17 - Against The Wind

Depuis le début
                                    

"Sino bang may ayaw?"

"Anong kulay gusto mo?"

"Hmm, red?"

"Bakit red?"

"Ang rami mo namang tanong, gagawan mo ba 'ko?"

"Kung bibigyan mo pa ko n'yang chicharon, syempre oo."

Sinimangutan n'ya ito pero binigyan lang rin naman. Tumawa si Nathaniel sa harap n'ya at bahagya pang tumalsik sa muka n'ya ang mga chicharon na nasa bibig nito. "Kadiri!"

"Itabi mo muna yan d'yan. Pagabi na. Hintayin mo ko dito, tapos papalipadin ko 'to doon!" Tinuro nito ang langit na malapit sa dalampasigan.

"Hindi mo 'ko tatakbuhan?"

"Psh, ano ko, ikaw?"

Inantay nga ni Mercia ito, nakatingin lang s'ya sa kalangitan at pinanuod ang pagbabago ng kulay, ang pag lipad ng mga ibon. Hanggang sa may lumitaw dito, kasama ng mga lumilipad na ibon, isang saranggolang pula, gawa sa pinagtagpi tagping plastic at kahoy. 

Mabilis ang pag lipad nito, nauungasan ang ibang saranggola, maski ang ibon ay sumasabay dito. Naningkit ang mata ni Mercia at napahagikgik! Ang ganda ng saranggola n'ya!

Nathaniel's smiling while running, the echo of Mercia's smiles, the stares of Jam-jam innocent's eyes into the kite flying.

Their innocence is brilliant.

Sa paglipas ng panahon ang mata nila'y nagbago. Napuno ng mga hinagpis ang dati kung inosente makatingin na mata ni Jam-jam. Hindi na lang sa paltok ng papel nagtatago si Nathaniel, at hindi na lang pagpapalipad ng saranggola ang gusto ni Mercia.

She wants to be the kite now, the kite that fights against the wind. Gusto n'yang maging malaya. Pero sa edad n'yang Thirty huli na.

Nakapangalumbaba parin si Mercia na nakatingin sa tindahan nila. Sabado. Wala ng mga bata ang naglalaro hindi katulad noon. Paano ay halos lahat ay tutok nalang sa gadgets.

"Hapon na, naka simangot ka parin?"

Puna ni Nathaniel. Sa likod nito si Jamjam, nakasuot ng spaghetti top at maiksing denim short that makes her boobs and buttocks emphasize. Her body her rules daw.

"Wala kang school ngayon?" Tanong ni Jamjam na tumayo sa harap n'ya. Gone was the eyes that sparkles, puno nalang iyon ng eyeliner.

"Bobo ka ba, sabado ngayon." Puna naman ni Nathaniel, nakahubad ang t-shirt kaya kitang kita ang lumubo nitong tyan sa kaka-siba.

"Thirty na 'ko." She randomly said.

"Ba'y happy birthday. Sorry wala pa kong pang regalo."

Mercia scoffed, "I mean matagal na kong thirty!"

"Oh? Mga ilang taon na?" Nathaniel asked in a clueless tone but joking.

"I mean kasi, matagal na kong thirty pero eto parin ako! Eto parin tayo! Lintek, sabi ko mag aaral ulit ako. Pero ano na??"

"Hoy, saatin nga ikaw ang pinakaasensado eh."

Lalo s'yang napasimangot. "Pero ako ang pinaka miserable. I'm stuck in this routine for whole eight years! Hindi 'eto ang gusto ko..."

Nathaniel just looked at her. Mayamaya ay napatingin sa kalangitan, bumuntong hininga at ngumiti. "Nakapatayo ka naman na ng bahay ah."

"Pero hindi ko parin nakukuha ang gusto ko."

Nilingon s'ya nito. "Ano bang gusto mo?"

"Maging doctor..."

"Lintek, taas naman pala ng pangarap mo." Puna ni Jam.

"Eh di kwarenta na ako kung mag aaral ako ngayon? Eh ang kaso nga kulang pa ang naipon ko at inatake si Papa!" Yamot nitong sabi.

Bumuntong hininga ulit si Nathaniel. "Alam mo naniniwala na ako na patanda ng patanda ang tao, pataas ng pataas ang pride nila."

"Huh?"

"Tumataas ang standards natin sa kasiyahan, paano marami tayong nakikita na ganito, maraming nakikita na ganyan. Na umaabot sa puntong hindi natin nakikita kung anong meron tayo."

