Kabanata 3

7 1 0
                                    


That was the last time I was up close with Lyanares. Hindi na kami nag-kausap uli pagkatapos no'n. It seems like he's practicing for the tryouts dahil hindi ko siya nakikita o nasasalubong man lang sa building namin.

Magkasama kami ngayon ni Kirsten para bumili ng racket niya. Nakapag-practice na siya kahapon. Pupunta kami ngayon sa malapit na park para makapag-practice.

"This looks nice," sambit ni Kirsten habang hawak ang isang kulay asul at puting raketa. "Hindi rin siya gaanong mabigat, sakto lang."

Tumango ako. "Bibilhin mo na?"

Tumango siya at nagtungo sa counter para mag-bayad. She bought two rackets and a set of tennis ball.

Palabas kami sa sports center nang makita ko sa 'di kalayuan si Lyanares at may kasama siyang babae.

Based on Lyanares' face, they were arguing but he still has that calm look on his face. Lagi siyang gano'n, kalmado.

"Kilala mo ba 'yun?" Kirsten nudged me. Tumingin ako sa kaniya at umiling.

"Tara na," saad ko at dumiretso muna kami sa café para kumuha ng drinks. Bumili rin kami sa grocery ng gatorade.

Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Ovallo Park. There's a big oval field there at may grandstand rin kung saan dinadaos ang iba't ibang city occassions.

Naroon na sa bleachers sila Bench at Shaun nang makarating kami. May kasama pa silang dalawang babae.

"Uy," Bench greeted us. "Si Isa at si Ezra nga pala."

"Hi, I'm Luisa but Isa nalang." She has a sleek and intimidating aura but as she smiles, it melts away in an instant.

"I'm Ezrela . . . Ezra," pakilala naman nung babaeng may bangs at nakasalamin.

"Thria,"

"Kirsten,"

Isa is a badminton player. Sumama siya rito para daw maka-practice raw si Kirsten. Isa's Dad was a former tennis player.

Si Ezra naman ay nasa fencing team at dahil iilan lang naman sila at siya rin ang star athlete roon ay hindi na niya kailangan mag-try out. Ewan ko lang kay Shaun na prenteng naka-upo roon sa bleacheds habang umiinom nung binili naming frappe.

"Hindi na rin kailangan ni Shaun mag-practice?" Tanong ko kay Bench habang nagpapalitan kami ng bola.

He spiked the ball to me. "Shokoy 'yan,"

"Hey! What shokoy?" Sigaw ni Shaun mula sa bleachers. Katabi naman niya si Ezra na natatawa lang.

"Wala, inom ka lang diyan!" Sigaw pabalik ni Bench. Ini-spike ko yung bola habang hindi siya nakalingon kaya napatalon siya sa gulat. "You really got no chill, Thria." He said with wide eyes.

Nang matapos kami ay nag-pahinga lang kami sa bleachers habang umiinom ng gatorade.

"Paano niyo nakilala si Bench?" Usisa ni Isa na nagpupunas ng pawis.

"Kay Shaun," sagot ko at inginuso si loko na naka-shades dahil natutulog.

"Kayo?" Tanong naman ni Kirsten.

"Sa council at sa sports club," sagot ni Ezra. Bahagya siyang umusog dahil nahuhulog na iyong ulo ni Shaun sa balikat niya.

"Hoy! Mahiya ka naman. PDA!" Isa hissed. Akala ko kay Shaun at Ezra niya sinasabi pero kay Bench pala na naglalakad papunta sa amin na walang suot pang-itaas.

"Anong PDA?" Kirsten asked. "Public Display of Affection? Kanino?"

"Hindi! Public Display of Abs! Hoy, pagpipyestahan ka nanaman dito. Iiwan ka talaga namin."

How To Win The GameWhere stories live. Discover now