"I miss hugging you, Sammybear!" Gigil na saad niya, mas lalo pa akong niyakap nang mahigpit.

"A-aray! Hin..di a-ako makahinga!" I complained because of her tight hugs. Grabe naman kasi 'to manggigil!

"I'm sorry, namiss lang naman po kita, eh,"

Cute cute naman lola na 'yan, pero ansakit pa rin! Para akong marshmallow na napirat dahil sa batang pinanggigilan, naipit pa 'yung bubelya ko 'no.

"Huwag masyadong manggigil Irene hindi ako teddy bear, okay?"

She shook her head before pressing her head on my neck. Aba! "No, you are my teddy bear. Because I always want to hug you, my Sammybear,"

Sige kung saan kakasya 'yang ulo mo, isuksok mo Irene! Palibhasa alam mo talaga kung paano ako kunin, sa mga simpleng pagpapacute mo, eh nabubudol mo na kaagad ako.

She caressed my face as her head was still on my neck. "Samantha, tungkol nga pala kay Kaiden. Kaano-ano mo siya? Totoo ba na anak siya ni Kiefer and France?"

Hindi ko maiwasang gumalaw dahil sa nakakakiliti niyang hininga na tumatama sa aking leeg.

Mukha ba akong sinungaling?

"Yes, anak siya nila Kiefer and France. Bakit?" I asked her back.

"Bakit ikaw ang nag-aalaga? Bakit ikaw 'yung tinatawag niyang Mommy? Wala ba siyang nanay? Ikaw ba 'yung pumalit kay Francine?"

Napakachismosa naman nito! Teka lang, isa lang ako oh, isa lang ako 'tapos yung mga tanungin ay good for four people.

"Huh? Teka nga! Isa-isa lang, okay?" Naguguluhang turan ko, hindi ko masagot ang kan'yang tanong. Mahina ang kalaban kaya isa-isa lang.

"Si Francine at Kiefer ay naging magkarelasyon. Sa hindi sinasadya, nabuntis ni Kiefer si Francine at napagkasunduan nila na kay Kiefer mapupunta ang bata pagkatapos manganak, kung hindi ipapalaglag ni Francine si Kaiden kapag nagkataon,"

"Ako lang ang tumayong ina ni Kaiden, dahil ako lang naman ang tumulong sa kan'ya noon at wala kaming relasyon ni Kiefer. Kaya itigil mo 'yang pagiging praning mo!" Piningot ko ang ilong niya nang matapos akong magkuwento.

"Bakit kasi nagpapasarap-sarap pa sila, eh 'pag nabuntis naman isisisi sa bata!" She furiously stated, rolling her eyes. Apektado ang lola niyo!

I laughed sarcastically because of what she said. "Wow ah! Kung makapagsalita ka sa 'pasarap-sarap' ah!" Nagsalita ang mabangis sa kama. "Kung may sperm lang 'yang daliri mo noon, nabuntis mo na nga rin ako, eh." As I murmured. Kung lang naman!

"Then use a protection! Afford naman nila 'yun para bilhin, bakit hindi sila bumili?"

"Bakit ako ba tumira? Ako ba tinira ha? Bakit sakin mo binubuntong 'yang galit mo?" Nababanas na bara ko naman sa kan'ya, akala mo kasi ako ang gumawa.

Kung ako lang naging direktor sa pag-gawa nila ng bata aba'y pipigilan ko talaga nang hindi maubo si Kaiden.

"Kasi naman, eh! Naawa ako sa bata, dapat hindi niya nararanasan ang mga ganyan. He deserves a better life, a real mother's love."

Well, she's right. Kaiden really deserves a love from her mother, hindi 'yung ako lang ang nafufullfill palagi.

"Aba malay ko, baka nakalimutan nilang bumili, o kaya tinamad," Pagbibiro ko at tumawa naman siya. Tatawa rin pala, eh. Akala ko susungitan na naman ako.

I sighed when I remembered Kaiden situation agai.. "Pero tama ka, hindi niya nga talaga deserve. Minsan kapag tinitignan ko siya sa isang sulok, naluluha na lang ako sa nagiging kalagayan niya."

Miss VictoriaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin