51 - return of love

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkabukas ko ng pintuan ay madilim ang paligid ng kwarto ni Irene, ni halos wala akong makita sa sobrang dilim. Pagbukas ni ma'am Imee ng ilaw, tumambad sa akin ang nakahiga na Irene sa sahig at katabi ang basag na vase.

May hawak hawak siyang kapirasong basag ng vase, dumudugo ang kan'yang kamay.

Bigla naman sumagi ang tanong sa isip ko na tatangkain niya bang tapusin ang buhay niya?

"Ay apo, diyos ko! Irene anong ginawa mo sa sarili mo?" Halos mabingi ako sa tanong ni ma'am Imee. Ako naman ay hindi makapagsalita sa nakikita ko, kaya kaagad ko siyang nilapitan upang matignan nang mabuti.

"Irene, gising please! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"

Lumuhod ako at nilagay ang ulo niya sa aking braso, tinanggal ko ang hawak-hawak niyang kapirasong basag ng vase. Nakita ko na may nakakalat din dito sa sahig na sleeping pills.

Halos manghina ako sa aking nakita na nakahalandusay niyang katawan, pero mas pinili ko pa rin ang magpakatatag. Hinawakan ko ang kanyang pulso at nararamdaman ko naman na tumitibok pa rin ito.

"Ma'am Imee, first aid kit po please!" I pleaded while crying. Tumango naman siya bago lumabas ng kwarto para kunin ang first aid kit.

"Irene, nandito na ako, oh! Please, wake up mahal ko," Pagigising ko sa kan'ya habang humihikbi. "Nandito na ako Irene, please gumising ka na! Hindi ko kakayanin kapag nawala ka ulit sa akin."

Habang tinatapik ko ang kan'yang mukha, unti unti naman dumilat ang kan'yang mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod at lungkot na nararamdaman niya ngayon.

Para siyang lantay na gulay sa sobrang payat at putla.

"S-samantha.." Nanghihinang sambit niya at napadaing sa sakit ng kan'yang kamay. Walang tigil ito sa pagtulo ng dugo.

"Ma'am yung first aid kit po!" Halos mamaos ako kakasigaw para lang marinig nila, pinuntahan naman ng isang kasambahay si ma'am Imee.

"A-anong ginagawa m-mo rito, bakit n-nandito ka?" Tanong niya na mas lalong ikinahina ko. Halos mamaos na rin ang kanyang boses.

"Irene, please 'wag ka muna magsalita. Mas lalo kang manghihina niyan, antayin natin 'yung first aid kit para magamot natin 'yang kamay mo," I wiped the blood from her face and caressed it.

"Nandito na ako, kasi sabi mo 'di ba hinahanap mo ako at kailangan mo ako,"

Many tears started to form in her eyes. "I'm s-sorry kung kailangan m-mo pa pumunta rito, 'di ba dapat nagpapahinga ka? P-para makapag desisyon n-na kung babalik ka ba sa akin o iiwanan mo na a-ako."

"Sh, Irene! Hindi rin ako matatahimik kapag may nangyaring masama sa'yo. Kaya please tatagan mo ang loob mo para sa pamilya mo, sa sarili mo at sa akin," I'm trying my best to relieve her pain, but she still couldn't stop crying.

"S-samantha, nagmamakaawa a-ako sa'yo. Bigyan mo p-pa ako ng isang pagkakataon, ayoko namg m-mawala ka sa akin. P-please, I love you Samantha, m-mahal na mahal kita." Malakas na hagulgol niya, hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Nararamdaman ko naman na naghahabol siya ng hininga, kaya niluwagan ko ang pagyakap sa kan'ya.

"Irene, huminga ka! Hush! Kumalma ka." I was caressing her back to help catch her breath. "Irene, please. Breath in, breath out! Inhale, exhale!"

Sinusubukan ko siyang pakalmahin sa abot nang makakaya ko habang mas long bumibigat ang loob ko dahil hindi pa rin siya tumitigil kakahabol..

"S-samantha, I can't b-breathe. Help, S-samantha.." She uttered weakly while catching breath.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon