"Gago, seryoso ka ba?!"

"Bakit? Pasado ka, ah?"

"Hoy, huwag kang magbiro nang ganyan! Baka magkatotoo yan!"

Humigit ako ng malalim na buntong-hininga. Alam ko na kaagad na ganito ang magiging reaksyon nila. Pati si Celeste, huminto sa ginagawa at tumitig sa akin.

I gave them a sad smile.

"Alanganin, eh. Hindi namin kaya..."

"Pero... paano ang pangarap mo sa UP?" bulong ni Yari.

Natahimik silang lahat. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Ramdam ko ang lungkot nila para sa akin. Simula noong araw na nag-desisyon akong huwag nang mag-UP, pinipigilan ko ang iyak ko. Ayokong maluha ngayon sa harapan nila gayong inabot na ako nang ganito katagal sa pagkikimkim ng totoong nararamdaman ko.

"She'll be fine... magkasama naman kami sa Lorma." Pagbasag ni Ivo sa katahimikan.

Lulu looked betrayed. "Nagpa-enroll ka na doon? Bakit hindi mo sinabi?"

Umiling ako nang marahan. "Hindi pa, Lulu. Pero plano ko talaga doon para malapit lang sa amin. Hindi na kami lilipat ng titirahan, hindi na mahihirapan ang mga kapatid ko, at hindi na rin mawawalan ng trabaho si Papa. Ito lang ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito."

Yari looked so sad and disappointed. Ako rin naman, disappointed sa sarili ko. Ni hindi ko magawang ipaglaban ang pangarap ko. Pero matatawag ko pa rin ba iyong pangarap kung ang kapalit ay paghihirap ng sarili kong pamilya?

"Intindihin natin si Raya, guys..." seryosong sabi ni Karlo. "Hindi naman tayo lahat, breadwinner. Hindi rin madali sa posisyon niya."

Dahan-dahang tumango si Avery. "Oo nga. Baka hindi talaga para sa iyo ang UP, Raya. Pwede ka pa rin namang mag-excel sa kahit saang eskwelahan na gusto mo."

"Tama, tama. Ang talino mo kaya. Kalimutan mo na ang UP, maalikabok doon!" Yari forced out a laugh in an attempt to lighten the mood.

Lulu gave me a small smile. "Sorry, Raya. I know I'm privileged and sometimes a brat. Kung saan mo gustong mag-aral, susuportahan ka namin."

Nginitian ko lang sila at hindi na nagsalita pa. Baka mamaya, umiyak na talaga ako. Pakiramdam ko lang nabunutan ako ng tinik nang sinabi ko na sa kanila ang noon pang bumabagabag sa akin. Iniba naman kaagad ni Celeste ang topic kaya nag-iba na din ang mood.

Nakapagpahinga ako kahit papaano pagsapit ng bakasyon. Palagi pa din naman kaming nagkikita dahil hindi pa sila luluwas ng Manila para sa next school year.

"Ate, nasa labas ang future brother-in-law ko!" malakas na sigaw ni Sonny.

Muntik ko na siyang batuhin ng hawak kong sandok dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid at pinagsabihang tigilan niya ako kakaasar kay Ivo dahil baka mailang na iyon at hindi magpakita.

"Tamang-tama, agahan na pala! Makikikain ako, ha?" walang-hiyang tanong ni Ivo habang pumapasok sa bahay namin.

Nag-plano kasi kaming magpa-enroll ngayong araw kaya magkasama kaming dalawa. Naka-pantalon si Ivo, itim na t-shirt, jacket, saka white na cap. Hinubad niya iyon nang makapasok sa bahay namin.

"Magpapa-enroll kayo ni Ate ngayon, Kuya?" tanong ni Ivo habang pinaghahain ko sila.

"Oo. Sabay kami ngayon."

"Bantayan mo si Ate Raya, ah? Andami mo nang kaagaw—"

"Sonny!" sinita ko kaagad ang kapatid dahil nahihiya na talaga ako at kung anu-ano ang sinasabi niya kay Ivo. Nginisihan lang ako ng kupal at inabutan si Ivo ng plato.

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Where stories live. Discover now