rin si Jhezter at Serenity na tumakbo.

Nakita ko si Sierra na masamang nakatingin sa isang bata na puno ng cake sa mukha habang umiiyak.

"Jhessa! Baby, what happened? Yaya! Yaya!" Sigaw ni Jhezter habang nakaluhod na sa anak-anakan nito.

Nilapitan ko naman si Sierra na masama pa ring nakatingin kay Jhessa.

Tumingin ako kay Raya para magtanong pero mukhang nage-enjoy ito sa kung ano man ang nangyari dahil nakaupo pa rin ito.

"D-daddy binato niya ako ng cake tapos hinila pa niya ang buhok ko," umiiyak na sumbong ni Jhessa.

"You're an ugly liar!" Galit na sabi ng anak ko na nilagay ko sa likod ko dahil hinarap na siya ni Jhezter.

"Bakit mo sinaktan ang anak ko?" Seryosong tanong ni Jhezter kay Sierra.

"Did you see me hit her?" Tanong ng anak ko.

Huminga nang malalim si Jhezter at tumingin sa emcee. Hindi ko na rinig kong anong sinabi nito at lumapit sa akin.

"Let's talk inside," Sabi nito.

Pagdating namin sa loob kinandong ko ang anak ko.

"Hindi mo talaga tinuturuan ng tama ang anak mo," pasaring ni Serenity sa akin kaya tinignan ko ito.

"Ikaw naturuan ka ba ng Ina mo ng Tama? Away bata nakikialam ka," saad ko dito.

"Enough! Serenity leave us-"

"Pero-"

Napangisi naman ako ng tinignan lang siya ni Jhezter sumunod na agad.

Parang aso.

"Sierra baby, what happened?" Tanong ko.

"I don't know, Mom. Kids are praising me, they said I'm so pretty tapos bigla na lang niyang hinila ang buhok ko po. She said I'm not invited and I should leave. She humiliate me that's why I grabbed her hair tapos tinulak ko sa kanya 'yung cake," paliwanag ng anak ko. "She's insecure."

Tinignan ko si Jhessa na umiiyak pa rin.

"Is that true?" Tanong ni Jhezter kay Jhessa. " You know I hate liars, Jhessa. Tell us the truth."

"I'm sorry, Dad."

Dad? Wow! The nerve!

Tumingin ako sa anak ko na umiiyak sa dibdib ko.

"Hey, why are you crying?" Tanong ko Dito.

Apat lang kami dito na natira at nag-uusap.

Nagulat ako ng lumuhod sa harap ko si Jhezter.

"Hey, baby. It's okay," pag-alo nito kay Sierra. "Jhessa say sorry to her."

"Pero-"

"I said say sorry," utos nito.

"Sorry," Sabi ni Jhessa at tumakbo na Paalis kaya naiwan kaming tatlo.

"Sierra, come here. Hey stop crying I'm not mad," malambing na sabi ni Jhezter na naka-upo na sa tabi ko at kinuha si Sierra sa kandungan ko.

Lumayo ako ng kaunti sa pagka-upo dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kumurot sa puso ko habang nakatingin kay Sierra sa kandungan ng ama niya.

"Y-you are mad at me," bulong ng anak ko.

Hindi naman iyakin si Sierra kaya nagtataka ako ngayon. Siguro nakaramdam siya ng kakaiba dahil ama niya ang kaharap, kahit wala silang alam pareho.

"I'm not mad at you, Baby. Stop crying na sige ka papangit ka niyan."

"I'm pretty po."

" You are gorgeous like your Mom," banat ni Jhezter kaya napatayo ako.

Wala akong maalala tungkol sa kanya pero grabe ang epekto niya sa akin.

Kinakabahan ako habang kaharap siya. May kirot na gusto kong umiyak, hindi ko alam kong bakit.

"Are you okay?" Tanong nito sa akin.

"Nahihilo lang ako," sagot ko.

Gusto kong magmaldita pero may pumipigil sa akin na gawin 'yun.

"You wanna stay in my room para makapagpahinga ka? Ako na Ang bahala kay Sierra," alok nito.

"Rest, Mommy. I'm okay with da- Tito Laurence," sabi ni Sierra na nakangiti na.

"Laurence, hmm. I don't allow anyone to call me that-" bulong nito. "Pero sayo okay lang. You are so cute."

Jhezter's pov

May kakaiba sa mag-inang Dela Vega. Ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa. Nakaramdam rin ako ng saya habang hawak ko si Sierra.

"Tito Laurence, I want that big stuff toy!" Sabi nito.

"Sure, you can have it." Sabi ko at binigay ang malaking stuff toy na regalo ko sana kay Jhessa.

"Thank you po."

Hindi ko rin mapigilang tumitig kay Railey.

Love at first sight? Matanda na ako para dyan!



Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now