Chapter 5

7 0 0
                                    


Tinanggap ko ang alok niyang ice cream.

"Thank you," sambit ko.

"Ayos na ba 'yang kamay mo?" Tanong niya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa ice cream.

"Nadaganan lang 'yan kanina." Sagot ko at patuloy na kinain yung ice cream na binigay niya.

Naglalakad lang kami habang walang nagsasalita sa aming dalawa. I finished the ice cream, naghanap ako ng tissue sa bag ko pero iniabot sa akin ni Lyanares iyong panyo niya.

"Thanks,"

"Akin na nga 'yang kamay mo," he uttered and took my hand lightly.

Dahan dahan kong ibinaba ang isang kamay ko na hawak ang panyo niya. He was holding my injured wrist and was carefully putting some pain relief patch on it.

"There," he slowly let my hand go. "You look upset again," he pointed out.

Tipid akong ngumiti. "Ngayon ko lang kinwestiyon yung sarili kong kakayahan . . . kung deserve ko bang makasali sa team."

"Napanuod kita. You're not a libero right?"

Marahan akong tumango.

"You did very well." He sighed. "They didn't see how well you played because they're too focused on theirselves." Sambit niya pa. He was frankly pointing out my teammates.

"Stop that, okay? Ipahinga mo na 'yang kamay mo pati 'yang utak mo sa kakaisip ng kung ano-ano." Dagdag niya bago siya umakyat sa dorm nila.

Umakyat na rin ako at sinunod ang sinabi niya. Pagkatapos kong maligo ay kumain lang ako ng bread bago ako nahiga at natulog.

Dahil weekends na ay naisipan kong lumabas ng dorm para bumili ng stocks sa ref namin sa loob ng kwarto. Though, we're only allowed to cook and eat at the lounge area.

Nasa labas na ako ng university at naghihintay ng masasakyan nang makita ko si Shaun na nag-lalakad at may hawak ng coffee.

"Good morning!" He greeted. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng kape.

"Uy, ayos lang." Sabi ko at ibinalik sa kaniya pero umiling lang siya.

"Kunin mo na. Saan ka punta? Sama ako?" He grinned and wiggled his brows.

"Hindi na. Dalhin mo nalang 'yang coffee sa kung saan mo dadalhin." sagot ko pero ang loko ay may nakitang kakilala at iniabot nalang yung coffee.

"Tara." He pulled my hoodie a bit and towed me away.

"Alam mo ba kung saan ako pupunta?" I asked in monotone.

"Sa grocery?" Magaling na hula niya.

"Sabi ko gusto ko ng alone time ngayon," bulong ko habang hatak hatak niya pa rin ako.

"Isipin mo invisible ako." Sambit niya. I glared at him when he lightly pushed me inside his car. Dahan dahan niyang sinara ang pinto bago siya umikot sa driver's seat.

"Nasaan ba si Bench, siya kulitin mo." Usal ko at padabog na nag-suot ng seat belt.

"Nagsasawa na ko sa mukha no'n." He replied nonchalantly and drove away.

He was humming while driving. Isinuot ko iyong hood ng hoodie ko at iritadong tumingin sa bintana.

"Nakapasok ka sa team? Sabi ni Bench." He asked.

"Yeah," I boredly replied.

"Ba't parang 'di ka masaya?"

Nilingon ko siya at bumuntong hininga bago ngumiti. "Masaya na ako,"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How To Win The GameWhere stories live. Discover now