Chapter 7

104 50 0
                                    

Sumakit bigla ang ulo ko pagbangon ko mula sa pagkakahiga. Napalingon ako sa paligid at napagtantong nasa kwarto ako ng condo ko.



Hindi ko masyadong matandaan ang mga nangyari kagabi kaya sinigaw ko ang pangalan ni Yella.



Agad namang bumukas ang pinto, tanda na pumasok na siya.



"Mabuti nama't gising ka na, bakit magkasama kayo kagabi!?" Sigaw niya kaagad at naupo sa couch. Nakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.



"A-Ano bang nangyari?" Tanong ko habang hawak ang ulo ko at nakapikit. Medyo nasusuka pa 'ko pero pinigilan ko nalang.



"Hindi mo maalala!?" Umiling ako.



"Well... inaalalayan ka ni Ethan kagabi sa bar tapos nakita ko kayo, binigay ko sa kanya ang susi ng kotse mo at hinatid ka namin dito." Pagku-kwento niya.



Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatingin sa kaniya na nakataas ang isang kilay.



"Binuhat ka pa nga niya at ibinaba diyan sa kama mo dahil hindi mo na nakayanang maglakad, siya na rin ang nagtanggal ng heels mo at nagkumot sayo. Nakakahiya nga, e," Dugtong niya pa na mas lalo kong ikinabigla.



"H-How about his... girlfriend? Alam niya ba?" mahinang tanong ko.



"Nagpaalam si Ethan sa kaniya at sinabi niyang may pupuntahan lang siya sandali, pero duda ko, nakita niya kayo." Napabuntong-hininga nalang ako.



Ano ba kasing kahihiyan ang ginawa mo, Nadia!?



At sa lahat ng taong pwedeng makakita sa akin sa ganoong sitwasyon, si Ethan pa talaga!?



Nag-ring ang phone ko, I picked it up and saw Miguel's name on the screen.



"Hello?"



"Hey Nadia, thank God you answered my call. I am so worried about you, how are you?" Nag-aalalang tanong ni Miguel.



I feel so ashamed for what I did last night. My reputation and career were on sake. Dapat hindi ko pinaiiral ang pagiging tanga ko.



My gosh, I am being fooled just because of love.



"Uhm... yeah, don't worry, I am fine, and I just want to say sorry for what happened last night."



"Yeah, it's okay. But if you have problems, I am here, you can tell me," diretsahan niyang sabi.



"Thank you, Miguel. Anyway, I need to call Direk Chris, bye," I ended the call. Tinawagan ko si Direk Chris para makapag-sorry din sa kanya.



"Ano? Nakapag-usap ba kayo kagabi?" Tukoy ni Yella kay Ethan.



Masama ko siyang tiningnan. "Hindi ko nga maalala 'di ba?" Inirapan niya lang ako.



"At tsaka... ano namang pag-uusapan namin?" dagdag ko.



"Ano pa ba, edi 'yung nakaraan niyo," sagot ni Yella. Nakangiwi akong tumingin sa kaniya. "'Di ba nga sabi mo... mahal mo pa siya,"



"May nobya na 'yung tao, hindi naman ako desperada na mang-agaw ng nobyo ng iba,"



"Kung pwede nga lang, sana hindi na magtagpo ang landas namin," mahinang sambit ko.



"Wow," Yella made a face.



"Bumangon ka na nga riyan, kumain ka na!" parang nanay na saad niya.



Sabay na kaming kumain at pagkatapos ay nanood lang kami ng movie sa condo.



I heard a knock on the door. Inutusan ko si Yella na tingnan kung sino ito. Asyumera ba 'ko kung iisipin kong si Ethan 'yon?



"May invitation ka," Ibinigay niya sa akin ang puting envelope at saka ipinagpatuloy ang panonood ng movie.



It's a wedding invitation from a close friend in college na minsan ko nalang din makausap ngayon. Sa isang linggo ang kasal at ang venue ay sa Palawan.



My schedule next week is empty, kaya makakapunta naman ako.



"Yella, samahan mo 'ko sa isang linggo." Mabilis siyang lumingon sa akin.



"Ano!? Hindi ako pwede, eh, may date kami buong week ng boyfie ko," nakangusong sabi nito.



"May boyfriend ka na?"



"'Yung nakilala ko sa bar," ngumiti siya sa 'kin.



"Ni hindi mo pa nga nakikilala nang lubusan 'yon, bumigay ka na" saad ko. "Ano? Dahil gwapo?"



Inirapan ako ni Yella. "Hindi ko pa naman totally boyfriend! Kaya nga may one week kami para kilalanin ang isa't isa, tsaka mabait siya!" Nakangiting sabi niya at animo'y kinikilig.



"Nako! Kapag ikaw sinaktan niyan, sinasabi ko sayo!"



"Tumigil ka nga! Bitter mo rin, eh 'no? Palibhasa 'di ka pa nakakamove-on kay Ethan Paul Mendez!" Napahalakhak pa siya sa sinabi niya.



Sarkastiko akong napatawa. "Tumigil ka rin! Loka-lokang 'to! Che!"



Iniwan ko siya roon at naglakad
papunta sa kwarto ko.



"Ang pikon ng Nadia!" Inirapan ko lang siya.



Pero hindi ko naman ide-deny, alam kong hindi pa rin ako nakaka-move on.

State Of The Present Where stories live. Discover now