"Noong bata ka pa lang, halos maiyak ka noong pinalipad ko saranggola mo kahit hindi ikaw ang lumilipad. Anong nangyari sa mga munting pangarap nating natupad at kinalimutan na agad?"

"Matuto kang tumingin sa kung anong meron ka. Hindi ka man Doctor, nandyan pa rin ang Papa mo. Hindi ka pa man nagiging Doctor, hindi parin huli ang lahat para makapag ipon ka. May tyansa ka pa, hindi katulad ko na hindi ko na maibabalik ang mga panahon na pwede ko pang masalba ang anak ko. Kung hindi ko tinaguan si Gwen, buhay pa siguro ang anak namin... Kaya ikaw, matuto kang magpasalamat, matuto kang makinig, matuto kang tumingin. Simpleng mga gawain na nakakalimutan kapag tumatanda na. 'Wag kang gagaya dito." Tinuro nito si Jam-jam. "Na imbes labanan ang takbo ng buhay, nag pa agos, nalunod sa kahalayan."

Umirap si Jam-jam. "Ano ba naman kung mataas ang pangarap n'ya ngayon? Mas mabuti nga yun kasi may gusto s'yang hangarin."

"Pero nakakalimutan na n'yang ipagpasalamat ang mga bagay na tunay na importante. Katulad mo lang Jam."

"May mga pagkakataon rin kasi na kung ano yung importante, yun pa yung lalayo sa'yo. Hindi mo yan pwede i-apply sa lahat, kasi minsan, hindi lang nila 'nakakalimutan' ang importante. Nawawala rin iyon."

"May importante tayong hinding hindi mawawala, Jam."

"Ano naman?"

"Ang Diyos."

"Pftt."

Natatawa ito pero pinagpatuloy parin ni Nathaniel ang sasabihin. Si Mercia naman ay napaisip. Oo nga no...

"Ang punto ko lang naman ay maraming mga bagay ang kailangan nating ipagpasalamat bago tayo mag reklamo. Bago mag higanti tignan muna ang sarili. Bago malungkot tignan muna ang pamilya, kung sila ang dahilan ng kalungkutan, tignan mo ang Diyos. Mga simpleng grasya ang binigay sa'tin. Nakakahinga tayo, nakakakita, may tenga may paa."

"...at! May regalo pa kami Sa'yo, Mercia."

Tumaas ang kilay n'ya sa biglang intro ni Nathaniel. "Ano?"

"Charaan." Tinaas nito ang saranggolang pula. Mula parin sa pinagtagpi tagping plastic at kahoy pero mas maayos at malinis na.

Natawa si Mercia, pero katulad ng sinabi ni Nathaniel kanina. Isa ito sa mga ipagpapasalamat n'ya.

"Bakit may pa ganyan?"

"Celebrating your 8th year sa pagtuturo! Sana katulad ng saranggola ay malaya kang lilipad sa agos ng buhay pero hinding hindi bibitaw sa pisi na dahilan ng pagpursigi mo. Mercia."

"At ikaw, Jam. Ikaw naman na nito ang magpapalipad."

"Huh? No! Pambata lang yan!"

"Yang suot mo pang sexy lang rin yan, kaya quits."

Nakasimangot man, weird man, ay tinanggap nalang ni Jam ang pisi.

"Ayaw n'yo bang ako nalang ang mag palipad ng saranggola?" Asked Mercia.

"Hindi pwede! Walang bantay sa tindahan!" Namamaos na sigaw ng tatay n'ya.

Natawa s'ya. Saka n'ya napagtanto, wala man s'yang eroplano na pinapalipad, bagkus ay saranggola lang. Wala man s'ya sa propesyon na ninanais, nawalan man ng kulay ang mga mata ni Jam na ngayon ay nagkabuhay sa pagtakbo at paghabok ng saranggola... at hanggang ngayon ay pinagdadasal parin ni Nathaniel ang anak n'yang namatay ay... patuloy parin ang pag ikot ng mundo.

Sa lawak ng mundo na kinabibilangan n'ya, napakarami palang kailangang ipagpasalamat kay'sa ipagreklamo. Siguro kung bababa lang sila ng kaunti mula sa pantasya nilang perkpekto na mundo ay makikita nilang may kagandahan sa hindi perkpektong hulma ng buhay.

And just like the kite, they are nurtured, they are tough to go against the wind, if the string attached is from the God that will never let you go.

A/N:

Sabaw Days number three. HAHAHAHAHAA

One Hundred FiftyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant